Showing posts with label Flores Family. Show all posts
Showing posts with label Flores Family. Show all posts

Sunday, May 25, 2025

A Journey of AJ18th Birthday


May 16, 2025
Timing: 5:30pm - 10:00pm

A journey of AJ 18th Birthday 

"Eighteen years, a garden grown each season shaping who I've become. Now, petals brave the morning sun, ready for journeys just began".  -Alisa Flores

Nakakatuwang nakauwi ako ng bansa para makadalo sa 18th Birthday ng aking unang prinsesa na si Ate AJ my Love. 

Akala ko nga ay hindi ako matutuloy umuwi dahil sa kakauwi ko lang ng last year October. Tuwang tuwa ako dahil sa pinayagan naman ako ng aking boss at ng opisina pero syempre all expenses ay mula sa aking sariling bulsa. Actually napaka laki ng gastos ko dahil sa pamasahe pa lang ay nakakalula na ang presyo. Subalit hindi ko na inisip ang gastos basta makauwi na lang ako ng bansa para makadalo ng Birthday niya. Sabi nga ng mga matatanda, kahit madaming problema basta may paraan lahat magagawa.

Ang promise natin sa ating mga anak ay hindi dapat natin binabalewa dahil doon natin naipapakita sa kanila ang pagmamahal at pagsuporta sa kanila kahit na hindi natin sila nakakasama ng matagal dahil sa malayo tayo sa kanila. Ang pagiging OFW ay isang napakalaking sakripisyo na hindi matutumbasan ng kahit ano pang salapi. Ang bawat panahon na wala tayo sa ating bansa ay katumbas ng pangungulila natin sa kanila. Kaya dapat lang na gawin natin ang lahat upang kahit papaano ay nakakabawi tayo sa kanila sa mga panahon na hindi natin sila kapiling.

Malaking pasasalamat sa ating Diyos AMA na dakila sa patuloy na pag gabay niya sa ating lahat kahit na napakaraming problema basta palagi lang tayo manalangin at gumawa ng mabuti upang palagi niya tayo ilalayo sa mga kapahamakan.

Narito pala ang ilan sa mga memories sa birthday celebrations ni Ate AJ kong mahal

Click the link Preshoot: Preshoot ni Ate AJ
Click the Link Event: Photos ni Ate AJ
Click the Link: Photobooth1
Click the Link:  Photobooth 2
Click the Link: Event Highlights
Click the Link: Event Higlights

Maraming salamat sa lahat ng bumisita sa aking blog Ingat tayo parati.




Friday, April 18, 2025

A journey of AJ 18th Birthday



A journey of AJ 18th Birthday

"Eighteen years, a garden grown each season shaping who I’ve become Now, petals brave the morning sun, ready for journeys just began."

Your invited to AJ Birthday this coming May 2025....See you there

Thank you for visiting my Blog to express my way of communication to all of you.... God Bless

Monday, April 14, 2025

Graduations of my two Kids Axcel and Leklek



Sobra akong natutuwa sa pagtatapos ng aking dalawang anak na si Alexandra at Axcel. Akala ko noon ay mahihirapan kami sa pag aaral niya dahil sa kailangan namin ng special school para maisama siya sa klase. Ngunit sa tulong ng RPCES School sa pangunguna ng butihing Prinsipal ng school na si Sir Bisco ay nagkaroon ng isang special education para sa mga batang may special needs. Nakakatuwa din ang huling taon nilang magkapatid dahil sa magkaklase silang dalawa. Marami nga ang nagsasabi sa amin na wag namin pagsamahin ang magkapatid dahil mawawala sa focus sa pag aaral si Axcel. Subalit hindi naman yun ang unang pakay namin mag-asawa. Ang kailangan kasi namin ay maturuan ng maayos si Alexandra kasabay na pag aaral din ni Axcel. 

Nagpapasalamat kami ng marami sa lahat ng naging mentors at mga kaklase nilang dalawa dahil sa walang sawang suporta lalo na sa aming anak na si Alexandra. Ito ang matagal na naming pangarap ang matapos niya ang kanyang elementary, at going na kami sa next step niya para mas lalong siya makasabay sa tao....

Thank you for visiting my Blog to express my way of communication to all of you.... God Bless

Tuesday, April 1, 2025

Wait the right TIME

Doha Qatar
April 1, 2025


"Every time we are sad don' feel mad, there is also a chance for us to be happy. Wait for the right time for the good opportunity that the Lord God will give us."
#apflores03 #BuhayOFW

Minsan naiisip natin bakit ba kasi hindi nawawala ang lungkot kung pede naman palaging masaya. Sa dami ng kaguluhan sa mundo napapaisip tuloy tayo na mas maganda na siguro ang umuwi ng bansa. Kaysa sa patuloy na mahiwalay sa ating mga pamilya. Hindi nawawala sa isip ng bawat isa ang mag aalala kapag may mga nababalitaan tayong mga kakaibang pangyayari. Maraming balita ang napapanood natin araw araw tungkol sa kaguluhan at mga sakuna. 

Kung bibigyan lang tayo ng magandang pagkakataon na medyo guminhawa bakit pa natin nanainisin na mahiwalay sa ating mga pamilya. Nakakamiss talaga ang ating mga pamilya lalo na kung matagal ka nang hindi nakakabalik ng bansa upang magbakasyon...Homesick na talaga, pero di bale sadyang ganyan talaga ang LIFE ng mga OFW (BuhayOFW).

#apflores03


Wednesday, January 17, 2024

Aking Tropa - John Axcel A. Flores


AKING TROPA 
Performed by: John Axcel A. Flores 
With Team B - 5 Diamond
Ricardo P. Cruz Elementary School

1
Naaalala mo pa ba 
Noong una tayong magkita 
Dito sa eskwelahan
Punong-puno ng kasiyahan 
Puro tawanan ang laging nasa mga isipan

Chorus 
Buhay eskwela
Sadyang masaya
Kantsawan, kulitan ay laging nariyan
Pag-aaral ay ligaya 
Basta kasama ko 
Ang aking tropa
Aking tropa
O kaibigan, Aking Tropa

Ang ating samahan ay di ko makakalimutan
Dahil sa mga alaalang kay ganda
Sa hirap at sa ginhawa tayoy magkakasama na laging nagtutulungan 

Repeat Chorus 
Repeat part 1


Saturday, March 25, 2023


Thursday, April 8, 2021

Panatang Sambahayan


Panatang Sambahayan

Ang bawat pamilya na Iglesia ni Cristo ay tinuturaan nila ang kanila sambahayan na gawin ang panalangin panatang pangsambahayan upang hilingin kung ano man ang nais nilang mangyari para sa kanilang pamilya.


Ang padre de pamilya ang siyang tuwirang nagtuturo kung paano ba manalangin ang kanyang sambahayan. Masaya ako dahil nagagawa ito ng aking mga anak at asawa sa tuwing kami ay magsasagawa ng panalangin sambahayan. Totoong ang panalangin ay mabisang paraan upang matupad ang kahit na anong bagay sa ating Amang nasa langit.

Sa gitna ng pandemyang ito ang mabisang paraan ay manalangin tayo upang makahingi ng saklolo at kalinga ng ating Diyos Ama. Hilingin natin na kahit na malayo tayo sa ating pamilya ay maproteksyunan sila sa anumang panganib dulot ng nakakahawang sakit. Hilingin din natin na gabayan tayo sa anumang pagsubok na makakasagupa natin.

Kaya hinikayat ko po kayong lahat na gawin ito kasama ng inyong buong pamilya. Ang panalangin na sinsero at may pananampalataya ang hinanap ng ating Diyos Ama. Ingat po kayong palagi at God Bless our family....


Thank you for visiting my Blog to express my way of communication to all of you.... God Bless

Saturday, May 2, 2020

TLC Scholar in Taguig

Scholar ng Taguig (TLC) 

Nakakatuwang ibalita na ang pamahalaan ng Taguig ay may ganitong scholarship program para sa mga kabataang may aking talino sa pag aaral. Ang aming munting tahanan ay nabahagian ng tulong pinansyal ngayong panahon na meron sakit na lumaganap sa buong mundo. 

Nagpapasalamat ng lubos ang aming mga anak sa lungsod ng Taguig higit sa lahat sa butihing Mayor ng Lungsod na si Mayor Lino Cayetano. 

Monlimar Developement Academy 
Ma. Francine Azores: Grade 9
Kate Denise Diaz: Grade 8
Jermaine A. Canillo: Grade 7
Alisa Joice A. Flores: Grade 7

Abangan po natin kung ano ang kanilang gagawin sa nakuha nilang pera sa mga susunod na posting...😍 😍 😍 


Wednesday, April 29, 2020

AJ Haircut kay Axcel

AJ haircut 

Nakakatuwang makita na marunong gumupit ng buhok ang iyong anak. Namana siguro niya ito sa kanyang lolo boy na isang barbero sa Pasay. Actually ako dati ang naggugupit sa kanila at iyon ang itinuro ko sa kanya kaya nagupitan niya ang kanyang bunsong kapatid. 

Noong isang araw pinagbigyan ko siya na gupitan niya ako ng buhok at itinuro ko sa kanya ang mga dapat gagawin. 

Nakakatuwa pagmasdan na habang sila ay lumalaki nakikita nila sa kanilang sarili ang magagandang gawa nila at maari nila iyong gamitin sa kanilang paglaki. 

Si Ate AJ din ang chef ng aming pamilya siya ang madalas na nagluluto ng ulam. Namana namn niya yun sa kanyang Lolo Vic (Chef) at Lola Beth (tindera ng ulam) niya na magaling magluto. 

Marami pa sigurong matutuklasan itong si Ate AJ namin pag laki at tingin ko na malayo ang mararating mo sa buhay. Kaya sayo ate AJ bilib si Papa Alex sayo love kita at galingan mo sa school para malagpasan mo ang mga nagawa ko... Love you 😍 😍 😍 


Saturday, December 31, 2016


Friday, April 1, 2016