July 13, 2025
PHILIPPINE CUP 2025
SMB vs TNT
Nakita nating lahat ang nangyaring pagbawi ng score sa labanan ng SMB at TNT sa kanilang game 1 finals showdown para makuha ang unang panalo sa championship match.
Naiskor ni Moala Tautuaa ang field goal gamit ang miss slam dunk. Actually mahirap ma-explain ang ganitong scenario lalo na kung ang labanan ay sa katulad nitong championship match. Halina at panoorin natin ang naganap na miss slamdunk.
Kung pagbabasehan po natin ang rule book ng FIBA automatic ay Goal Interference ang nangyari dahil sa miss slamdunk po siya ay nagkaroon ng pagkakataon na ang bola ay pumunta sa kahit saang directions sa loob ng vicinity ng rim.
Masasabing that's is the mistake of player dahil syempre hindi niya na dunk ng maayos. Syempre sino ba naman ang gugustuhin na mag miss slamdunk na pwede naman niyang layup para pumasok po ang bola. Ang sabi sa rule book "anybody who touch the goal or net while the ball is in the cylinder will be automatic violation. It's either Goal Tending or Goal Interference.
Sa pagkakataon po iyong ay wala ding pumito na kahit isang referee para maihinto ito para madouble check ang scenario. Under sa last 2 minutes naman pwedeng mareview ang mga scenario na hindi sila sigurado sa tawag at maitama agad ang magiging desisyon nila at ng technical committees.
Then after a long seconds na continues playing ay nagkaroon ng pagkakataon na mareview ng technical committees ang incident at doon lang nila napag desisyunan na bawiin ang basket na ginawa ni Moala Tautuaa. For me this is another challenging scenario lalo na kung ito ay isang professional basketball games. Nakakabilib lang dahil nagawa pa din nilang bawiin ang score ng nakapuntos sa ganitong pangyayari lalo na kung ang pag uusapan ay Championship Match.
Sa mga nag aalangan sumagot sa naging issue ng GOAL Interference ni Moala Tautuaa actually for my knowledge lang po wag sana ako mabash ng mga SMB fans.
"I agree with the head of technical commitee of PBA Mr. BONG PASCUAL that is Goal Interference but the problem is it's take almost 30-40secs bago pa nahatulan which is that is not GOOD for fanatics of basketball." Ang ganitong sitwasyon po ay nagkakaroon ng iba't ibang saloobin at kuro kuro kung hindi po ito masosolve agad agad ng PBA. I hope po na masolve ang issue na yan at wag na sanang mahaluan pa ng alanganing desisyon ang natitira pang games ng championship match.
Kudos pa din po sa mga referees on the games but admit na po ninyo ang mistake para matamik na ang Pilipinas Basketball Fanatics. Tutal nangyari na po yan at being a referee you must face all the bashing at comment ng maraming mga magagaling sa basketball.
Wag po ninyo ako I bash ahh dahil this is my OWN OPINION lang syempre pede ko din naman baguhin ito sakaling mali ang aking comments.
Ingat palagi at bawal ang balat sibuyas sa larong basketball....
Yours Truly
apflores03