Wednesday, August 20, 2014

Nissan Patrol vs Laser Machine

Habang ako ay nagbrowse ng mga picture ng sasakyan sa internet, naaalala ko ang isang katagang mula sa aking boss "Nissan Patrol" ito yung time nag uusap kami kung ano ba ang mas maganda bilihin "Laser Machine o Nissan Patrol". Akala ko ang pag uusap namin iyon ay balewa lang subalit namulat ang isip ko sa kanyang binanggit na "Why you will buy Nissan Patrol rather than this Laser Machine" 

Tinanong kasi niya ako kung ano ba ang mas gusto ko ang "Nissan Patrol ba o ang Laser Machine" 

Sinabi niya sa akin ang malaking kaibahan ng dalawa. Kaya naisip ko tuloy bakit marami tao ang hilig bumili ng mga sasakyan samantalang imbis na ang bilihin nila ay pagkakakitaan.

"If you buy Nissan Patrol, you need to buy petrol, you need to check maintenance at yearly register"
sa madaling salita puro siya gastos.

"If you buy laser machine you have income, support your expenses, buy food and everything." meaning kikita ka ng pera.

Habang natapos ang aming usapan napag isip isip ko tama ang kanyang sinabi bakit nga ba ako nagpaplanong bumili ng brand new vehicle samantalang ang dapat na atupagin ko ay kung saan ako kikita ng pera. Imbis na kotse ang bilihin ko, Jeepney, Taxi or Tricycle na lang para kikita pa ako at may pang suporta pa sa gastusin sa araw araw.

Ikaw ano naman ang pipiliin mo?


 
Thank you for visiting my Blog to express my way of communication to all of you.... God Bless