Thursday, July 3, 2014

CFO Basketball Team - District

(Photo Grab from Ate Chai)
Unity Game 2014 - Sa totoo lang hindi ako makapaniwala na mapapabilang ako sa isang basketball team kasama ang mga may tungkulin sa Distrito. Labanan nang kapisanang buklod at kapisanang kadiwa.

Muli ko naman kinahiligan ang paglalaro ng basketball na matagal kong hindi nilalaro dahil sa natamong injury noon. Napakasaya ko dahil kahit paano ay nakapaglaro muli ako ng aking paboritong sport na basketball kasama ko pa ang mga mahal kong kapatid sa distrito.

Ang unity game ay magtatapos itong July 04, 2014 na talaga namang isa sa pinaka memorable para sa aming lahat. Mula sa 8 team pinaglabanan ang mga iba't ibang laro gaya ng basketball, volleyball, table tennis, badminton, chess, scrabble, dart at track and field

Nakakatuwang isipin dahil kahit paano ay nagkaroon kami ng simpleng bonding sa sports. Na isang paraan upang makapagpalagayan ang mga magkakapatid.

Salamat at may Unity Game

Photo from the left players in uniform Gray
Buklod Team - Aris, Jess, Aldrin, Reden, Raymond, Isma, Alex, and Richard
Photo from the left players in uniform white
Kadiwa Team - Erickson, Ardee, Mark, Jamo, Anthony, Emil, Ricky, Marlon

CFO Family
Chai, Arlyn, Kat, Greg, ka Erwin, Jakee, JP, Rolex, Carina, Harmony, Aby, Harold