Ang aking opinion!
Sa lumabas na balita na nabasa ko patungkol sa mga sundalo ng PNP-SAF na nakipaglaban sa Mindanao ay ito ang aking opinion.
Kailan man ay hindi magwawagi ang kasamahan laban sa kabutihan lalo na't madami ang naulilang pamilya ang mga sundalo. Ang kailangang pagtuunan ng pansin ng Gobyerno ay ang mahabang pagtulong sa kaanak ng mga namatay.
Papanagutin kung sino man ang may kasalanan kung wala itong direct orders sa mataas na opisyal ng gobyerno.
Kung ito man ay lehitimong utos ng pinakamataas na ranggo ng kapulisan kailangan buong tapang niyang ipapasan sa balikat ang nangyaring ito. Madami ang namatay na sundalo sa bakbakan at kinakailangan itong ipaliwanag ng maigi sa buong sambayanan.
Ayon na rin sa mga lumabas na balita walang kamalay malay ang mga MILF at BIFF na magkakaroon ng operasyon sa kanilang lugar. Ito ang dahilan kung bakit napasali sila sa gulo na likha ng teroristang mula pa sa Malaysia na Jemaah Islamiyah bomb makers Zulkifli bin Hir, alias Marwan, at Pilipinong Abdul Basit Usman, Siguro naman kung ikaw man ay putukan ng baril ng harap harapan kailangan mong ipagtanggol ang iyong sarili para hindi ka din mapaslang.
Lumabas din sa balita na madaliang operasyon ang nangyari. Ayon na rin sa sundalong nakaligtas sa bakbakan nakapaligid sa kanila ang kubo kubo na mga kalaban at nasaksihan niya kung paano pinagbabaril ang mga sundalo. Nakaligtas siya sa bakbakan ng matago siya sa madamong lugar na hindi siya nakikita ng mga kalaban at malayang nakatakbo papalayo.
Kailangan gumawa ng gobyerno ng isang paraan kung paano matutukoy ang bawat pumapasok na dayuhan sa ating bansa. Kailangan magkaroon ng alternatibong paraan upang masubaybayan ang mga dayuhan.
Tapos na ang pangyayari at nakaukit na yan sa ating history kaya kailangan na lang natin tulungan ang mga naulilang pamilya ng mga sundalo.
SAF Fallen Heroes - 2015 must be remember
Facebook page GMANews: https://www.facebook.com
Search
Popular Posts
-
Panatang Sambahayan Ang bawat pamilya na Iglesia ni Cristo ay tinuturaan nila ang kanila sambahayan na gawin ang panalangin panatang pangsam...
-
I cover the event of our UNITY GAME here in middle east. We are very excited playing basketball. I played one quarter with my fellow friends...
-
Dati akong nagpupunta at tumatambay sa Isetan Recto noong nag aaral pa ako ng college sa Technological Institute of the Philippines (TI...
-
Congratulations to all casts and crews of Ritmo ng Pangarap from Ecclesiastical District of Batangas for winning the following catego...
-
Hardees Super Star Burger I went to one of the shop of Hardees here in Qatar and eat one of their best selling burger in town...