Sta. MESA Manila
July 11, 2025
"Failure will never overtake me if my determination is strong enough." #apflores03quotes
Mahalaga sa bawat kabataang estudyante na makuha nila ang desired course nila sa school kung saan nila gusto mag aral. Totoong napaka higpit ng competition sa PUP Sta. Mesa. Ang mga kabataang student na naghahangad na makuha ang slot ay kailangan dumaan pa sa mahigpit na screening ng mga professor.
Ang unang gustong kuhain ni Ate AJ namin ay BS Biology na kung saan isa ito sa madaling nauubos na slot. Sa katunayan ang slot ng BS Biology ay malapit nang mapuno dahil pang 5th day ang schedule niya. Ayon sa kanya noong dumating sila ng gabi ay napakadami ng mga nakapila na student para mag enroll mabuti na lang at hindi pa napupuno ang BS Biology at may chance pang makakuha siya nang slot. Pero ang nakakatakot ay panghapon pa siya nakaschedule at nagkakaubusan na ng mga courses.
Sinamahan nga siya ng kanyang Mama Mona para may mag asikaso sa kanya habang nag-aantay ng pila. Imaginin mo mula pa Thursday ng Gabi around 8pm ay nakarating na sila doon at may mga nakapila na agad sa timing nila. Mabuti na lang at kabisado ni Mona ang PUP dahil alma mater niya ito, kaya nakahanap sila ng magandang pwesto na pwedeng makapagpahinga at makatulog kahit papaano. Sa buong gabi ng paghahantay ng mga estudyante halos walang maayos na pahinga dahil nais nila makuha ang slot na course na gusto nila. Maaga palang ay sinimulan na ang enrollment at ayon sa aking anak ay mabilis na naubos ang slot ng magbukas ang enrollment kaya need niya mag select ng another course. Marami daw sa kanyang mga kasabayan na ay nag aalala na din dahil wala na slot na gusto nila. Kaya I told her na kumuha siya ng course na medyo related sa gusto niyang matapos na aralin. Actually ang second course na gusto kuhain niya ay BS Food Technology na sinabi ko na hindi yun line sa gusto niyang marating. Ilang beses niya sinabi sa akin na ayaw niya ang course na BS Chemistry na related sa Pre Medical Course na pangarap niya. Medyo hirap ata siya pagdating sa mga chemicals or calculations pero hindi pede na hindi niya ito malaman kung medical field ang gusto niya.
Sa pagkakataong iyon ay pinilit ko sa kanya na ang piliin niya ay BS Chemistry na aline sa gusto niyang tahakin sa buhay. Ayon sa kanya marami daw kasing bumagsak sa qualification exam at may interview pa kaya takot siyang kuhain ito. Nag-aalala na kami dahil yun na lang ang slot para makuha niya ang dream niya na pasukin ang pre medicine. Mga ilang oras pa ang lumipas ay sinabihan ko na si Mona aalisin namin si AJ sa PUP kapag hindi niya nakuha ang slot na iyon. I told them na don't worry sa lahat ng expenses dahil ako naman bahala sa school fee kung ililipat namin siya sa private school.
Sa message pa lang niya sa amin ay nalulungkot na ako dahil sa super stress na siya para makapasok sa 2nd choice namin na course sa PUP. Pero syempre hindi pa din ako nawawalan ng pag-asa at ayaw niya umuwing luhaan kaya kahit pagod at puyat ay ginawa pa din niya ang lahat ng makakaya upang mabigyan muli siya ng slot para sa BS Chemistry. Mabuti nalang at mabait daw ang professor na napuntahan niya.
.
Sa bawat pagsubok at Failure ay may kapalit naman tagumpay kaya nga sabi ko sa kanila na walang madali lahat yan mahirap at hindi pwedeng papayag kana agad na mabigo dahil kapag ginawa mo iyon ay patuloy ka lang magiging mahina sa harapan ng ibang tao. When you love something you will fight for it in order to achieve the victory.
Laking gulat namin dahil naipasa niya ang Qualifications Exam at Interview sa BS Chemistry na last chance niya para sa Pre Medicine Course niya sa Polytechnic University of the Philippines. Lahat ng bagay ay may dahilan kaya sabi ko last resort natin yan at kapag hindi ay talagang pull out ang PUP Dreams nilang mag ina at ililipat ko siya ng school na kung saan dun niya mapraktis ang medicine course na gusto niya.
May Iska na akong ANAK, I'm very proud of you 👏 🥰 PUP CHEMISTRY PINAIYAK ninyo si Ate AJ ko hhehehe ❤️ 😍