Sunday, April 15, 2018

Life of being OFW

Babalik na naman, ganito palagi ang nababanggit ng isang OFW kapag tapos na ang kanyang bakasyon. Kahit labag sa kalooban ay magpapatuloy pa din sa kanyang pakikipag sapalaran. Iniwan ko ang aking mag iina sa airport na malungkot dahil babalik na naman ako sa aking trabaho. Yakap dito halik doon ang ginawa ng aking mga anak.

Narinig ko pa ang sigaw ng aking bunsong anak habang pa palipad ang eroplano. Akala ko nga ay mababa lang ang lipad yun pala ay nasa isip ko lang. Malungkot pero dapat kayanin dahil bihira lang din sa milyong Pilipino ang nakakaalis ng ibang bansa. Maswerte pa rin ako dahil may trabaho na naghihintay sa akin.

Kaya sa mga tulad kong Ama ng tahanan na OFW. Wag natin sayangin ang pagkakataon na ibinigay sa atin ng ating Diyos Ama at ng ating kumpanya. Mag sipag tayo upang makamit natin ang tagumpay para hindi mag hirap ang ating Pamilya sa Pilipinas.

God bless sa ating lahat
Buhayofw Alex