Wednesday, April 7, 2021

Ang pagbabalik ni BuhayOFW - Alex Story





Ang pag babalik ko sa bansang Qatar, ngayong araw April 6, 2021. 

Ang araw ng flight ko patungo sa bansang Qatar. Pinabalik kasi ako ng boss ko sa Qatar, para muling magtrabaho sa aming kumpanya. Hindi ko mapigil ang kalungkutan ng mga oras na ito dahil aalis na ako ng bahay. Hindi kasi ako pwedeng ihatid ng mga anak ko sa airport dahil bawal sa ngayon. Kaya sa bahay lang sila nagpaalam sa akin. Isang panalangin ang Isinagawa namin at pagtapos nun ay isa isa ko silang niyakap at hinalikan. Mamiss miss ko kayong lahat mga anak kaya magpakabait kayo sa mama ninyo.

Mula sa aking panganay na anak na si AJ, Kay Leklek at bunso kong anak na si Axcel. Mahigpit ang yakap ko sa kanila pati na din sa aking asawa dahil taon ang bibilangin bago ako bumalik ng Pilipinas. Nakakalungkot pero kailangan kong gawin iyon para na rin sa kanilang kinabukasan dahil di hamak na mas malaki ang kikitain ko sa ibang bansa kumpara sa Pilipinas. 

Sa mga araw na ito ay nakalock down ang NCR at kalapit lugar dahil sa tumataas na kaso ng covid subalit hindi ito naging hadlang para hindi ako bumalik ng trabaho. Nakakalungkot dahil sa talaga namang mataas ang kaso ng covid sa mga araw na ito. Nagbabadya pa nga ng patuloy na pagtaas dahil sa mga nahahawaan ng sakit.


Nang makarating ako ng airport kasama ang asawa ko, may pumipigil sa aking sarili na hindi na tumuloy at hindi ko alam kung bakit. Pero syempre desisdido na akong umalis patungo sa aking 2nd home, ang bansang Qatar na bumago ng aming buhay. Napakalaki kasi ng tulong na nagawa nito sa akin at maging sa aking buong pamilya kaya wala na talagang atrasan.

Pagpasok ko pa lang sa loob ng airport ay sobra ang excited ko dahil after 2 years mahigit ay makakasakay na muli ako sa airplane. Sa mga araw na ito ay magkahalong kaba at saya ang nilalaman ng aking puso. Sa wakas after one year of pandemic ay nakalabas muli ako ng Pilipinas. 


Maaga kami dumating ng airport kasama ang isa kong kasamahan sa trabaho, dahil sabay kami binook ng boss namin. Napakahaba ng pila sa mga oras na iyon, dumating kami ng 2pm subalit napaka haba na ng pila sa Qatar Airways, nakakagulat talaga ang panahon na ito. Dati kasi hindi naman ganun ang sitwasyon. Pero ngayon kailangan maaga ka dadating sa Airport para hindi ka masyado matagalan sa check in counter. Halos 1 oras ata kami naka tayo sa labas bago kami nakapasok sa loob ng check in counter, sobrang tagal ng pinila namin talaga.


Etong pila na yan ay ang counter ng Qatar Airways sa Terminal 3, pumila ulet kami nang halos 1 hrs ulet kaya sobrang pagod na kami kakatayo sa pila. Pag nakapasok kana sa loob niyan ay inspection ng Visa mo papunta ng Qatar. Since na new Visa kami marami ang tanong ang kailangan naming sagutin at mga dokumento. Sa awa ng AMA ay kumpleto ang dokumento namin na kailangan ibigay kaya wala halos problema.




Pagtapos namin sa airline check in ay sa immigration naman kami pumila, dito sasalain ang mga dokumento mo kung legit ba ang pag alis mo, napakadaming problema sa part na ito dahil tatanungin ka at kapag kulang ang dokumento mo ay offload ang bagsak mo. Yung iba kasi kailangan maverify ang mga dokumento sa mga bansang papuntahan nila. Kung mapapasin ninyo sa litrato ang Ilan ay mga naka PPE pa na sout dahil sa mga bansang pupuntahan nila ay napaka higpit pagdating doon.

Kumpleto naman ang aking mga dokumento kaya mabilis akong na approved na lumabas ng bansa.


Nakalagpas kami sa immigration kaya nawala na ang kaba sa aming dibdib dahil ang inaalala namin ay baka hindi kami payagan dahil sa panibagong visa namin. Pero God is so good complete papers kami Kaya sa wakas tuloy na ang pag alis namin patungo sa bansang Qatar. 


Tuwang tuwa na lalo ang kalooban ko nang makita ko ang airplane na sasakyan namin. Sabi nga sa kasabihan when you see your airline It’s Time to Shine hehehe. Tandaan natin kapag may pagkakataon grab lang natin ng grab dahil hindi muna magagawa ang bagay na yan kung hindi mo muling susubukan. Aim High lagi para sa pamilya basta alam mo sa sarili mo na para sa pamilya mo ang ginagawa mo. 


Muli na naman sasabak si BuhayOFW sa ibang bansa kaya antabayan ninyo ang mga post ko kung paano ba mabuhay ang isang OFW sa ibang bansa...I will share my experience muli para sa panahon ng may pandemya tayo may mga bagay na dapat natin gawin, kaya tuloy lang ang laban mga kapatid and see you around in my next posting...

Ingat po tayong lahat lalo na sa mga lugar na may mataas na kaso ng Covid....God bless and always take care..

Thank you for visiting my Blog to express my way of communication to all of you.... God Bless