Thursday, March 5, 2026

Middle East Conflicts - Day 6


Middle East Conflicts - Day 6

Tanghaling tapat nang muli naming narinig ang makakasunod na pagsabog sa himpapawid. Akala ko nga na tahimik na ang kalangitan ngayon araw dahil sa napakaganda ng panahon. Nagulat na lang kami ng magkakasunod na pagsabog ang aming narinig sa himpapawid. Ang bilang ko nga ay mga 5-6 na pagsabog pero nasundan pa ito na ilang magkakasunod na pagsabog.

Binalaan ng Qatar ang mga naninirahan malapit sa US Embassy na lisanin ang kanilang lugar upang makaiwas sa pagbagsak ng bomba. Nakakatakot sa mga Pilipinong naninirahan doon sapagkat yun ang mga primary target ng IRAN.

Sana matapos na itong digmaan na ito dahil totoong nakakatakot po ang mga pagsabog na aming naririnig araw araw at hindi naman alam kung saan ba babagsak ang mga debris ng bomba.

Ingat po tayong lahat mga kababayan at patuloy lang tayong malangin sa AMA na gabayan po tayo.

#apflores03 #BuhayOFW

Thank you for visiting my Blog to express my way of communication to all of you.... God Bless

Wednesday, March 4, 2026

Middle East Conflicts - Day 5


Middle East Conflicts - Day 5

Nagising ako ng maaga upang kumilos papasok ng Work. Sa paglabas ko ng bahay ay bumungad agar sa akin ang napakakulimlim na kalangitan na nagpapahiwatig ng pagbuhos ng ulan.

Tahimik ang kapaligiran at walang bakas na pagsabog ng missile kaya masaya akong naglakbay patungo sa aking trabaho. Habang binabagtas ko ang kahabaan ng aking daan papunta sa akin trabaho ay napansin ko na parang iiyak ang langit. 

Mahirap talaga ang mga pagkakataon na may mga digmaan na nangyayari sa mga bansa. Kaya ang dalangin namin sana ay matigil na ang mga pag atake sa mga bansang hindi naman kasali. 

Heal the World 🥰

#apflores03 #BuhayOFW



Tuesday, March 3, 2026

Middle East Conflicts - Day 4

Day 4: Middle East Conflicts

Nakarinig kami muli ng sunod sunod na pagsabog sa himpapawid na mula sa missile na mula sa Iran. Nakakatakot na nakarinig ng mga bagsabog dahil Hindi naman namin alam kung saan babagsak ang mga debris ng missile. 

Wala namang napaulat na aksidente sa araw na ito at ma ayos naman ang kapaligiran. 

Tuloy tuloy pa din ang pagbomba ng magkaaway na mga bansa. Nakakalungkot lang ang mga pangyayari dahil sa mga nadadamay na inosente. 

Conflicts in the Middle East - Day 4


Working abroad in a conflict zone is a unique and heavy burden. It means you aren't just managing the distance, you are managing their fear for your safety alongside your own longing for them.

​When there is a war in the region, the "Double Life" becomes more intense: you are trying to stay calm and professional at work while hearing sirens or seeing news alerts, and your family at home is likely watching the news with their hearts in their throats.

Stay calm is very important in this day of conflicts. May protection and peace be upon us all, always."

#BuhayOFW #apflores03

Middle East Conflicts - Day 4

Middle East Conflicts
2:30am

Nagulat ako sa napakalakas na pagsabog habang ako ay natutulog na. Bigla akong nagising ng mga oras na ito at lumabas upang tignan ang naging pinsala. 

Thanks GOD at wala naman sa aming lugar Kaya bumalik na ulet ako sa pagtulog.