Video Credit to UNTV
Narinig at napanood ko ang privilege speech ni Senator JV Ejercito mula sa post ng RAPPLER dated August 11, 2014. Sa totoo lang marami siyang nabanggit tungkol sa kahirapan ng mga mamamayan na totoong nangyayari sa ating bansa. Marami din siyang binanggit na datos tungkol sa ano na ba talaga ang estado ng buhay sa Pilipinas. Tumaas ang bilihin, power crisis, maraming krimen, at iba pa.
Totoo namang tumaas ang mga bilihin na siyang nagpapahirap sa ating lahat. Napakataas ng mga bayarin sa kuryente, tubig, LPG at iba pa. Halos hindi na nga nakakabili ang ilang pamilya ng gusto nila bilhin dahil sa tinitipid ang kanilang kinikitang pera.
Para sa aking palagay hindi lang ang PIlipinas ang nakakaranas ng kahirapan bagkus mas marami pang mga bansa ang naghihirap din. Mataas ang presyo ng bilihin gayundin ang mga iba't ibang pangangailangan ng tao. Ang nangyayaring ito ay pang buong mundo at hindi lang sa Pilipinas. Marami din ang nagugutom sa ibang bansa at wala ding magawa ang kanilang gobyerno dahil ito ay global crisis.
Totoong pahirap na ng pahirap ang mundong ating kinalalagayan kaya kailangan nating maging masikap at matiyaga kung ano man ang ating natatanggap sa ngayon. Hindi natin kailangan gumastos sa mga bagay na hindi naman natin kailangan talaga. Kailangan nating mag ipon ng pera ng sa ganun ay may magamit tayo para ating ikabubuhay.
Paano nga ba natin matutulungan ang mga mamamayan. Kung nais po ninyo kuhain ang aking opinyon ay ganito
1. Kailangan maging MODELO ang bawat ahensya gobyerno. "Wag maging Kurakot"
2. Alisin ang patong patong na bayarin sa government, school university, at katulad nito "kinukuhang paples kagaya ng sa NBI, Passport, Phil Health, Authentication Seal, at marami pang iba."
3. Ibaba ang presyo ng pangunahing bilihin "Pagkain, Bigas, langis at marami pang iba.".
4. Alisan ang sobrang TAX sa mga mamamayan at mga kumpanya.
5. Itaas ang minimum na sahod sa 800pesos per day
6. Alisin ang contractual basis ng mga empleyado. Gayundin ang age discrimination at bigyan ng pagkakataon magtrabaho ang lahat.
7. Masugpo ang kriminalidad at mahuli ang mga salot sa bayan.
8. Magkaroon ng sariling pagkakakitaan ang gobyerno upang magkaroon ng sariling pondo.
9. Ibalik ang death penalty sa mga maakusahang mabibigat na kaso.
10. Magkaroon ng kapayapaan at pag iibigan ang lahat. Magkaroon nang solidong pagkakaisa ang lahat.
Sa sampung nabanggit ko marahil magkakaroon ng kaginhawaan ang mga mamamayan sa kanilang pamumuhay kung maipapatupad ang ilan sa mga na i-suggest ko. Wala namang masama kung magbigay ako ng opinyon kaysa sa makipag talo ang bawat isa. Nais nating masolusyunan ang mga problema para makatulong tayo para sa lahat.
Kaya we have a freedom of speech diba! Kaya iwasan na lang natin magbatuhan ng mga sisihan bagkus ayusin natin ang lahat para sa ikakabuti ng ating mga mahal sa buhay at para sa mamamayan.
Isa ako sa milyong OFW at malapit na akong mag 5 years sa labas ng bansa pero hindi ko pa rin nararamdaman ang ginhawa sa buhay. Lahat tayo nais natin magkaroon ng kaginhawaan dahil nais nating magkaroon ng magandang kinabukasan ang ating pamilya.