Showing posts with label OFW Journey. Show all posts
Showing posts with label OFW Journey. Show all posts

Wednesday, April 7, 2021

Ang pagbabalik ni BuhayOFW - Alex Story





Ang pag babalik ko sa bansang Qatar, ngayong araw April 6, 2021. 

Ang araw ng flight ko patungo sa bansang Qatar. Pinabalik kasi ako ng boss ko sa Qatar, para muling magtrabaho sa aming kumpanya. Hindi ko mapigil ang kalungkutan ng mga oras na ito dahil aalis na ako ng bahay. Hindi kasi ako pwedeng ihatid ng mga anak ko sa airport dahil bawal sa ngayon. Kaya sa bahay lang sila nagpaalam sa akin. Isang panalangin ang Isinagawa namin at pagtapos nun ay isa isa ko silang niyakap at hinalikan. Mamiss miss ko kayong lahat mga anak kaya magpakabait kayo sa mama ninyo.

Mula sa aking panganay na anak na si AJ, Kay Leklek at bunso kong anak na si Axcel. Mahigpit ang yakap ko sa kanila pati na din sa aking asawa dahil taon ang bibilangin bago ako bumalik ng Pilipinas. Nakakalungkot pero kailangan kong gawin iyon para na rin sa kanilang kinabukasan dahil di hamak na mas malaki ang kikitain ko sa ibang bansa kumpara sa Pilipinas. 

Sa mga araw na ito ay nakalock down ang NCR at kalapit lugar dahil sa tumataas na kaso ng covid subalit hindi ito naging hadlang para hindi ako bumalik ng trabaho. Nakakalungkot dahil sa talaga namang mataas ang kaso ng covid sa mga araw na ito. Nagbabadya pa nga ng patuloy na pagtaas dahil sa mga nahahawaan ng sakit.


Nang makarating ako ng airport kasama ang asawa ko, may pumipigil sa aking sarili na hindi na tumuloy at hindi ko alam kung bakit. Pero syempre desisdido na akong umalis patungo sa aking 2nd home, ang bansang Qatar na bumago ng aming buhay. Napakalaki kasi ng tulong na nagawa nito sa akin at maging sa aking buong pamilya kaya wala na talagang atrasan.

Pagpasok ko pa lang sa loob ng airport ay sobra ang excited ko dahil after 2 years mahigit ay makakasakay na muli ako sa airplane. Sa mga araw na ito ay magkahalong kaba at saya ang nilalaman ng aking puso. Sa wakas after one year of pandemic ay nakalabas muli ako ng Pilipinas. 


Maaga kami dumating ng airport kasama ang isa kong kasamahan sa trabaho, dahil sabay kami binook ng boss namin. Napakahaba ng pila sa mga oras na iyon, dumating kami ng 2pm subalit napaka haba na ng pila sa Qatar Airways, nakakagulat talaga ang panahon na ito. Dati kasi hindi naman ganun ang sitwasyon. Pero ngayon kailangan maaga ka dadating sa Airport para hindi ka masyado matagalan sa check in counter. Halos 1 oras ata kami naka tayo sa labas bago kami nakapasok sa loob ng check in counter, sobrang tagal ng pinila namin talaga.


Etong pila na yan ay ang counter ng Qatar Airways sa Terminal 3, pumila ulet kami nang halos 1 hrs ulet kaya sobrang pagod na kami kakatayo sa pila. Pag nakapasok kana sa loob niyan ay inspection ng Visa mo papunta ng Qatar. Since na new Visa kami marami ang tanong ang kailangan naming sagutin at mga dokumento. Sa awa ng AMA ay kumpleto ang dokumento namin na kailangan ibigay kaya wala halos problema.




Pagtapos namin sa airline check in ay sa immigration naman kami pumila, dito sasalain ang mga dokumento mo kung legit ba ang pag alis mo, napakadaming problema sa part na ito dahil tatanungin ka at kapag kulang ang dokumento mo ay offload ang bagsak mo. Yung iba kasi kailangan maverify ang mga dokumento sa mga bansang papuntahan nila. Kung mapapasin ninyo sa litrato ang Ilan ay mga naka PPE pa na sout dahil sa mga bansang pupuntahan nila ay napaka higpit pagdating doon.

Kumpleto naman ang aking mga dokumento kaya mabilis akong na approved na lumabas ng bansa.


Nakalagpas kami sa immigration kaya nawala na ang kaba sa aming dibdib dahil ang inaalala namin ay baka hindi kami payagan dahil sa panibagong visa namin. Pero God is so good complete papers kami Kaya sa wakas tuloy na ang pag alis namin patungo sa bansang Qatar. 


Tuwang tuwa na lalo ang kalooban ko nang makita ko ang airplane na sasakyan namin. Sabi nga sa kasabihan when you see your airline It’s Time to Shine hehehe. Tandaan natin kapag may pagkakataon grab lang natin ng grab dahil hindi muna magagawa ang bagay na yan kung hindi mo muling susubukan. Aim High lagi para sa pamilya basta alam mo sa sarili mo na para sa pamilya mo ang ginagawa mo. 


Muli na naman sasabak si BuhayOFW sa ibang bansa kaya antabayan ninyo ang mga post ko kung paano ba mabuhay ang isang OFW sa ibang bansa...I will share my experience muli para sa panahon ng may pandemya tayo may mga bagay na dapat natin gawin, kaya tuloy lang ang laban mga kapatid and see you around in my next posting...

Ingat po tayong lahat lalo na sa mga lugar na may mataas na kaso ng Covid....God bless and always take care..

Thank you for visiting my Blog to express my way of communication to all of you.... God Bless

Monday, April 13, 2020

OWWA Assistance to OFW COVID19

Hello mga kaibigan ngayong araw inilabas ng OWWA sa kanilang website kung paano ang step by step na pag aapply at paano makakakuha ng tulong pinansyal ang mga OFW na naapektuhan ng Covid19 Pandemic.

Narito po ang ilang instruction kung paano po kayo makakapag-register sa kanilang website.
Link: dole-akap.owwa.gov.ph

Note: gumamit ng internet explorer dahil doon ako natuloy nakapag register.


Fill up ninyo ang lahat ng kailangan lagyan dahil kung hindi ninyo malagyan ang kahit isang details ay hindi po yan mapaprocess. Ang ginamit kong browser ay internet explorer at doon lumabas ang lahat ng aking kailangan ifill up. Pagtapos ninyo matapos ang lahat ng kailangang mafill up ay proceed to next na po kayo. lalabas na ang upload documents.


Upload Documents
1. Photocopy of Valid Passport/Travel Document: Passport ang pinaka kailangan kaya need ninyo scan or photo ninyo ng malinaw ang inyong mga passport

2. Proof of overseas Employment (e.g., Valid Verified Employment Contract, OEC, Work Permit, Visa/Re-Entry): Scan ninyo lahat ng inyong mga document at ilagay sa PDF file para lahat ng hinahanap nila ay maibigay ninyo

3. Airline Ticket (For those in the Philippines) Date of Arrival: Sa Airline ticket kailangan maipasa ninyo ang inyong mga return ticket na nahold dahil sa Covid19 Lockdown. Sa mga bagong apply scan ninyo ang ticket na nacancel at iyong din ang magiging basehan ng OWWA.

4. Proof of loss of employment on the account of Covid-19: Kung meron kayong email mula sa inyong mga employer na hindi natuloy ang inyong flight ay isa na iyon sa katibayan na nawalan kayo ng trabaho dahil hindi kayo natuloy umalis ng bansa. Kung may iba pa kayong details na pwede ninyong ilagay or scan mas makakatulong po ito para hindi na mahirapan ang evaluator ng OWWA.

5. For Undocumented OFW - Proof that the OFW is currently involved in an ongoing case (e.g., case reference number, case endorsement stamped by POLO, copy of the decision with English Translation, etc.), coppies of contract, payslip, appropriate visa, or other proof of emplyoment. : Dito ay kailangan naka scan ang document to PDF para makita agad ng evaluator ng OWWA ang iyong kaso or ang pagiging undocumented OFW. Scan to PDF ang lahat ng kailangan para madali na nilang ma trace ang inyong details.

Note: Siguraduhing tama lahat ang inyong detalye dahil doon magbabase ang OWWA sa inyong applikasyon. Wag ninyong dadayain ang inyong dokumento dahil baka iyon pa ang dahilan ng inyong pagkakaso.

Kapag natapos na loading ng inyong aplikasyon ay mag sesend sa email ninyo ang OWWA gaya ng nasa ibabang litrato. Nakalagay diyan ang inyong reference number applikasyon. Hintayin lamang ang tawag or email ulet ng OWWA para sa susunod na hakbang


Hanggang dito muna po ang aking updates at sana makatulong sa inyong lahat.




Thursday, April 9, 2020

OFW's Assistance Program DOLE-AKAP

April 09, 2020
Sinimulan na ng Department of Labor and Employment ang pagbibigay ng ayuda sa mga OFW na lubhang naapektuhan Covid19 global pandemic. Ang pinansyal na tulong 10,000 piso o 200 dollar ay mula sa 1.5 bilyong ayuda na pinirmahan ni Pangulong Duterte kabilang sa Bayanihan Act.
Ayon kay Secretery Bello ang  Department of Labor and Employment - AKAP ay nagsimula ng mag prepare ng guidelines para maging maayos ang pagbibigay ng tulong sa lahat mga OFW na apektado na nasabing epidemya. Tinitiyak ng kalihim na gagawin nila ang lahat ng paraan para ito ay maibigay sa mga taong higit na nangangailan ngayong panahon ng krisis. 
DOLE-AKAP ang siyang magsasaayos ng lahat base sa 2016 POEA rules ang regulations.
Ang mga OFW na makatatanggap ay kabilang sa mga bansang nagkaroon ng malubhang epidemya na total lockdown sa lahat ng gusali o hindi nakapag trabaho sa kanilang mga employer.
Ang mga bansa sa Middle East gaya ng Bahrain, Israel, Jordan, Kuwait, Lebanon, Oman, Qatar, Kingdom of Saudi Arabia at United Arab Emirates.
Para sa Asia at Pacifico mga OFW's sa Australia, Brunei, Hong Kong, Japan, South Korea, Macua, Singapore. Taiwan. Malaysia at New Zealand.
Europa at Amerika na mula sa bansang Canada, Cyprus, Italy, Germany, Greece, Spain, Switzerland, United Kingdom of Great Britain at United States of America.
Sinabi din ni Secretary Bello ang mga OFW na nawalan ng trabaho lalo na ang mga walang pinagkakakitaan sa kani-kanilang bansa ang makakatanggap ng tulong. Kailangan lang na makipag ugnayan sa kanila mga embahada kung paano sila makakakuha ng tulong pinansyal.
Ang mga OFW na hindi nakabalik sa kanilang mga trabaho dahil inabutan ng lockdown ay maaari ding makakuha ng tulong pinansyal na 10,000 piso na tulong sa mga OWWA Regional Welfare Offices (RWOs).
Upang makapag avail ng programa dapat magsumite ng mga sumusunod na dokumento ang mga OFWs sa kanilang mga embahada o kung paano nais isagawa ng embahada. Makipag ugnayan po kayo sa inyong mga embahada.
  1. Aplikasyon Form mula sa POLO OWWA or DOLE- AKAP
  2. Photocopy ng inyong mga pasaporte at Travel Documents
  3. Proof na OFW gaya ng mga valid OEC, Resident ID, Visa, Re entry-Visa etc.
  4. Proof of loss of employment sa panahon ng Covid19
  5. Kung ikaw ay Undocumented na OFW ay ibigay ang iyong Case Reference Number, Case Endorsement stamp ng POLO OWWA at iba pa.
Para naman sa mga Balik Manggagawa or repatriated OFW ang kailangan ma submit sa mga regional or local owwa offices.
  1. Aplikasyon form para sa special cash assistance na madownload sa www.dole-akap.owwa.gov.ph website.
  2. Kopya ng Passport o travel documents
  3. Proof of overseas employment, gaya ng valid OEC, Resident ID, Visa/Re-entry visa at iba pa
  4. Proof of loss of employment due to the Covid-19 disease.

Sample only

If you need the original form email: apflores03@gmail.com
Thank you for visiting my Blog to express my way of communication to all of you.... God Bless

Monday, December 9, 2019

Qatar Visa Center Philippines

Location: NU Building Mall of Asia Pasay City, Philippines 

Nagpunta kami para alamin ang proseso ng aking Visa. Almost mag one year akong nasa Pilipinas at expired na ang aking Working Visa sa aking company. Kaya ginawan ulit ako ng panibagong VISA.

Kailangan dalhin ang printed na VISA galing sa inyong employer at updated na Passport para maverify kung naprocess na ng inyong employer ang inyong mga dokumento. 

Kailangan validated ng inyong employer ang lahat ng mga documents na kailangan mong maipakita sa kanila bago ito maprocess. 

Requirements 
1. VISA 
2. PASSPORT 
3. EMPLOYMENT CONTRACT 
4. LETTER FROM COMPANY 

Updated: December 9, 2019 

Wait ako ng next process.