Friday, July 18, 2025

COLD PLAY KISS CAM ISSUE

COLD PLAY CONCERT


Putok na putok ang malupet na balita sa concert ng COLD PLAY tungkol sa pagkahuli sa camera sa mga sweet lover na nanonood ng concert. Pero ang balitang iyon ay hindi sa totoong mag-asawa kundi sa isang magkatrabaho na nahuling nakayakap sa kanyang kasamahang katrabaho habang nanonood ng concert.

Marami talaga ang mga lihim na relasyon ang nahuhuli sa hindi inaasahang pagkakataon. Kaya mahirap talaga ang gumawa ng hindi maganda dahil kapag nahuli ka ay sa kahihiyan ang kahahatungan mo. Ngunit bakit nga ba humahantong sa ganitong pangyayari ang bawat magkarelasyon. Halina at pag usapan natin sa 10 dahilan kung bakit ganun ang nangyayari sa isang relasyon.

10 dahilan bakit palaging nagkakaroon ng problema ang mag-asawa.

1. Hindi kuntento sa kani-kanilang asawa
2. Problema sa pera dahil sa sobrang kahirapan 
3. Sinungaling at hindi mapagkakatiwalaan
4. Walang maayos na tirahan
5. Batugan at walang maayos na trabaho
6. Hindi nag aayos ng sarili at hindi naliligo
7. Sobrang mataas ang pride ng bawat isa
8. Palaging nagagalit at sumisigaw ka kapareha
9. Hindi marunong mag-alaga ng mga anak
10. Maraming bisyo 



Kung ang mag-asawa ay may malawak na pang-unawa sa isa't isa marahil ay malalagpasan nila ang mga problema na kanilang hinaharap. Kahit gaano pa kahirap ang mabuhay sa mundo basta ang mag-asawa ay nagtutulungan sa bawat gawain sa bahay marahil ay malalagpasan nila ang mga problema na kanilang kakaharapin. Kaya wag natin hayaan na mawasak ang ating mga pamilya sa maliit na bagay. Kung may hindi pagkakaunawaan ay pag usapan upang madali lang masolusyunan ang bawat problema.

Thank you for visiting my Blog to express my way of communication to all of you.... God Bless