Saturday, August 9, 2014

Sinampal Ang Suspek ni Mayor Herbert Bautista



Opinion ni Alex

Nakita at napanood natin ang balita tungkol sa hinihinalang drug pusher at nahuling suspek na isang chinese national nitong nakaraang arawl. Nahulihan ito ng mahiigt sa 10 kilong shabu mula sa buy bust operation ng mga pulis sa lungsod ng Quezon City.

Inakusahan ng CHR si Mayor Herbert Baustista dahil lumabag daw ito sa karapatang pantao dahil sinampal daw niya ang nahuling kriminal. Habang pinapanood ko ang balitang ito noong nakaraang araw iniisip ko na bakit nga ba sinampal niya ito. Mga tanong na nagkaroon sa akin ng pangamba na baka makasuhan ang magiting na alkalde ng Quezon City.



Nireplay  ko ang balita at talaga namang nakaka asar ang asta ng nahuling kriminal. Akala mo kung sinong artista na lumapit pa sa mukha ng alkalde. Kahit na sinong tao naman ay mapipikon sa ginawa ng tao ito.

Panoorin po ninyo ang buong video


Mukang train ang mga ganitong tao, Nag aastang walang alam at hindi magsasalita para sa hindi na malaman ang pinaka ugat nito. Masyadong kampante ang chinese national dahil nakuha pa nitong manigarilyo at magbiro.

Kaya ang opinion ko para dito ay ito: 

1. Nagawa lang ni Mayor Bautista ang pananampal dahil sa inis dahil binastos ng suspek ang mga pulis at maging siya ay ginawan ng eksena. 
2. Tinanong ni Mayor Bautista kung saan nakuha ang mga drugs na ito ngunit hindi sinagot ng suspek at parang inaasar pa niya ang Mayor kaya siya sinampal.
3. Na high temper ang Mayor dahil sa laki ng nahuling droga dahil mas marami ang mapapahamak na kabataan kapag hindi ito napigilan.
4. Pikon si Mayor Bautista (konting relaks po Mayor dahil hindi lang ikaw ang naiinis sa suspek ang buong Pilipinas po ang galit sa mga katulad niyang drug dealer.)

Ito ang payo ko

"konting relaxs po sa mga hanay ng gobyerno sa tuwing makakahuli tayo ng ganitong klaseng tao dahil kayo rin po ang mababalikan ng mga iyan. Kailangan po natin ng konting pasensya para tuluyang makulong ang mga walang kwentang tao na iyan"

"Kay Mayor Herbert Bautista para po sa akin ay natural lang po ang ginawa ninyo dahil kayo po ang itinuturing na AMA ng Quezon City dahil sa mahal ninyo ang kabataan na naninirahan diyan at ayaw po ninyong mapahamak ang mga ito. Kaya saludo po ako sa inyong katapangan"

"Next time chillax lang po"