Lubhang napakalakas ang mga team na makakatapat natin dahil ang mga ito ay kampeon din sa iba't ibang kontinente ng mundo. Sa totoo lang hindi lang sila matatangkad,maliliksi at malakas ang mga katawan.
Ang unang makakalaban natin ay ang bansang Croatia na isa sa malakas na koponan. Ang pinakamababang player nila ay may height na 6'2" at ang pinaka matangkad na player ay 7'1" at may dalawang NBA players. Sa kanilang ipanasang line up 4 sa kanila ang kinakatakutan ng ibang mga bansa pero sabi nga nila bilog ang bola.
Wala naman tayong pamalit sa mga maliliit nating player dahil sila ang nabuo noong sinasanay ang Gilas Pilipinas. Ang pinagtataka ko lang bakit 3 ang kinuhang point guard ni Chot Reyes imbis na kumha tayo ng mas tatangkad na player para sa depensa at opensa. Hindi ko naman minamaliit ang pagpili ni coach pero kung ating titignan sa una palang ay wala tayong panlaban sa mga matatangkad na player.
Sa aking palagay, dahil palagi naman akong nanonood ng mga laro ng Gilas. Kitang kita naman natin na hirap na hirap ang mga maliliit nating player laban sa mga matatangkad na kalaban.
Sabagay siya naman ang coach natin at alam niya ang diskarte kung paano niya huhugutin ang mga manlalaro at alam natin na may inihandang plano si coach. Panoorin na lang natin kung paano lumaban ang ating magiging na Gilas Pilipinas.
Kahit isang panalo lang ay tuwang tuwa na kami basta ilabas na lang ninyo ang inyong husay sa paglalaro ng basketball.
Goodluck team Pilipinas and we support you all the way.
Free live streaming: http://www.fiba.com/