August 12, 2025
Bajo de Masinloc
Ang Pilipinas ay pinalilibutan ng karagatan na binubuo ng mga pulo kung saan halos 110 milyong katao na ang naninirahan ngayon taon 2025. Marami sa atin ang nagtataka dahil sa kabila ng napapalibutan tayo ng dagat ay kapos tayo sa mga gamit para protektahan ang ating bansa. Nakakapagtaka dahil ilang presidente ng ang nanungkulan subalit hindi pa din masolusyunan ang nasabing issue sa kapaligiran ng ating bansa. Animo'y para tayong isang sanggol na kailangan pang humingi ng tulong sa ibang bansa para tayo ay protektahan. Nakakalungkot talaga ang pangyayaring ito dahil wala pong kahit isang tao ang naglakas loob na bumuo ng sangdatahang lakas para sa maritime area natin.
Ang tanong po natin bakit hindi tayo gumawa ng mga barko o submarine na tayo mismo ang gagawa upang hindi na tayo umaasa pa sa ibang bansa para lang bumili ng mga armas pangdigma. Siguro kung tatanungin naman natin ang mga mamamayan ay marami sa atin ang may kakayahang gumawa nito dahil marami sa ating mga OFW ang nagtatrabaho sa ibang bansa ang kinukuha pa para lang doon magtrabaho. Ang totoo po ay madaming mga OFW ang nasa field po ng manufacturing ng mga ganitong armas at sasakyang pandagat. Marami din sa ating mga seafearer ang may kakayahan na magpatakbo ng mga barko kaya bakit tayo aasa sa ibang bansa? Sana po ay gumawa ang pamahalaan ng aksyon ukol po dito dahil kung hindi ay patuloy lang tayo mabubully sa ating karagatan.
Kamakailan lang ay may nangyaring banggaan at agawan ng teritoryo sa ating karagatan. Nabalitaan naman natin na mariing sinabi ng China na itong isla na Bajo de Masinloc ay pag aari daw po nila subalit nasa area of responsibility naman ng bansang Pilipinas. Ang pagsasalita ng Tsina ukol sa nasabing isla ay hindi naman katanggap tanggap dahil sa napakalayo naman nila sa nasabing isla at ito po ay na exclusive area po ng Pilipinas.
Kung hindi po tayo gagawa ng hakbang ukol po dito ay patuloy lamang po tayong ibubully ng bansang China at ito po ay hindi naman katanggap tanggap para sa ating mga kababayan. Sana po ay gumawa na ng hakbang ang mga namiminuno ng ating bansa ukol po sa nasabing agawan ng teritoryo.
Narito ang sinasabi ng China ukol po sa 10 dashline na pag-aari daw po nila basahin po natin ang artikulo ni SAKAMOTO Shigeki ang link na 10 dash line.
Basahin din natin ang ruling ng pagkapanalo ng Pilipinas sa karagatan na nasasakupan ng ating bansa.
Narito po ang link: https://docs.pca-cpa.org/2016/07/PH-CN-20160712-Award.pdf
Hanggang dito na lamang at sana po ay magkaroon tayo na mga makabagong barkong pangdigma upang maprotektahan ang ating kalayaan at demokrasya.
Narito po ang ilang link ng pangyayaring pag aagawan ng teritoryo