Tuesday, October 21, 2014

Corruption Expose


Nakakasawa na ang mga balita at usapan tungkol sa corruption sa bansang Pilipinas. Kaliwa't kanang balita ang naglalabasan patungkol sa mga anomalyang kinasasangkutan ng mga pulitiko at hanay ng gobyerno sa ating bansa.

Sa totoo lang bagsak ang pamumuhay ng karamihan dahil sa mga ganitong klaseng namumuno. Sadyang tanga lang siguro ang mga botante bakit nila binoto ang mga ganitong klaseng namumuno sa ating bansa. Sa palagay ko dapat na tayong maliwanagan sa mga pangyayaring ito.

Nagsisisi tuloy ako dahil sa isa din ako sa mga tangang botante, Mabuti na lang naka alis ako ng bansa para magtrabaho at hindi na muling bumoto. Hindi ko na kayang masikmura ang bumoto sa kanila pag tapos puro pala korapsyon ang mga ginawa nila.

Sa totoo lang tuwing sasapit ang botohan naririnig natin ang kanilang mga panukala para sa ikakabuti ng mamamayan. Ang iba pa nga ay akala mo kung sinong speaker na kung magsalita ay siya ang pinaka magaling sa lahat. Pero lahat pala ng iyan ay pangako lamang at karamihan ay hindi nagkakatotoo.

May ilang naman akong nakitaan ng magandang gawa at ginawa nila ang kanilang makakaya para sa kapakanan ng publiko. Pero mandatory ay pangako na napako ang nakita ko kaya ang kwawa pa rin ang sambayanang Pilipino.

Kung pwede ko lang bawiin ang boto ko sa mga ito ay talagang babawiin ko dahil simula ng nagkaisip ako at tumanda wala pa ring pagbabago sa pamumuhay ng karamihan. Ganun pa rin ang sistema at ganun pa rin ang kalakaran. Let our eye and mind begin para sa susunod na mamumuno ng ating bansa ay may pagbabago.

Kaya for the record kailangan kong kolektahin ang mga anomalyang napapabalita, hini-hinalang anomalya at mga inakusahang nagkasala ito ay para malaman ko at hindi makalimutan. Para sa darating na eleksyon ay may record ako at mabalikan.

Date                                    News Source      
November 01, 2014 - Senate Blue Ribbon can look into Iloilo overprice
October 24, 2014 - Revilla tops list of lawmakers
October 23, 2014 - AMLC prober insists Bong Revilla used wife’s company to launder millions
October 22, 2014 - LIVE: Senate probe on 'overpriced' Makati project