Showing posts with label My Opinion. Show all posts
Showing posts with label My Opinion. Show all posts

Tuesday, August 12, 2025

Ang Karagatan ng Bansang Pilipinas



August 12, 2025
Bajo de Masinloc

Ang Pilipinas ay pinalilibutan ng karagatan na binubuo ng mga pulo kung saan halos 110 milyong katao na ang naninirahan ngayon taon 2025. Marami sa atin ang nagtataka dahil sa kabila ng napapalibutan tayo ng dagat ay kapos tayo sa mga gamit para protektahan ang ating bansa. Nakakapagtaka dahil ilang presidente ng ang nanungkulan subalit hindi pa din masolusyunan ang nasabing issue sa kapaligiran ng ating bansa. Animo'y para tayong isang sanggol na kailangan pang humingi ng tulong sa ibang bansa para tayo ay protektahan. Nakakalungkot talaga ang pangyayaring ito dahil wala pong kahit isang tao ang naglakas loob na bumuo ng sangdatahang lakas para sa maritime area natin.

Ang tanong po natin bakit hindi tayo gumawa ng mga barko o submarine na tayo mismo ang gagawa upang hindi na tayo umaasa pa sa ibang bansa para lang bumili ng mga armas pangdigma. Siguro kung tatanungin naman natin ang mga mamamayan ay marami sa atin ang may kakayahang gumawa nito dahil marami sa ating mga OFW ang nagtatrabaho sa ibang bansa ang kinukuha pa para lang doon magtrabaho. Ang totoo po ay madaming mga OFW ang nasa field po ng manufacturing ng mga ganitong armas at sasakyang pandagat. Marami din sa ating mga seafearer ang may kakayahan na magpatakbo ng mga barko kaya bakit tayo aasa sa ibang bansa? Sana po ay gumawa ang pamahalaan ng aksyon ukol po dito dahil kung hindi ay patuloy lang tayo mabubully sa ating karagatan.

Kamakailan lang ay may nangyaring banggaan at agawan ng teritoryo sa ating karagatan. Nabalitaan naman natin na mariing sinabi ng China na itong isla na Bajo de Masinloc ay pag aari daw po nila subalit nasa area of responsibility naman ng bansang Pilipinas. Ang pagsasalita ng Tsina ukol sa nasabing isla ay hindi naman katanggap tanggap dahil sa napakalayo naman nila sa nasabing isla at ito po ay na exclusive area po ng Pilipinas.

Kung hindi po tayo gagawa ng hakbang ukol po dito ay patuloy lamang po tayong ibubully ng bansang China at ito po ay hindi naman katanggap tanggap para sa ating mga kababayan. Sana po ay gumawa na ng hakbang ang mga namiminuno ng ating bansa ukol po sa nasabing agawan ng teritoryo.


Narito ang sinasabi ng China ukol po sa 10 dashline na pag-aari daw po nila basahin po natin ang artikulo ni SAKAMOTO Shigeki ang link na 10 dash line.



Basahin din natin ang ruling ng pagkapanalo ng Pilipinas sa karagatan na nasasakupan ng ating bansa.

Narito din ang isa pang link ukol sa arbital ruling: https://www.uscc.gov/research/south-china-sea-arbitration-ruling-what-happened-and-whats-next

Hanggang dito na lamang at sana po ay magkaroon tayo na mga makabagong barkong pangdigma upang maprotektahan ang ating kalayaan at demokrasya.

Narito po ang ilang link ng pangyayaring pag aagawan ng teritoryo


Thank you for visiting my Blog to express my way of communication to all of you.... God Bless

Friday, July 18, 2025

COLD PLAY KISS CAM ISSUE

COLD PLAY CONCERT


Putok na putok ang malupet na balita sa concert ng COLD PLAY tungkol sa pagkahuli sa camera sa mga sweet lover na nanonood ng concert. Pero ang balitang iyon ay hindi sa totoong mag-asawa kundi sa isang magkatrabaho na nahuling nakayakap sa kanyang kasamahang katrabaho habang nanonood ng concert.

Marami talaga ang mga lihim na relasyon ang nahuhuli sa hindi inaasahang pagkakataon. Kaya mahirap talaga ang gumawa ng hindi maganda dahil kapag nahuli ka ay sa kahihiyan ang kahahatungan mo. Ngunit bakit nga ba humahantong sa ganitong pangyayari ang bawat magkarelasyon. Halina at pag usapan natin sa 10 dahilan kung bakit ganun ang nangyayari sa isang relasyon.

10 dahilan bakit palaging nagkakaroon ng problema ang mag-asawa.

1. Hindi kuntento sa kani-kanilang asawa
2. Problema sa pera dahil sa sobrang kahirapan 
3. Sinungaling at hindi mapagkakatiwalaan
4. Walang maayos na tirahan
5. Batugan at walang maayos na trabaho
6. Hindi nag aayos ng sarili at hindi naliligo
7. Sobrang mataas ang pride ng bawat isa
8. Palaging nagagalit at sumisigaw ka kapareha
9. Hindi marunong mag-alaga ng mga anak
10. Maraming bisyo 



Kung ang mag-asawa ay may malawak na pang-unawa sa isa't isa marahil ay malalagpasan nila ang mga problema na kanilang hinaharap. Kahit gaano pa kahirap ang mabuhay sa mundo basta ang mag-asawa ay nagtutulungan sa bawat gawain sa bahay marahil ay malalagpasan nila ang mga problema na kanilang kakaharapin. Kaya wag natin hayaan na mawasak ang ating mga pamilya sa maliit na bagay. Kung may hindi pagkakaunawaan ay pag usapan upang madali lang masolusyunan ang bawat problema.

Thank you for visiting my Blog to express my way of communication to all of you.... God Bless

Monday, July 14, 2025

Basket Goal Interference - FIBA Rules

PBA Games Game 1 SMB vs TNT
July 13, 2025

PHILIPPINE CUP 2025
SMB vs TNT

Nakita nating lahat ang nangyaring pagbawi ng score sa labanan ng SMB at TNT sa kanilang game 1 finals showdown para makuha ang unang panalo sa championship match. 

Naiskor ni Moala Tautuaa ang field goal gamit ang miss slam dunk. Actually mahirap ma-explain ang ganitong scenario lalo na kung ang labanan ay sa katulad nitong championship match. Halina at panoorin natin ang naganap na miss slamdunk.




Kung pagbabasehan po natin ang rule book ng FIBA automatic ay Goal Interference ang nangyari dahil sa miss slamdunk po siya ay nagkaroon ng pagkakataon na ang bola ay pumunta sa kahit saang directions sa loob ng vicinity ng rim.



Masasabing that's is the mistake of player dahil syempre hindi niya na dunk ng maayos. Syempre sino ba naman ang gugustuhin na mag miss slamdunk na pwede naman niyang layup para pumasok po ang bola. Ang sabi sa rule book "anybody who touch the goal or net while the ball is in the cylinder will be automatic violation. It's either Goal Tending or Goal Interference.

Sa pagkakataon po iyong ay wala ding pumito na kahit isang referee para maihinto ito para madouble check ang scenario. Under sa last 2 minutes naman pwedeng mareview ang mga scenario na hindi sila sigurado sa tawag at maitama agad ang magiging desisyon nila at ng technical committees.

Then after a long seconds na continues playing ay nagkaroon ng pagkakataon na mareview ng technical committees ang incident at doon lang nila napag desisyunan na bawiin ang basket na ginawa ni Moala Tautuaa. For me this is another challenging scenario lalo na kung ito ay isang professional basketball games. Nakakabilib lang dahil nagawa pa din nilang bawiin ang score ng nakapuntos sa ganitong pangyayari lalo na kung ang pag uusapan ay Championship Match. 

Sa mga nag aalangan sumagot sa naging issue ng GOAL Interference ni Moala Tautuaa actually for my knowledge lang po wag sana ako mabash ng mga SMB fans. 

"I agree with the head of technical commitee of PBA Mr. BONG PASCUAL that is Goal Interference but the problem is it's take almost 30-40secs bago pa nahatulan which is that is not GOOD for fanatics of basketball." Ang ganitong sitwasyon po ay nagkakaroon ng iba't ibang saloobin at kuro kuro kung hindi po ito masosolve agad agad ng PBA. I hope po na masolve ang issue na yan at wag na sanang mahaluan pa ng alanganing desisyon ang natitira pang games ng championship match.

Kudos pa din po sa mga referees on the games but admit na po ninyo ang mistake para matamik na ang Pilipinas Basketball Fanatics. Tutal nangyari na po yan at being a referee you must face all the bashing at comment ng maraming mga magagaling sa basketball.

Wag po ninyo ako I bash ahh dahil this is my OWN OPINION lang syempre pede ko din naman baguhin ito sakaling mali ang aking comments.

Ingat palagi at bawal ang balat sibuyas sa larong basketball....

Yours Truly
apflores03


Sunday, April 15, 2018

Life of being OFW

Babalik na naman, ganito palagi ang nababanggit ng isang OFW kapag tapos na ang kanyang bakasyon. Kahit labag sa kalooban ay magpapatuloy pa din sa kanyang pakikipag sapalaran. Iniwan ko ang aking mag iina sa airport na malungkot dahil babalik na naman ako sa aking trabaho. Yakap dito halik doon ang ginawa ng aking mga anak.

Narinig ko pa ang sigaw ng aking bunsong anak habang pa palipad ang eroplano. Akala ko nga ay mababa lang ang lipad yun pala ay nasa isip ko lang. Malungkot pero dapat kayanin dahil bihira lang din sa milyong Pilipino ang nakakaalis ng ibang bansa. Maswerte pa rin ako dahil may trabaho na naghihintay sa akin.

Kaya sa mga tulad kong Ama ng tahanan na OFW. Wag natin sayangin ang pagkakataon na ibinigay sa atin ng ating Diyos Ama at ng ating kumpanya. Mag sipag tayo upang makamit natin ang tagumpay para hindi mag hirap ang ating Pamilya sa Pilipinas.

God bless sa ating lahat
Buhayofw Alex


Sunday, July 26, 2015

Happy 101 anniversary Iglesia ni Cristo


Salamat po Ama sa bigay mong pamamahala sa amin. Totoong napakadakila ang iyong Iglesia hindi namin kayang talikuran ang aral na iyong itinuro sa amin. Kinasangkapan mo ang kapatid na Eduardo V. Manalo upang kami ay pangalagaan kahit na masakit sa kanyang kalooban na itiwalag ang kanyang mahal sa buhay dahil sa paglaban sa kanyang pamamahala.

Alam naming lahat na ito ay pawang pagsubok lamang sa aming pananampalataya. Sinusubok mo ang katatagan ng bawat isa sa amin. Inaaalam mo kung kami ba ay kaisang diwa ng iyong pamamahala. 

Maraming salamat po dahil natapos ang ika-101 na annibersaryo ng iyong Iglesia na napaka luwalhati dito sa loob ng Philippine Arena hanggang sa mahigit na 1,700 live streaming site kasama na distrito ng Qatar kung saan nanonood ang aking mga kaibigang kapatid. Alam naming lahat na ito ay gawa ng inyong makapangyarihang kamay. 

Ang pagsubok na aming nasaksihan ngayon na may kinalaman sa usaping pondo ng Iglesia ay sa inyo na po namin inihahabilin. Kayo na po ang bahalang gumawa ng paraan upang ito ay maresolba kung nagkaroon man problema. Hindi namin kailanman kinukwesyon ang aming naiambag dahil ito ay kusa naming handog at pagtulong sa gugulin ng Iglesia. Kitang kita naman namin ang mga resulta dahil napakadami na po ng lupa at mga kapilya na nabili nang Iglesia upang magamit sa mga pagsamba.

Sa mga taong nagsalita ng hindi maganda at nakisawsaw sa balitang mas lalo pang pinalala ng mga telebisyon at social media. Ipapanalangin na lamang namin ang inyong mga ginawa at mga sinabi. Ang Diyos Ama na lamang po ang bahala sa inyo. Ang aming paninindigan ay para sa buong Iglesia at hindi sa mga taong gustong sumira sa aming pagkakaisa.

Muli po maraming salamat sa inyo dahil mas lalo pa pong tumatag ang aming pananampalataya dahil naririyan ang isang matapat at matalinong pamamahala. Mahal po namin ang Iglesia at mahal po namin ang aming tagapamahalang pangkalahatan na si Kapatid na Eduardo V. Manalo at lahat ng mga ministrong tapat sa kanyang pamamahala.

Maligayang ika-101 annibersaryo sa inyo lahat at mabuhay po ang lahat ng kapatid sa Iglesia sa buong mundo.






Friday, January 30, 2015

The Fallen Heroes - 44 PNP- SAF Commando

Ang aking opinion!

Sa lumabas na balita na nabasa ko patungkol sa mga sundalo ng PNP-SAF na nakipaglaban sa Mindanao ay ito ang aking opinion.

Kailan man ay hindi magwawagi ang kasamahan laban sa kabutihan lalo na't madami ang naulilang pamilya ang mga sundalo. Ang kailangang pagtuunan ng pansin ng Gobyerno ay ang mahabang pagtulong sa kaanak ng mga namatay.

Papanagutin kung sino man ang may kasalanan kung wala itong direct orders sa mataas na opisyal ng gobyerno.

Kung ito man ay lehitimong utos ng pinakamataas na ranggo ng kapulisan kailangan buong tapang niyang ipapasan sa balikat ang nangyaring ito. Madami ang namatay na sundalo sa bakbakan at kinakailangan itong ipaliwanag ng maigi sa buong sambayanan.

Ayon na rin sa mga lumabas na balita walang kamalay malay ang mga MILF at BIFF na magkakaroon ng operasyon sa kanilang lugar. Ito ang dahilan kung bakit napasali sila sa gulo na likha ng teroristang mula pa sa Malaysia na Jemaah Islamiyah bomb makers Zulkifli bin Hir, alias Marwan, at Pilipinong Abdul Basit Usman, Siguro naman kung ikaw man ay putukan ng baril ng harap harapan kailangan mong ipagtanggol ang iyong sarili para hindi ka din mapaslang.

Lumabas din sa balita na madaliang operasyon ang nangyari. Ayon na rin sa sundalong nakaligtas sa bakbakan nakapaligid sa kanila ang kubo kubo na mga kalaban at nasaksihan niya kung paano pinagbabaril ang mga sundalo. Nakaligtas siya sa bakbakan ng matago siya sa madamong lugar na hindi siya nakikita ng mga kalaban at malayang nakatakbo papalayo.

Kailangan gumawa ng gobyerno ng isang paraan kung paano matutukoy ang bawat pumapasok na dayuhan sa ating bansa. Kailangan magkaroon ng alternatibong paraan upang masubaybayan ang mga dayuhan.

Tapos na ang pangyayari at nakaukit na yan sa ating history kaya kailangan na lang natin tulungan ang mga naulilang pamilya ng mga sundalo.

SAF Fallen Heroes - 2015 must be remember

Facebook page GMANews: https://www.facebook.com


Wednesday, November 5, 2014

Rodrigo Duterte - Sino kaba talaga?

Ano ba ang meron si Mr. Duterte at marami ang gusto siyang maging presidente?

Actually hindi ko siya kilala, nababasa ko lang sa mga news ang tungkol sa mga ginagawa niya. Hindi ko din alam kung gaano nga ba kaganda ang Davao kung saan siya ang mayor nang lalawigan. Marami ang nagtutulak sa kanya na kumandidato bilang Presidente ng bansa ano bang meron siya?. Kagulat gulat din ang mga lumalabas na suporta mula sa iba't ibang grupo upang siya ay tumakbong presidente ng bansa.

Ano nga ba ang nagawa niya sa Davao at talaga namang hinahangaan siya ng mga nakatira doon. Alamin natin kung ano ba ang buhay ng mga naninirahan doon. Tahimik, malinas daw ang lugar at sinasabi nilang zero crime dahil sa pamamalakad niya.

Magsagawa tayo ng maikling survey ukol sa kanyang pamamahala upang malaman natin kung dapat ba siyang kumandidato bilang Presidente ng bansang Pilipinas. Kung agree kayo na sumama kayo sa akin para alamin ang mga nagawa niya. Bisitahin lang natin ang post na ito ang sundan natin ang mga balita tungkol sa kanya

Rodrigo Duterte link: Rodrigo Duterte BIO

November 03. 2014 - Is The Philippines Ready for Duterte in 2016?
October 24, 2014: FVR - Time for president from Mindanao
October 22, 2014: Duterte wants Davao city hospitals ready to deal with ebola threat by Nov.15
October 15, 2014: Duterte for president siguradong panalo
October 12, 2014: Duterte biz owners hand over cctv footages
October 12, 2014: Duterte denies doing rounds federalism
October 09, 2014: Duterte President Campaign Launched
October 09, 2014: Duterte to ex npas ill shoot you if you go back to subversion
October 05, 2014: Duterte welcomes back Danao
September 21, 2014: http://newsinfo.inquirer.net
September 04, 2014: Duterte inalok na maging pangulo sa planong kudeta
March 05, 2014: Sign Duterte President Petition
March 2014: https://www.youtube.com

Tuesday, October 21, 2014

Corruption Expose


Nakakasawa na ang mga balita at usapan tungkol sa corruption sa bansang Pilipinas. Kaliwa't kanang balita ang naglalabasan patungkol sa mga anomalyang kinasasangkutan ng mga pulitiko at hanay ng gobyerno sa ating bansa.

Sa totoo lang bagsak ang pamumuhay ng karamihan dahil sa mga ganitong klaseng namumuno. Sadyang tanga lang siguro ang mga botante bakit nila binoto ang mga ganitong klaseng namumuno sa ating bansa. Sa palagay ko dapat na tayong maliwanagan sa mga pangyayaring ito.

Nagsisisi tuloy ako dahil sa isa din ako sa mga tangang botante, Mabuti na lang naka alis ako ng bansa para magtrabaho at hindi na muling bumoto. Hindi ko na kayang masikmura ang bumoto sa kanila pag tapos puro pala korapsyon ang mga ginawa nila.

Sa totoo lang tuwing sasapit ang botohan naririnig natin ang kanilang mga panukala para sa ikakabuti ng mamamayan. Ang iba pa nga ay akala mo kung sinong speaker na kung magsalita ay siya ang pinaka magaling sa lahat. Pero lahat pala ng iyan ay pangako lamang at karamihan ay hindi nagkakatotoo.

May ilang naman akong nakitaan ng magandang gawa at ginawa nila ang kanilang makakaya para sa kapakanan ng publiko. Pero mandatory ay pangako na napako ang nakita ko kaya ang kwawa pa rin ang sambayanang Pilipino.

Kung pwede ko lang bawiin ang boto ko sa mga ito ay talagang babawiin ko dahil simula ng nagkaisip ako at tumanda wala pa ring pagbabago sa pamumuhay ng karamihan. Ganun pa rin ang sistema at ganun pa rin ang kalakaran. Let our eye and mind begin para sa susunod na mamumuno ng ating bansa ay may pagbabago.

Kaya for the record kailangan kong kolektahin ang mga anomalyang napapabalita, hini-hinalang anomalya at mga inakusahang nagkasala ito ay para malaman ko at hindi makalimutan. Para sa darating na eleksyon ay may record ako at mabalikan.

Date                                    News Source      
November 01, 2014 - Senate Blue Ribbon can look into Iloilo overprice
October 24, 2014 - Revilla tops list of lawmakers
October 23, 2014 - AMLC prober insists Bong Revilla used wife’s company to launder millions
October 22, 2014 - LIVE: Senate probe on 'overpriced' Makati project


Monday, September 29, 2014

Gilas Pilipinas Failed Again - Asian Games 2014

GILAS PILIPINAS

I'm one of the avid fan of Gilas Pilipinas, isa ako sa milyong katao na malungkot dahil sa nangyaring pagkatalo. Sa totoo lang magaling na coach si Chot Reyes kaso may mga desisyon siyang nakakagulat kaya sa bandang huli talo tayo.


Siguro pang PBA coach lang talaga siya at hindi pwedeng isabak sa mga international competition na kailangan ng matinding diskarte. I believe na balang araw ay magiging top rank din tayo sa mundo ng basketball. Gaya nga ng kasabihan ng mga matatanda "Bilog ang bola pagdating sa court".

This is the last time na nakarating tayo sa world cup at nagkaroon ng chance na makapasok sa mas mataas na ranking. Pero dahil sa pride at decision ni head coach natalo tayo. Sabi nga nila di ba If you have confident to your team hayaan mo silang dumiskarte ng sa kanila kung paano ba nila maipapanalo ang laban. Ang trabaho ng head coach ay I motivate at bigyan ng payo at hindi sigawan laitin gaya ng ginawa niya kay Marcus na hindi pinaglaro dahil sa pride niya. Kaso dahil sa matigas ang ulo ni Coach Chot Reyes sinunod niya ang kanyang decision kaya yan tuloy "TALO".

Habang sinusulat ko ito ay nabasa ko ang mensahe ni President Manny V. Pangilinan na buong sumuporta sa Gilas Pilipinas at narito ang kanyang buong trasncript.

“Chot, pls send to each and all of you my deep personal gratitude for what the Gilas Team has accomplished – in Manila last year, and in Spain and Korea this year.

“It has been quite a journey with its peaks and valleys; the road has been long and tough, the climb steep, and the obstacles formidable even from the get go. We may have fallen short of what we all desired to gift to our people after years of desolation, but all of you persevered, and gave your best to the country and improved our standing in world basketball.

“For now, we cannot ask for more. Indeed, sports is a veritable roller coaster and we’ve seen that cycle of ups and downs as short as it was between Spain and Korea. We report our results in Korea with “heads bowed in sadness but not in shame”. That said, we take pride and satisfaction in all that Gilas have reached thus far.

“The Asian Games are now done; it is time to look ahead and plan for the FIBA Asia competition next year in China, the winner of which qualifies for the 2016 Brazil Olympics. We must stay focused on our goal, and neither despair nor get deterred by the letdown in the Asian Games – which is comparatively less meaningful than the Olympics.

“In the meantime, it is time to bring the Team home so that they can restore normalcy to their lives with their loved ones. Safe journey.”




Wednesday, September 24, 2014

Love

Credit to the owner of the Picture

Love is one of the greatest word I ever heard. Do you agree with me, If yes let's try to find out what is the true meaning of love.

In a relationship if love your partner 100% that is so call romantic love. This is the most important key to have a strong relationship. 

"I believe that two people are connected at the heart, and it doesn't matter what you do, or who you are or where you live; there are no boundaries or barriers if two people are destined to be together.

Maybe God wants us to meet a few wrong people before meeting the right one
so that when we finally meet the right person, we will know how to be
grateful for that gift.

When the door of happiness closes, another opens, but often times we look
so long at the closed door that we don't see the one that has been opened
for us.

Giving someone all your love is never an assurance that they will love
you back! Don't expect love in return; just wait for it to grow in their
heart but if it doesn't, be content it grew in yours.

It takes only a minute to get a crush on someone, an hour to like someone,
and a day to love someone, but it takes a lifetime to forget someone.
Don't go for looks; they can deceive.

Don't go for wealth; even that fades away.
Go for someone who makes you smile because it takes only a smile to make
a dark day seem bright.

May you have enough happiness to make you sweet, enough trials to make
you strong, enough sorrow to keep you human, enough hope to make you happy.
Always put yourself in others' shoes. If you feel that it hurts you,
it probably hurts the other person, too.

The happiest of people don't necessarily have the best of everything;
they just make the most of everything that comes along their way.
Love begins with a smile, grows with a kiss and ends with a tear.

When you were born, you were crying and everyone around you was smiling.
Live your life so that when you die, you're the one who is smiling and
everyone around you is crying.

Tuesday, September 16, 2014

Deniece and Cedrick post Bail 500k

Deniece Cornejo, Cedric Lee and Zimmer Raz can now post bail.
What a move, Galing ng mga abogado nila. Money is most powerful weapon sa mundo talaga. If you have money you can do anything. Sabagay paano nga naman sila kakasuhan ng Illegal detention eh dinala si Vhong Navarro sa police station para sabihin isumbong nila na ni rape si Deniece. Kaya siguro the evidence is not strong gaya ng paliwanag ng mga abogado nila Deniece. Physical Injury nalang ang pedeng ikaso kasi bugbog sarado si Vhong Navarro na halos magkadurog durog ang ilong. Malamang baka dun manalo na si Vhong sa kaso.

Another question is kapag nakapagbail po ba saan napupunta yung perang binayad. Sa court po ba kung saan dinidinig ang kaso o sa mga hukom na kung saan sila ang may karapatan kung papayagan nila makapag bail ang mga akusado. Just to clear lang po ahhh! Nakakagulat lang kasi na kitang kita naman natin na agrabyado si Vhong Navarro sa nangyari pero nagawa pa rin nilang makapag piyansa.

Anu kaya ang reaksyon ng madlang people ukol dito! Well abangan na lang natin ang susunod na kabanata.

Vhong Navarro vs Deniece Cornejo, Cedric Lee at Zimmer Raz.
Complete news from:
http://www.gmanetwork.com
http://entertainment.inquirer.net
http://www.philstar.com




Wednesday, September 3, 2014

Gilas PIlipinas - FIBA 2014

Gilas Pilipinas in FIBA Basketball 2014

As per the game result today 73-77 lost to Puerto Rico our team is no change to enter in the next round of competition. This is very sad day to our national team who compete very well in the world of basketball.
Puerto Rico have two NBA player both point guard Carlos Arroyo (Former Miami Heat) and Jose Barea (Timberwolves). Renaldo Balkman is also a NBA in New York Knick last 2012 and played also as import of Petron Blaze somewhere in 2013. We are trying to match this two NBA experience point guard but we failed.
When I watch the game via Live Streaming I tough we will win this match because I saw some determination with our team Gilas specially Andray Blatche who made tremendous job inside and outside the perimeter.
Our game against Senagal will be our last game in the tournament. This is no bearing game because we already lost 4 games. Hope in the next season of FIBA Basketball world cup we have at least 3 big guy like Andray, 2 SF like Norwood 2 big center like Fajardo, a best shooting guard and best point guard.

I salute the effort of our head coach Chot Reyes but we know that we are not much experience and we are one of the small team in the league. Don't loss hope in the next FIBA game we will try to put big and athletic guy in the court.

We especially thanks the effort of the whole management of team Gilas specially the team manager Aboy Castro and the whole management who is controlling the team. Mr. Manny V. Pangilinan the number one supporter of team Gilas.

From rank 34 Gilas Pilipinas already give us pride by giving us good games.

See you next world cup.....

Tuesday, September 2, 2014

Team Gilas FIBA 2014






Andrey Blatche is one of the pride inTeam Gilas Pilipinas today with his outstanding performance allover the team. He is the top scorer, rebounder king as of now and a great defender. I wish to have 3 more Blatche in our team roaster.

 The other top player I choose is 
Gabe Norwood
June Mar Fajardo
Ranidel De Ocampo
Robert Jaworski is my bet for point guard, We need the attitude and the team spirit so we can wiin.

Monday, August 25, 2014

FIBA 2014 - Gilas Pilipinas

Malapit na nating mapanood ang laban ng ating magigiting na Gilas Pilipinas sa FIBA 2014 na gaganapin sa bansang Spain. Ano na nga ba ang kayang gawin ng ating mga magiging na manlalaro. Handa na ba tayo harapin ang mga bigating kalaban sa mundo ng basketball. 

Lubhang napakalakas ang mga team na makakatapat natin dahil ang mga ito ay kampeon din sa iba't ibang kontinente ng mundo. Sa totoo lang hindi lang sila matatangkad,maliliksi at malakas ang mga katawan.

Ang unang makakalaban natin ay ang bansang Croatia na isa sa malakas na koponan. Ang pinakamababang player nila ay may height na 6'2" at ang pinaka matangkad na player ay 7'1" at may dalawang NBA players. Sa kanilang ipanasang line up 4 sa kanila ang kinakatakutan ng ibang mga bansa pero sabi nga nila bilog ang bola.


Ang mga manlalaro na binuo ni head coach Chot Reyes ay mga maliliit subalit may taglay na puso sa paglalaro. Pero paano nga ba tayo makakatapat sa mga matatangkad na player kung halos 5 pulgada ang taas nila sa atin. Kung makikita natin sa team roaster ng Gilas Pilipinas tayo ang may pinaka maliit na line up sa FIBA. 

Wala naman tayong pamalit sa mga maliliit nating player dahil sila ang nabuo noong sinasanay ang Gilas Pilipinas. Ang pinagtataka ko lang bakit 3 ang kinuhang point guard ni Chot Reyes imbis na kumha tayo ng mas tatangkad na player para sa depensa at opensa. Hindi ko naman minamaliit ang pagpili ni coach pero kung ating titignan sa una palang ay wala tayong panlaban sa mga matatangkad na player.

Sa aking palagay, dahil palagi naman akong nanonood ng mga laro ng Gilas. Kitang kita naman natin na hirap na hirap ang mga maliliit nating player laban sa mga matatangkad na kalaban.

Sabagay siya naman ang coach natin at alam niya ang diskarte kung paano niya huhugutin ang mga manlalaro at alam natin na may inihandang plano si coach. Panoorin na lang natin kung paano lumaban ang ating magiging na Gilas Pilipinas.

Kahit isang panalo lang ay tuwang tuwa na kami basta ilabas na lang ninyo ang inyong husay sa paglalaro ng basketball.

Goodluck team Pilipinas and we support you all the way.

Free live streaming: http://www.fiba.com/

Wednesday, August 20, 2014

Nissan Patrol vs Laser Machine

Habang ako ay nagbrowse ng mga picture ng sasakyan sa internet, naaalala ko ang isang katagang mula sa aking boss "Nissan Patrol" ito yung time nag uusap kami kung ano ba ang mas maganda bilihin "Laser Machine o Nissan Patrol". Akala ko ang pag uusap namin iyon ay balewa lang subalit namulat ang isip ko sa kanyang binanggit na "Why you will buy Nissan Patrol rather than this Laser Machine" 

Tinanong kasi niya ako kung ano ba ang mas gusto ko ang "Nissan Patrol ba o ang Laser Machine" 

Sinabi niya sa akin ang malaking kaibahan ng dalawa. Kaya naisip ko tuloy bakit marami tao ang hilig bumili ng mga sasakyan samantalang imbis na ang bilihin nila ay pagkakakitaan.

"If you buy Nissan Patrol, you need to buy petrol, you need to check maintenance at yearly register"
sa madaling salita puro siya gastos.

"If you buy laser machine you have income, support your expenses, buy food and everything." meaning kikita ka ng pera.

Habang natapos ang aming usapan napag isip isip ko tama ang kanyang sinabi bakit nga ba ako nagpaplanong bumili ng brand new vehicle samantalang ang dapat na atupagin ko ay kung saan ako kikita ng pera. Imbis na kotse ang bilihin ko, Jeepney, Taxi or Tricycle na lang para kikita pa ako at may pang suporta pa sa gastusin sa araw araw.

Ikaw ano naman ang pipiliin mo?


 
Thank you for visiting my Blog to express my way of communication to all of you.... God Bless

Saturday, August 16, 2014

Sino kaya ang tototong Pabaya? - Napoleon Timonera

Alam ko na isa din kayo sa mga nakapansin sa isang post tungkol sa isang AMA na inabandona ng kanyang mga anak. Siya si Napoleon Timonera ang lalaking nagpost sa facebook at nagmamakaawa sa kanyang mga anak na suportahan siya.
Noong nakita ko pa lang ang post na ito ay nagkaroon din ako ng awa ngunit hindi ko ito pinatulan sapagkat hindi ko naman alam ang totoong istorya nang kanilang pamilya. Isa pa wala din naman akong mapapala kung sakaling isa ako sa mag share ng kanyang hinaing. Mabuti nalang at hindi ko nagawang i share ang kanyang post dahil lumabas din ang totoong katotohanan.

Ito ang sagot ng kanyang anak na isang doktora.


Sad to know that there are really many people that would rather judge first before knowing the real story.They would rather hurt people rather than know the truth first. I pray that you yourselves are also blameless and have the right to judge.I initially planned not to respond anymore and just keep quiet because this has been going on for almost 3 months already and we’re quite tired.

First of all, look at his poster, he says he is looking for his daughters, why then does he know our phone numbers? Answer: because HE KNOWS WHERE WE ARE and HE HAS BEEN IN CONTACT WITH US all these years. Why has he been in contact with us?Dahil HINDI NAMIN SYA PINABAYAAN. 

In spite of leaving us and having many mistresses already (the one he has today is his 4th), we have supported him financially, we have offered for him a place to stay.
Why then is he doing this to us? Because he has another family to support and he is old already. He has seen that in spite of the broken home he has given us, we have strove to rise above the problems and get a better life while the path that he has chosen has lead him to nowhere. Now he is asking a much larger amount, threatening us that if we did not give, papahiyain nya kami sa mga tao at sa media. He has been doing this over and over. Pag nag bigay kami, then hinto ang pananakot.

We know that if we give in again this will last for a short time only. Pag naubos ang pera, balik uli sa pangba-blackmail sa amin. So this is the interesting story of our lives that we have wished to keep to ourselves – because this should be a private matter. I don’t want to explain any no longer. I’m content that our friends and relatives know who we are and the real story and they have been supporting us through all these trying times.

Those who are bashing us, take time to think. Not all that you are seeing is the truth. Know the truth first. Before you judge, look inside you and ask yourselves. Kung anong panghuhusga ang ginawa nyo sa kapwa nyo, ganyan din ang ipapataw sa inyo. Have pity on my mother who is old already – and we’re taking care of her. She is the hero in this story but the one being praised now is the man who left us and is crediting all our achievements to himself.

By the way, ang asawa ko ang nagpatapos sa akin.So thank you everyone for giving us your thoughts. Thank God that you have not gone through what we went through and what we are going through now.

God bless you all.


Sa kanyang pahayag ay lumabas ang kabilang panig kung sino ba talaga ang may kasalanan at nagsasabi ng totoong istorya. Para sa aking opinion malaki ang naging kasalanan ng kanilang padre de pamilya dahil iniwan niya ang kanyang mga anak at nagkaroon ng ibang pamilya. Ang pagsisikap ng kanilang ina ang naging dahilan kung bakit sila nakatapos ng pag aaral. Hindi na natin alam pa ang buong istorya subalit nakakuha tayo ng magandang leksyon sa kanilang istorya.

Nawa'y maging maayos ang kanilang hidwaan dahil sa edad ng kanilang Ama ay masyado nang matanda. Alam naman natin na kapag ganung edad ay nagiging matatampuhin at palaging may sama ng loob.

Sariling opinyon lang po at salamat sa inyong istorya......



Wednesday, August 13, 2014

Senador JV EJERCITO Nagsalita

Opinion ko lang ito!

Video Credit to UNTV

Narinig at napanood ko ang privilege speech ni Senator JV Ejercito mula sa post ng RAPPLER dated August 11, 2014. Sa totoo lang marami siyang nabanggit tungkol sa kahirapan ng mga mamamayan na totoong nangyayari sa ating bansa. Marami din siyang binanggit na datos tungkol sa ano na ba talaga ang estado ng buhay sa Pilipinas. Tumaas ang bilihin, power crisis, maraming krimen, at iba pa. 

Totoo namang tumaas ang mga bilihin na siyang nagpapahirap sa ating lahat. Napakataas ng mga bayarin sa kuryente, tubig, LPG at iba pa. Halos hindi na nga nakakabili ang ilang pamilya ng gusto nila bilhin dahil sa tinitipid ang kanilang kinikitang pera. 

Para sa aking palagay hindi lang ang PIlipinas ang nakakaranas ng kahirapan bagkus mas marami pang mga bansa ang naghihirap din. Mataas ang presyo ng bilihin gayundin ang mga iba't ibang pangangailangan ng tao. Ang nangyayaring ito ay pang buong mundo at hindi lang sa Pilipinas. Marami din ang nagugutom sa ibang bansa at wala ding magawa ang kanilang gobyerno dahil ito ay global crisis.

Totoong pahirap na ng pahirap ang mundong ating kinalalagayan kaya kailangan nating maging masikap at matiyaga kung ano man ang ating natatanggap sa ngayon. Hindi natin kailangan gumastos sa mga bagay na hindi naman natin kailangan talaga. Kailangan nating mag ipon ng pera ng sa ganun ay may magamit tayo para ating ikabubuhay.

Paano nga ba natin matutulungan ang mga mamamayan. Kung nais po ninyo kuhain ang aking opinyon ay ganito

1. Kailangan maging MODELO ang bawat ahensya gobyerno. "Wag maging Kurakot"
2. Alisin ang patong patong na bayarin sa government, school university, at katulad nito "kinukuhang paples kagaya ng sa NBI, Passport, Phil Health, Authentication Seal, at marami pang iba."
3. Ibaba ang presyo ng pangunahing bilihin "Pagkain, Bigas, langis at marami pang iba.".
4. Alisan ang sobrang TAX sa mga mamamayan at mga kumpanya.
5. Itaas ang minimum na sahod sa 800pesos per day
6. Alisin ang contractual basis ng mga empleyado. Gayundin ang age discrimination at bigyan ng pagkakataon magtrabaho ang lahat.
7. Masugpo ang kriminalidad at mahuli ang mga salot sa bayan.
8. Magkaroon ng sariling pagkakakitaan ang gobyerno upang magkaroon ng sariling pondo.
9. Ibalik ang death penalty sa mga maakusahang mabibigat na kaso.
10. Magkaroon ng kapayapaan at pag iibigan ang lahat. Magkaroon nang solidong pagkakaisa ang lahat.

Sa sampung nabanggit ko marahil magkakaroon ng kaginhawaan ang mga mamamayan sa kanilang pamumuhay kung maipapatupad ang ilan sa mga na i-suggest ko. Wala namang masama kung magbigay ako ng opinyon kaysa sa makipag talo ang bawat isa. Nais nating masolusyunan ang mga problema para makatulong tayo para sa lahat.

Kaya we have a freedom of speech diba! Kaya iwasan na lang natin magbatuhan ng mga sisihan bagkus ayusin natin ang lahat para sa ikakabuti ng ating mga mahal sa buhay at para sa mamamayan.

Isa ako sa milyong OFW at malapit na akong mag 5 years sa labas ng bansa pero hindi ko pa rin nararamdaman ang ginhawa sa buhay. Lahat tayo nais natin magkaroon ng kaginhawaan dahil nais nating magkaroon ng magandang kinabukasan ang ating pamilya.


Saturday, August 9, 2014

Sinampal Ang Suspek ni Mayor Herbert Bautista



Opinion ni Alex

Nakita at napanood natin ang balita tungkol sa hinihinalang drug pusher at nahuling suspek na isang chinese national nitong nakaraang arawl. Nahulihan ito ng mahiigt sa 10 kilong shabu mula sa buy bust operation ng mga pulis sa lungsod ng Quezon City.

Inakusahan ng CHR si Mayor Herbert Baustista dahil lumabag daw ito sa karapatang pantao dahil sinampal daw niya ang nahuling kriminal. Habang pinapanood ko ang balitang ito noong nakaraang araw iniisip ko na bakit nga ba sinampal niya ito. Mga tanong na nagkaroon sa akin ng pangamba na baka makasuhan ang magiting na alkalde ng Quezon City.



Nireplay  ko ang balita at talaga namang nakaka asar ang asta ng nahuling kriminal. Akala mo kung sinong artista na lumapit pa sa mukha ng alkalde. Kahit na sinong tao naman ay mapipikon sa ginawa ng tao ito.

Panoorin po ninyo ang buong video


Mukang train ang mga ganitong tao, Nag aastang walang alam at hindi magsasalita para sa hindi na malaman ang pinaka ugat nito. Masyadong kampante ang chinese national dahil nakuha pa nitong manigarilyo at magbiro.

Kaya ang opinion ko para dito ay ito: 

1. Nagawa lang ni Mayor Bautista ang pananampal dahil sa inis dahil binastos ng suspek ang mga pulis at maging siya ay ginawan ng eksena. 
2. Tinanong ni Mayor Bautista kung saan nakuha ang mga drugs na ito ngunit hindi sinagot ng suspek at parang inaasar pa niya ang Mayor kaya siya sinampal.
3. Na high temper ang Mayor dahil sa laki ng nahuling droga dahil mas marami ang mapapahamak na kabataan kapag hindi ito napigilan.
4. Pikon si Mayor Bautista (konting relaks po Mayor dahil hindi lang ikaw ang naiinis sa suspek ang buong Pilipinas po ang galit sa mga katulad niyang drug dealer.)

Ito ang payo ko

"konting relaxs po sa mga hanay ng gobyerno sa tuwing makakahuli tayo ng ganitong klaseng tao dahil kayo rin po ang mababalikan ng mga iyan. Kailangan po natin ng konting pasensya para tuluyang makulong ang mga walang kwentang tao na iyan"

"Kay Mayor Herbert Bautista para po sa akin ay natural lang po ang ginawa ninyo dahil kayo po ang itinuturing na AMA ng Quezon City dahil sa mahal ninyo ang kabataan na naninirahan diyan at ayaw po ninyong mapahamak ang mga ito. Kaya saludo po ako sa inyong katapangan"

"Next time chillax lang po"