Showing posts with label Family. Show all posts
Showing posts with label Family. Show all posts

Thursday, August 28, 2025

Leklek Birthday and Family Hour

August 28, 2025
Leklek Birthday

Masaya ang aking anak na si Leklek sa pagsapit ng kanyang 17th Birthday dahil bago pa sumapit ang kanyang kaarawan ay pinagbigyan siya ng kanyang Mama Mona na mag paganda sa pamamagitan ng hair rebond at nail polished. Tuwang tuwa ang aming Baby Ate Lek dahil napagbigyan na naman siya sa kanya ng wish. 

Bago dumating ang takdang araw ng kanyang Birthday ay nagsagawa kami ng Family Hour na ginagawa naman namin ng aking pamilya sa tuwing may kumpleto kami at may kailangan pag usapan lalo na sa mga mahahalagang pangyayari na nagawa namin sa buong araw.

Family Hour - August 2025
Sa puntong ito ay nagpag usapan namin ang kahalagahan ng mga panalangin at laging papanata na totoong nakakatulong sa tuwing may mga suliranin at pag subok sa aming pamilya. Tinalakay din namin ang iba't ibang issue patungkol sa bahay at maging sa nangyayaring kaguluhan sa kapaligiran.
Basahin po natin at isagawa parati ang Family Hour ng Sambahayan. Kung nais ninyo makakuha ng kopya ay mag personal message lang po kayo sa akin at bibigyan ko po kayo upang maisagawa din ninyo ito sa inyong sambahayan. 

Ingat po palagi sa maghapong pag gawa.....💚🤍❤️

Friday, July 11, 2025

PUP 2025 Enrolled na si Ate AJ

Polytechnic University of the Philippines
Sta. MESA Manila
July 11, 2025

"Failure will never overtake me if my determination is strong enough." #apflores03quotes 


Mahalaga sa bawat kabataang estudyante na makuha nila ang desired course nila sa school kung saan nila gusto mag aral. Totoong napaka higpit ng competition sa PUP Sta. Mesa. Ang mga kabataang student na naghahangad na makuha ang slot ay kailangan dumaan pa sa mahigpit na screening ng mga professor. 

Ang unang gustong kuhain ni Ate AJ namin ay BS Biology na kung saan isa ito sa madaling nauubos na slot. Sa katunayan ang slot ng BS Biology ay malapit nang mapuno dahil pang 5th day ang schedule niya. Ayon sa kanya noong dumating sila ng gabi ay napakadami ng mga nakapila na student para mag enroll mabuti na lang at hindi pa napupuno ang BS Biology at may chance pang makakuha siya nang slot. Pero ang nakakatakot ay panghapon pa siya nakaschedule at nagkakaubusan na ng mga courses.


Sinamahan nga siya ng kanyang Mama Mona para may mag asikaso sa kanya habang nag-aantay ng pila. Imaginin mo mula pa Thursday ng Gabi around 8pm ay nakarating na sila doon at may mga nakapila na agad sa timing nila. Mabuti na lang at kabisado ni Mona ang PUP dahil alma mater niya ito, kaya nakahanap sila ng magandang pwesto na pwedeng makapagpahinga at makatulog kahit papaano. Sa buong gabi ng paghahantay ng mga estudyante halos walang maayos na pahinga dahil nais nila makuha ang slot na course na gusto nila. Maaga palang ay sinimulan na ang enrollment at ayon sa aking anak ay mabilis na naubos ang slot ng magbukas ang enrollment kaya need niya mag select ng another course. Marami daw sa kanyang mga kasabayan na ay nag aalala na din dahil wala na slot na gusto nila. Kaya I told her na kumuha siya ng course na medyo related sa gusto niyang matapos na aralin. Actually ang second course na gusto kuhain niya ay BS Food Technology na sinabi ko na hindi yun line sa gusto niyang marating. Ilang beses niya sinabi sa akin na ayaw niya ang course na BS Chemistry na related sa Pre Medical Course na pangarap niya. Medyo hirap ata siya pagdating sa mga chemicals or calculations pero hindi pede na hindi niya ito malaman kung medical field ang gusto niya.

Sa pagkakataong iyon ay pinilit ko sa kanya na ang piliin niya ay BS Chemistry na aline sa gusto niyang tahakin sa buhay. Ayon sa kanya marami daw kasing bumagsak sa qualification exam at may interview pa kaya takot siyang kuhain ito. Nag-aalala na kami dahil yun na lang ang slot para makuha niya ang dream niya na pasukin ang pre medicine. Mga ilang oras pa ang lumipas ay sinabihan ko na si Mona aalisin namin si AJ sa PUP kapag hindi niya nakuha ang slot na iyon. I told them na don't worry sa lahat ng expenses dahil ako naman bahala sa school fee kung ililipat namin siya sa private school. 

Sa message pa lang niya sa amin ay nalulungkot na ako dahil sa super stress na siya para makapasok sa 2nd choice namin na course sa PUP. Pero syempre hindi pa din ako nawawalan ng pag-asa at ayaw niya umuwing luhaan kaya kahit pagod at puyat ay ginawa pa din niya ang lahat ng makakaya upang mabigyan muli siya ng slot para sa BS Chemistry. Mabuti nalang at mabait daw ang professor na napuntahan niya.
.
Sa bawat pagsubok at Failure ay may kapalit naman tagumpay kaya nga sabi ko sa kanila na walang madali lahat yan mahirap at hindi pwedeng papayag kana agad na mabigo dahil kapag ginawa mo iyon ay patuloy ka lang magiging mahina sa harapan ng ibang tao. When you love something you will fight for it in order to achieve the victory.

Laking gulat namin dahil naipasa niya ang Qualifications Exam at Interview sa BS Chemistry na last chance niya para sa Pre Medicine Course niya sa Polytechnic University of the Philippines. Lahat ng bagay ay may dahilan kaya sabi ko last resort natin yan at kapag hindi ay talagang pull out ang PUP Dreams nilang mag ina at ililipat ko siya ng school na kung saan dun niya mapraktis ang medicine course na gusto niya.



Congratulations 🎊 Ate AJ and this is the start of your long Journey. Always study hard and make your dreams come true andito lang palagi si Papa Alex at Mama Mona mo to support your dreams. Mahal ka namin at yan lang ang kayamanan na hindi mawawala kung sakali man na mawala na kami sa mundo....keep up the good work always.


May Iska na akong ANAK, I'm very proud of you 👏 🥰  PUP CHEMISTRY PINAIYAK ninyo si Ate AJ ko hhehehe ❤️ 😍 


Thursday, April 10, 2025

AJ Graduates in Senior High School

TCU Hall
April 08, 2025

It's a great news that my daughter Alisa Joice (AJ) graduates with medal High Honor and 7 major awards. Good Job Ate AJ 👏 we are very happy to your achievements. Welcome to college life and soon to be a great in the field of medicine. Follow your Dreams and always AIM high to your choice.

Your Papa Alex and Mama Mona will always support you. Believe in your self and abilities in your selected path. Mahal ka namin and we are very proud of you.


Thursday, December 2, 2021

RPCES Face2Face Classes

December 02, 2021

Photo: Jhay-ar Bisco

City of Taguig - Ricardo P. Cruz Elementary School

Nagsimula na ang pilot F2F class ng paaralang RPCES sa araw na ito at naganap po ito mismo sa loob ng kanilang mga bagong ayos na class room sa kanilang paaralan. Sa pagsisikap ng kanilang punong guro na si Ginoong Dr. Jhay Ar Bisco ay sinimulan na nila ang kanilang klase sa araw na ito upang maibalik na sa normal na pag-aaral ang mga bata. Katulong dito ang pamahalaang Taguig sa pamumuno ni Mayor Lino Cayetano sa pagsasaayos ng pagbabalik klase sa lahat ng mga pampublikong paaralan sa lungsod ng Taguig.

Photo: Jhay-ar Bisco

Katuwang ang lahat ng mga guro sa nasabing school at maging ang lahat ng staff nito ay sinisiguro nilang ligtas ang mga bata sa pagbabalik sa klase na totoo naman kinasasabikan ito ng ating mga anak. Maraming salamat po sa inyong pagsasakripisyo at pagmamahal sa mga batang mag-aaral.

Photo: Jhay-ar Bisco

Ang pagpapanatili sa kaligtasan ng mga mag-aaral ang kanilang prioridad kasabay ng pagtuturo sa mga bata ang isa kanilang misyon. Kaya sa mga magulang dapat natin sabihan ang ating mga anak na kailangan sumunod sa lahat ng mga utos na kanila guro upang ito ay hindi maging dahilan ng paglaganap muli ng Covid 19 sa buong school. Bigyan ng mga sapat na pang proteksyon ang inyong mga anak gaya ng Facemask, Alcohol at ibang kauri nito upang may proteksyon sila sa virus.

Dahil diyan tuwang tuwa ang aking anak dahil babalik na muli siya sa kanilang school para mag aral kasabay ng kanyang mga kaklase. Wag maging makulit anak at sundin ang lahat ng instruction ni Titser sa inyo! Love love love

Thank you for visiting my Blog to express my way of communication to all of you.... God Bless

Monday, September 13, 2021

The LOVE of a Family is Life's Greatest Blessing


"The LOVE of a Family is Life's Greatest Blessing."

Totoo naman na ang pagmamahal sa pamilya ang pinaka importanteng bagay na kailangan ng bawat pamilya. Bilang isang AMA ng tahanan ang unang iniisip ko ay ang kapakanan ng aking pamilya. Nalulungkot ako kapag hindi ko nagagawa ang mga bagay na nagpapasaya sa kanila. Sa mga kaarawan nila na palagi kong pinaghahandaan. Noong bata pa ako dati napakasaya ko na kapag hinandaan ako ng pansit ng aking nanay Beth. Tapos bibigyan niya ako ng 100 pesos pambili ng bagong damit o laruan. Nakakamiss talaga ang mga magulang natin nohhh....



Sa tuwing aalis ako patungo sa ibang bansa upang magtrabaho. Ang pinaka importante sa akin ay maihatid nila ako sa Airport kasi doon ko na lang sila muling masisilayan bago ako sumakay ng airplane. Hindi kumpleto ang araw ko kapag hindi ko nasisilayan ang aking pamilya bago ako lumipad patungong Qatar.

Kaya nga noong huling alis ko nitong April 2021 ay malungkot ako dahil hindi ako hinatid ng mga anak ko sa Airport dahil sa restriction sa Airport.


Tunay na nakakamiss talaga ang sandali na kasama natin sila kaya pahalagahan natin ang bawat sandali na nakakasama natin sila.

Love our Family
FLORES FAMILY



Thursday, April 8, 2021

Panatang Sambahayan


Panatang Sambahayan

Ang bawat pamilya na Iglesia ni Cristo ay tinuturaan nila ang kanila sambahayan na gawin ang panalangin panatang pangsambahayan upang hilingin kung ano man ang nais nilang mangyari para sa kanilang pamilya.


Ang padre de pamilya ang siyang tuwirang nagtuturo kung paano ba manalangin ang kanyang sambahayan. Masaya ako dahil nagagawa ito ng aking mga anak at asawa sa tuwing kami ay magsasagawa ng panalangin sambahayan. Totoong ang panalangin ay mabisang paraan upang matupad ang kahit na anong bagay sa ating Amang nasa langit.

Sa gitna ng pandemyang ito ang mabisang paraan ay manalangin tayo upang makahingi ng saklolo at kalinga ng ating Diyos Ama. Hilingin natin na kahit na malayo tayo sa ating pamilya ay maproteksyunan sila sa anumang panganib dulot ng nakakahawang sakit. Hilingin din natin na gabayan tayo sa anumang pagsubok na makakasagupa natin.

Kaya hinikayat ko po kayong lahat na gawin ito kasama ng inyong buong pamilya. Ang panalangin na sinsero at may pananampalataya ang hinanap ng ating Diyos Ama. Ingat po kayong palagi at God Bless our family....


Thank you for visiting my Blog to express my way of communication to all of you.... God Bless

Wednesday, April 7, 2021

Ang pagbabalik ni BuhayOFW - Alex Story





Ang pag babalik ko sa bansang Qatar, ngayong araw April 6, 2021. 

Ang araw ng flight ko patungo sa bansang Qatar. Pinabalik kasi ako ng boss ko sa Qatar, para muling magtrabaho sa aming kumpanya. Hindi ko mapigil ang kalungkutan ng mga oras na ito dahil aalis na ako ng bahay. Hindi kasi ako pwedeng ihatid ng mga anak ko sa airport dahil bawal sa ngayon. Kaya sa bahay lang sila nagpaalam sa akin. Isang panalangin ang Isinagawa namin at pagtapos nun ay isa isa ko silang niyakap at hinalikan. Mamiss miss ko kayong lahat mga anak kaya magpakabait kayo sa mama ninyo.

Mula sa aking panganay na anak na si AJ, Kay Leklek at bunso kong anak na si Axcel. Mahigpit ang yakap ko sa kanila pati na din sa aking asawa dahil taon ang bibilangin bago ako bumalik ng Pilipinas. Nakakalungkot pero kailangan kong gawin iyon para na rin sa kanilang kinabukasan dahil di hamak na mas malaki ang kikitain ko sa ibang bansa kumpara sa Pilipinas. 

Sa mga araw na ito ay nakalock down ang NCR at kalapit lugar dahil sa tumataas na kaso ng covid subalit hindi ito naging hadlang para hindi ako bumalik ng trabaho. Nakakalungkot dahil sa talaga namang mataas ang kaso ng covid sa mga araw na ito. Nagbabadya pa nga ng patuloy na pagtaas dahil sa mga nahahawaan ng sakit.


Nang makarating ako ng airport kasama ang asawa ko, may pumipigil sa aking sarili na hindi na tumuloy at hindi ko alam kung bakit. Pero syempre desisdido na akong umalis patungo sa aking 2nd home, ang bansang Qatar na bumago ng aming buhay. Napakalaki kasi ng tulong na nagawa nito sa akin at maging sa aking buong pamilya kaya wala na talagang atrasan.

Pagpasok ko pa lang sa loob ng airport ay sobra ang excited ko dahil after 2 years mahigit ay makakasakay na muli ako sa airplane. Sa mga araw na ito ay magkahalong kaba at saya ang nilalaman ng aking puso. Sa wakas after one year of pandemic ay nakalabas muli ako ng Pilipinas. 


Maaga kami dumating ng airport kasama ang isa kong kasamahan sa trabaho, dahil sabay kami binook ng boss namin. Napakahaba ng pila sa mga oras na iyon, dumating kami ng 2pm subalit napaka haba na ng pila sa Qatar Airways, nakakagulat talaga ang panahon na ito. Dati kasi hindi naman ganun ang sitwasyon. Pero ngayon kailangan maaga ka dadating sa Airport para hindi ka masyado matagalan sa check in counter. Halos 1 oras ata kami naka tayo sa labas bago kami nakapasok sa loob ng check in counter, sobrang tagal ng pinila namin talaga.


Etong pila na yan ay ang counter ng Qatar Airways sa Terminal 3, pumila ulet kami nang halos 1 hrs ulet kaya sobrang pagod na kami kakatayo sa pila. Pag nakapasok kana sa loob niyan ay inspection ng Visa mo papunta ng Qatar. Since na new Visa kami marami ang tanong ang kailangan naming sagutin at mga dokumento. Sa awa ng AMA ay kumpleto ang dokumento namin na kailangan ibigay kaya wala halos problema.




Pagtapos namin sa airline check in ay sa immigration naman kami pumila, dito sasalain ang mga dokumento mo kung legit ba ang pag alis mo, napakadaming problema sa part na ito dahil tatanungin ka at kapag kulang ang dokumento mo ay offload ang bagsak mo. Yung iba kasi kailangan maverify ang mga dokumento sa mga bansang papuntahan nila. Kung mapapasin ninyo sa litrato ang Ilan ay mga naka PPE pa na sout dahil sa mga bansang pupuntahan nila ay napaka higpit pagdating doon.

Kumpleto naman ang aking mga dokumento kaya mabilis akong na approved na lumabas ng bansa.


Nakalagpas kami sa immigration kaya nawala na ang kaba sa aming dibdib dahil ang inaalala namin ay baka hindi kami payagan dahil sa panibagong visa namin. Pero God is so good complete papers kami Kaya sa wakas tuloy na ang pag alis namin patungo sa bansang Qatar. 


Tuwang tuwa na lalo ang kalooban ko nang makita ko ang airplane na sasakyan namin. Sabi nga sa kasabihan when you see your airline It’s Time to Shine hehehe. Tandaan natin kapag may pagkakataon grab lang natin ng grab dahil hindi muna magagawa ang bagay na yan kung hindi mo muling susubukan. Aim High lagi para sa pamilya basta alam mo sa sarili mo na para sa pamilya mo ang ginagawa mo. 


Muli na naman sasabak si BuhayOFW sa ibang bansa kaya antabayan ninyo ang mga post ko kung paano ba mabuhay ang isang OFW sa ibang bansa...I will share my experience muli para sa panahon ng may pandemya tayo may mga bagay na dapat natin gawin, kaya tuloy lang ang laban mga kapatid and see you around in my next posting...

Ingat po tayong lahat lalo na sa mga lugar na may mataas na kaso ng Covid....God bless and always take care..

Thank you for visiting my Blog to express my way of communication to all of you.... God Bless

Wednesday, April 29, 2020

AJ Haircut kay Axcel

AJ haircut 

Nakakatuwang makita na marunong gumupit ng buhok ang iyong anak. Namana siguro niya ito sa kanyang lolo boy na isang barbero sa Pasay. Actually ako dati ang naggugupit sa kanila at iyon ang itinuro ko sa kanya kaya nagupitan niya ang kanyang bunsong kapatid. 

Noong isang araw pinagbigyan ko siya na gupitan niya ako ng buhok at itinuro ko sa kanya ang mga dapat gagawin. 

Nakakatuwa pagmasdan na habang sila ay lumalaki nakikita nila sa kanilang sarili ang magagandang gawa nila at maari nila iyong gamitin sa kanilang paglaki. 

Si Ate AJ din ang chef ng aming pamilya siya ang madalas na nagluluto ng ulam. Namana namn niya yun sa kanyang Lolo Vic (Chef) at Lola Beth (tindera ng ulam) niya na magaling magluto. 

Marami pa sigurong matutuklasan itong si Ate AJ namin pag laki at tingin ko na malayo ang mararating mo sa buhay. Kaya sayo ate AJ bilib si Papa Alex sayo love kita at galingan mo sa school para malagpasan mo ang mga nagawa ko... Love you 😍 😍 😍 


Sunday, April 12, 2020

Esperanza - Cebsi Films

Esperanza - Cebsi Film


Source: www.youtube.com


Minahal ni Cezar si Esperanza ngunit minahal ni Esperanza ang kaniyang pananampalataya. Pagmamahal at pananampalataya - damdaming magpapamulat kay Cezar para maunawaan niyang mas dakila nga pala ang pag-ibig para sa Panginoong Diyos at ang matibay na panghahawak sa aral.
Don't forget to subscribe and turn on post notifications! Brought to you by the Iglesia Ni Cristo (Church Of Christ). Know more about the Church's doctrines at http://bit.ly/INCEVangelicalMission Like and follow our Facebook pages at http://bit.ly/INCNewsandUpdates http://bit.ly/INCProgramsandFeatures Follow us on Instagram and Twitter at http://bit.ly/incnewsandupdatesIG http://bit.ly/INCNAUTwitter Visit the Iglesia Ni Cristo (Church Of Christ) official website at http://iglesianicristo.net Find a congregation near you through our directory at http://bit.ly/INCDirectory

Thank you for visiting my Blog to express my way of communication to all of you.... God Bless

Wednesday, October 2, 2019

Star City Nasunog - October 01, 2019



Nakakalungkot isipin na ang paboritong pasyalan ng mga Pilipino ay nasunog. Halos 80% ng Star City ay sunog ayon sa mga bumbero. Tinitignan nilang angulo ay Arson o sinadyang sunugin dahil sa mga nakalawit na mga metal. Muling iimbistigahan ng Pasay Fire Department ang pangyayari at matatapos sa loob ng 45 na araw.

Malungkot ang karamihan dahil isa ito sa binibisitang mga tao. Paborito din naming puntahan ang  Star City.Sana mapaayos muli ito ng mas maganda at ligtas sa mga bumibisita.

Thank you for visiting my Blog to express my way of communication to all of you.... God Bless

Saturday, July 15, 2017

2017 Midyear Pasalamat ng Kabataan









2017 Midyear Pasalamat ng Kabataan, Lokal ng Central Bicutan Taguig

Grabe lumalaki na mga baby ko na wala ako sa kanilang tabi. Almost 8 years na kasi akong nasa abroad. Siguro mga miss na miss na nila ako hehehehe... Nakakatuwa dahil lumalaki silang may takot sa Diyos gaya ko. Happy Mid year pasalamat mga anak Love na love ko kayo.

Thank you for visiting my Blog to express my way of communication to all of you.... God Bless