Showing posts with label My Journey. Show all posts
Showing posts with label My Journey. Show all posts

Wednesday, September 3, 2025

Sana Ganito sa Pilipinas kong Mahal

September 02, 2025
Hamad Hospital (Red Cresent)
Industrial Area

"Sana Ganito sa Pilipinas kong Mahal"


Nagpunta ako kahapon sa isa sa Hospital ng Qatar para mag check up. First time ko ulet pumunta dahil need ko ipacheck ang mata ko dahil may tumubong Bukol(maybe Insect bite). Nag-aalala na kasi si Mona sa akin kaya sinabihan ko na pupunta na ako ng Hospital. Actually almost 4 days ko na yun nararamdaman na parang lumalabo ang mata ko.

So eto na nga at pumunta na ako sa Hospital para ipacheck up. Kapag sa Public Hospital ka talaga pumunta need mo sundin ang protocol dahil madaming mga workers ang nagpapacheck up. Pumila ako ng bandang 3pm dahil yun lang ang libre kong time dahil work on duty pa din ako kahit na may nararamdaman akong kakaiba. To be story short ilalagay ko na lang ang timelapse

Timelapse:

3:00pm: Pila at pagkuha ng stab for schedule
3:20pm: Nakakuha ako ng appointment
3:40pm: Nirecord yung Health Card at QID
4:00pm: Waiting for the available slot ng Doctor
4:30pm: Pinapasok ako sa loob ng facilities ward
5:00pm: 1st Check up sa Mata
5:20pm: 2nd Check up for consultation 
5:30pm: Doctor Consultation 
5:45pm: Result ng Doctor
5:50pm: Release ng Medical Certificates 
6:00pm: Medical Fee at Gamot na kailangan ko Take(Phamacist Doctor Explain well).
6:15pm: Finish my Check up.

3 hours only with payment of 1 QRs (15 pesos sa Pilipinas) na Amaze ako sa Service ng Hamad (Red Cresent).

Actually first time ko ulet magpa check up dahil hindi naman ako madalas magpacheck ng mga nararamdaman ko dahil ayoko talaga pumunta sa mga Hospital dahil sa Trauma ko na din dahil ilang beses na ako na opera sa Pilipinas (PGH-Manila). 

Nakakatuwa lang kasi mabilis ang service sa Qatar at wala silang pinipiling pasyente basta dala mo lang ang Health Card at QID. Madami akong nakasabay na mga workers dahil halos lahat ang nandun ay sa industrial nagtatarbaho. Yung iba nga nakita ko na halos pangtrabaho ang suot na damit para magpacheck up. 

Nakakatuwa din dahil may nakausap akong isang Pilipino na Doctor or Staff siya ng Doctor na mabait kausap. Pero ibang section  ang hawak niya. Nakwento niya sa akin na nagkaroon din daw siya ng sakit na katulad ng sa akin sa lower eye niya. Pero gumaling na. Tinuro pa nga niya sa akin kung paano siya gamutin pero ang sabi niya sundin daw yung Doctor na mag check up sa akin Thank you po kabayan Doctor. 

Overall salute to the Qatar Government dahil hindi nila pinababayaan ang Health Sector na totoong kailangan sa isang bansa. I hope sana maging katulad ng Pilipinas ang serbisyo na ginagawa para sa mamamayan.

Gob Bless po 🙏 

Thursday, August 28, 2025

Leklek Birthday and Family Hour

August 28, 2025
Leklek Birthday

Masaya ang aking anak na si Leklek sa pagsapit ng kanyang 17th Birthday dahil bago pa sumapit ang kanyang kaarawan ay pinagbigyan siya ng kanyang Mama Mona na mag paganda sa pamamagitan ng hair rebond at nail polished. Tuwang tuwa ang aming Baby Ate Lek dahil napagbigyan na naman siya sa kanya ng wish. 

Bago dumating ang takdang araw ng kanyang Birthday ay nagsagawa kami ng Family Hour na ginagawa naman namin ng aking pamilya sa tuwing may kumpleto kami at may kailangan pag usapan lalo na sa mga mahahalagang pangyayari na nagawa namin sa buong araw.

Family Hour - August 2025
Sa puntong ito ay nagpag usapan namin ang kahalagahan ng mga panalangin at laging papanata na totoong nakakatulong sa tuwing may mga suliranin at pag subok sa aming pamilya. Tinalakay din namin ang iba't ibang issue patungkol sa bahay at maging sa nangyayaring kaguluhan sa kapaligiran.
Basahin po natin at isagawa parati ang Family Hour ng Sambahayan. Kung nais ninyo makakuha ng kopya ay mag personal message lang po kayo sa akin at bibigyan ko po kayo upang maisagawa din ninyo ito sa inyong sambahayan. 

Ingat po palagi sa maghapong pag gawa.....💚🤍❤️

Monday, June 16, 2025

Giyera sa Middle East

June 16, 2025
9:25am
Doha Qatar

Ang bansang Israel at Iran ay kasalukuyang nagdidigmaan dito sa Middle East dahil sa kani kanilang mga pinaglalaban.  Nakakatakot dahil sa mga sunod sunod na pagbagsak ng mga bomba sa kani kanilang lugar. Bagaman malayo naman ang aming kinaroroonan dahil nasa bansang Qatar ako syempre dama pa din namin ang pangamba dahil apektado lahat ng mga naninirahan sa Middle East. Marami mga OFW ang nasa bansang Israel at Iran na kasalukuyang nagtatago sa kani kanilang mga safe houses. Kaya sana po ay nasa mabuting kalagayan ang mga kaibigan natin na andun sa mga bansang nag-aaway.

Nag anunsyo na ang ilang mga bansa sa pansamantalang titigil sa pagbiyahe ng kanilang mga paliparan nasa ibaba po ang posting na mula sa GCC News ng Pilipino in Kuwait.

Link: GCC News

Nakakalungkot dahil sa walang katapusang hidwaan ang nangyayari dito sa Middle East. Ang digmaan ng mga bansa ang isa sa mga kinakatakutan  naming mga OFW.  Syempre bilang isang manggagawa sa Middle East takot din kami sa aming kaligtasan dahil baka madamay sa kaguluhan na nangyayari.

Tignan natin ang bilang mga OFW sa ilang bansa na nasa Middle East. Narito po sa baba ang kuhang larawan na mula sa website ng DFA Philippines.


Sa kasalukuyang datos iyan po ay mula pa noong 2020 at marahil baka tumaas na po ang bilang ng mga OFW dahil sa marami na din ang may mga bagong kontrata sa kani-kanilang trabaho.

Kung sakaling sumiklab ang World War 3 sa Middle East paano makakauwi ang mga OFW na nasa gitna ng gulo? Sana po matulungan din ang mga OFW na mapapa-uwi mula sa pangyayaring ito. Sana din magkaroon agad ng mapayapang solusyon pa tungkol sa lumalalang sigalot dahil nag aalala ang bawat pamilyang nasa Pilipinas.

Narito ang ilan mga link nang pangyayari


Strait of Hormuz

Ang Strait of Hormuz ang isa sa pinaka importanteng daanan para sa kalakalan sa buong Middle East. Kaya sana wag maapektuhan ang pag block ng IRAN, para na rin sa kapakanan ng mga naninirahan sa Middle East. Mag antabay tayo sa mga kaganapan na mangyayari sa mga susunod pang mga araw kaya mag ingat po ang lahat lalo na ang mga bansang malapit po sa digmaan.



Pagsali ng Amerika sa Giyera
Inanunso at sumali na ang Amerika sa pagpuksa sa Nuclear Facilities ng IRAN, Nakakabahala dahil ito na siguro ang simula ng malaking digmaan dito sa Middle East. Nakakatakot ang labanan ng mga bansa dahil sa Nuclear Reactor ang kanilang mga pinupuksa. Isa ito sa mapinsalang kemikal na ikakamatay ng mga tao. Kaya nakakabahala po ang ganitong mga pangyayari. Malapit lang sa Qatar ang IRAN dahil tawid dagat lamang ito. Kung Magtutuloy-tuloy ang ganitong pangyayari marahil napakalaking gulo ito sa Middle East at napakarami ang maaapektuhan.

June 23, 2025
Doha, Qatar
7:25pm

Yumanig ang madilim na kalangitan ng Doha sa mga missile attack na mula sa bansang Iran. Nasaksihan ko ang ilang mga pangyayaring pagsabog sa kalangitan. Nasa City kasi ako noon dahil sa may pinuntahan akong client ng makarinig ako ng mga malalakas na pagsabog. Nakakatakot talaga dahil naglabasan ang mga tao sa kalye para makita ang pangyayarii. 

Hindi ko akalain na makikita ko ang mga dambuhalang mga missile na nasa ere at doon nag salpukan. Lubhang nakakabahala ang ganitong pangyayari dahil mangangamba ang mga mahal natin sa buhay.

Basta ingat na lang tayo sa lahat ng mga gagawin natin.
Hanggang dito na lang muna ulit at mag update ako sa mga susunod kapag nagkaroon ako ng panahon...hanggang sa muli mga ka BuhayOFW...

Wednesday, June 11, 2025

Muling pagsabak ni Papa Alex


June 10, 2025
NAIA Terminal 1
3:30am

Pamamaalam sa Pamilya, yan ang palagi naming ginagawa sa huli namin pagkikita tuwing babalik na ako sa work ko sa abroad. Isang taon na naman ang hihintayin ko para muli ko silang makasama. Nakakalungkot diba, akala siguro ng iba ay madali lang ang umalis papunta sa abroad pero ang hindi alam ng iba, lungkot at pag iisa na naman ang nararanasan namin. Ang bawat OFW na lilisan ng bansa ay iisa lang nais niyan kumita ng pera para may pang suporta sa pamilya. Malaki at maliit na sweldo ay parehas lang din ang nararamdaman dahil mag isa na naman sa ibang bansa.

Photo Link: Kuhang larawan

BuhayOFW - Masaya na malungkot ang nararamdaman ng bawat isang OFW na aalis ng bansa dahil sa kikita ng pera pero ang kapalit naman nito ay pangungulila nila sa mga mahal sa buhay. Minsan nga may mga OFW pa na pag alis ng bansa ay napaka daming iniwang utang dahil sa dami ng gastusin nila. Lakasan lang talaga ng loob kahit na maraming problema ang nag aantay basta ang pinaka importante lang ay makabawi para sa pagbalik ulit sa Pilipinas ay maging masaya kasama ang buong pamilya.

ME - Masaya ako dahil kahit papaano ay maayos naman ang kumpanya na napuntahan ko sa bansang Qatar. Nagpapasalamat din ako kahit papaano ay hindi nila ako pinababayaan sa mga panahon na kailangan ko din ang suporta nila. Kaya naman kahit na mabigat ang responsibility ko sa company ay hindi ko ina ayawan dahil yun lang din ang return ko sa kanila. Dami ko ng nahawakan na Posisyon at trabaho kahit nga hindi ko na trabaho ay ginagawa ko na din para additional knowledge at experiences.
Ang buhay sa abroad ay hindi madali dahil dito mararanasan mo ang pagiging matatag sa lahat ng bagay. Dito mo din matutuhan kung paano makisama at pakipagkapwa tao. May mga iilan pa nga na kahit na maganda na ang ginawa mo sa kanya ay ibabalik pa sayo ay depression at problema. Pero ganun talaga ang buhay need lang nang malawak na pang unawa para makayanan natin ang bawat hamon ng buhay. Sabi nga ni Tatay Bhoy sa akin, "Anak wag mong tingnan ang nagawa mo sa ibang tao ang importante maging masaya ka lang at sigurado ako na ibabalik lahat sayo ang lahat ng mga bagay na gusto mo marating." Totoo ang na sabi sa akin ng aking AMA dahil kahit gaano kabigat ang buhay may mga tao pa ding handang tumulong at umalalay. Ang BuhayOFW ay sadyang ma pag hamon sa buhay dahil hindi mo alam kung kelan at saan ka magiging masaya.


Biyahe - First Time kong sumakay ng eroplano gamit ang connecting flight ng OMAN papuntang Qatar. Medyo mura lang ang Fare nito kumpara sa Direct Flight na offer ng Philippine Airline at Qatar Airways. Sa mga OFW na nagtitipid ng expenses madalas ito ang ginagawa para makatipid ng konti. Pero ang karanasan na ito ay sa mga taong kailangan ng tiyaga dahil napakahaba ng paghihintay bago ka makapunta sa talagang bansang pupuntahan mo. Maraming OFW ang nakita ko na nasa transfer flight katulad ko dahil iba't ibang bansa din ang pupuntahan nga mga nakasabay kong OFW na gamit ang OMAN Air. Pero ang mahalaga ay nakarating kami ng maayos sa lugar na aming pupuntahan. Para sa akin ay ayos lang naman din ang karanasang ito dahil nakatapak ako sa lupain ng bansang OMAN.


Hanggang sa muling paglipad mga kaibigan at ingat tayo parati sa bawat hamon ng buhay bilang OFW. Salute to all of you sa mga nakasama ko sa Biyaheng OMAN Air.







Thursday, April 24, 2025

The TIME will Pass but your IMAGE will stay FOREVER


April 25, 2025
Doha Qatar

"The TIME will pass but your image will stay FOREVER, always do GOOD as they will remember you even if your GONE." #apflores03

Napansin ko na tumantanda na din pala ako at may mga bagay na dapat maipriority katulad na lang ng kalusugan. Minsan naisip ko na masarap pa din mabuhay lalo na kung walang karamdaman. Mas importante pa din ang malusog na pangangatawan lalo na kung wala naman nag aasikaso sayo. Minsan nga naisip ko na ding huminto maging OFW pero bakit hindi ko pa din magawa? 

Madami pa din kasi ang importante ipriority lalo na kung ang iniisip natin ay kapakanan ng ating pamilya. Nakakainggit talaga ang mga pinanganak na mayaman dahil wala na silang intindihin sa mga bayarin at maging sa kanilang pang araw araw na gastusin. Ang life natin ay puno ng mga hiwaga minsan matagumpay tayo minsan naman ay sadlak tayo sa kahirapan. Kaya nga sa bawat panahon na lumilipas mas masarap pa din mamuhay ng simple at walang iniisip na problema. 

Ang tagumpay ay pinagsisikapan at hindi yan nakukuha sa mabilis na paraan. Minsan may panahon na kilala kasi may pera at impluwensya ka. Pero may panahon ding magiging ala ala ka nalang dahil hindi kana kapakipakinabang. 

Cheers to everyone who are the same with my AGE....Love you All❤️



Wednesday, January 1, 2025

OFW Family Hour


January 01, 2025
3:35pm
MY CUBICLE Office in Top Printers Qatar 🇶🇦 

Sa pagpasok ng panibagong taon ay muli na naman tayong maglalakbay sa napakagulong kapaligiran. Maraming karahasan, awayan, digmaan, kalamidad at alalahanin sa mundo. Kita naman natin sa nagdaang taon na maraming problema ang ating naranasan. May iba pa nga na sa hindi inaasahan pagkakataon ay bigla na lang pumanaw dahil sa iba't ibang kadahilanan. Kaya naman sa papasok nang taon ay maging mas matatag po tayo. Maging matibay ang ating kalooban lalo na malayo tayo sa ating pamilya. 

Ako bilang isang OFW sa bansang Qatar ay danas ko ang kahirapan dahil sa mga pangyayaring hindi natin inaasahan. Kaya maging mabait, maunawain at masayahin lang tayo sa buhay. Gawin natin ang mga bagay na mag papasaya at hindi ang mag papalungkot. Marami pa tayong mararanasan dahil ang mundo ay wala ng katahimikan dahil na rin sa mga kaguluhan. Kaya palagi lang tayong nakahanda kung dumating sa atin ang problema ay meron agad tayong solusyon para malunasan ito.

Ang isa sa tanging paraan magagawa natin ay masubaybayan ang ating mga mahal sa buhay. Magkaroon tayo ng oras sa kanila para kamustahin natin sa araw araw at magkaroon tayo ng palagiang pag-kausap kahit na sa online lamang. Gaya nalang ng INC Family Hour sa Iglesia ni Cristo na ginagawa namin sa loob ng isang linggo. Ito'y pagkausap sa kanila isang beses sa loob ng isang linggo at may sama samang panalangin pagkatapos ng kamustahan.


Totoo na isa ito sa mabisang paraan upang hindi magkaroon ng problema ang isang pamilya. Maaaring ganitong paraan malalaman natin ang kalagayan at problema ng ating pamilya. Mahirap ang malayo sa kanila at mas lalong mahirap na hindi natin nakikita na lumalaki ang ating mga anak dahil sa busy tayo sa work. Kaya wag natin kakalimutan na kamustahin sila.

Ang Family Hour sa loob ng Iglesia ni Cristo ay isang paraan upang maging malapit ang bawat pamilya ito ay ginagawa upang malaman ang mga pangyayari sa araw araw. Kaya kung isa ka din INC na OFW ay isagawa po natin ito upang ma kamusta natin ang ating mga pamilya. 

Sa mga hindi naman po namin kaanib ay maisagawa din po ninyo ito sa inyong paraan upang magkaroon din po kayo ng panahon na makamusta ang kalagayan nang iyong mga pamilya. Maging masaya at matiwasay po ang sambahayan po ninyo sa taong darating.

Hanggang dito na lang at ingat po palagi...Happy New Year Everyone Welcome 2025
💚🤍❤️