Showing posts with label Doha life. Show all posts
Showing posts with label Doha life. Show all posts

Thursday, November 17, 2022

FIFA World Cup Fan Zone in Industrial Area

November 17, 2022
Industrial Area, Doha Qatar

Asian Town Fan Zone

Nakakatuwang malaman na magkakaroon ng FREE Live Games ng World Cup sa lugar kung saan kami malapit nakatira at nagtatatrabaho ito ay malapit sa Grand Mall na katabi mismo ng Asian Town. Napakalapit lang ito sa amin at kahit sino ay pedeng pumunta upang panoorin ang match up ng bawat bansang kalahok. Karamihan kasi sa mga workers ay hindi nakakuha ng single ticket sa kadahilanan na hindi na naabutan ang murang ticket na 40 QRs/ticket. Sa ngayon kasi medyo mahal na ang mga ticket dahil nagkakaubusan na po ang mga available ticket. Tignan po natin ang ticket price sa ibaba.

Source: www.fifa.com

Hindi lang isang lugar ang nakalaan para sa mga malalapit sa Industrial Zone dahil naglagay pa sila ng isang lugar sa NEW Industrial Area. Na kung saan ay may malawak din lugar para sa mga gustong manood nang nasabing match up.

New Industrial Fan Zone

Sobrang nakakatuwa dahil hindi nakalimutan ng gobyerno ng Qatar ang mga Workers na makapanood ng nasabing match up. Sana ay maging matagumpay ang nasabing World Cup dito sa bansang aming pinagtatrabuhan upang magsilbi itong malaking tulong sa lahat ng workers na naging bahagi nito.


Thank you for visiting my Blog to express my way of communication to all of you.... God Bless

Saturday, November 12, 2022

FIFA Fan's at Cournich Area, Doha Qatar

FIFA World Cup 2022 
Cournish. Doha Qatar

We saw a lot of people gathering in the Cournish Area. We are happy to see all of them are dancing and cheering there favorite teams. Nakapaexciting na nasabing patimpalak dahil magpupuntahan ang karamihan sa mga sikat na football player sa buong mundo.


Panoorin natin ang video clip na kuha ng kasama ko habang papasok kami sa cournish area kung saan tinatapos namin ang mga project para sa opening ceremonies nang nasabing patimpalak.


Nakakatuwang makita na napakaraming program ng Qatar para sa FIFA World Cup. Isa ang company namin sa mga gumagawa ng napakaraming set up sa palarong ito. 


Thank you for visiting my Blog to express my way of communication to all of you.... God Bless

Monday, November 7, 2022

FIFA World Cup 2022 Flag in Cournish


Taong 2022 gaganapin ang isa sa pinaka malaking sports event dito sa middle east ang FIFA World Cup. Napakaraming mga fans ang larong ito na kinahiligan din ng mga nasa middle east at karatig na bansa. Kaya naman sa bansang aking kinalalagayan ngayon na Qatar ay sobrang busy sa dami ng projects na kanilang pinapagawa. sa katunayan ay isa kami sa mga company na marami ding ginawa sa proyektong ito.

Sundan na lang natin ang mga susunod na kabanata sa larong football ng FIFA World Cup 2022 sa bansang Qatar.

Thank you for visiting my Blog to express my way of communication to all of you.... God Bless

Monday, February 14, 2022

GLO Fish and Angel Fish

FISH TANK - Angel Fish and GLO Fish


Start again my Mini Aquarium Hobby. Dati noong bata ako ang hilig ko mag alaga nito na nakukuha ko sa Cartimar Pasay. Malapit lang kasi kami doon akaya madali para sa akin makahanap ng Isda na gusto ko alagaan.

 

 Thank you for visiting my Blog to express my way of communication to all of you.... God Bless

Sunday, July 18, 2021

Aztra Zeneca - Qatar Vaccine


Qatar Vaccination Center

Ngayon araw July 18, 2021, nabakunahan ako ng Aztra Zeneca na pangalawang dozes ko. Nagpapasalamat ako ng napakarami sapagkat isa ito sa pinaka mahalagang bagay ngayon dito sa Qatar. Napakaraming tao sa vaccine area pero nakakatuwa dahil napaka organized talaga ng Qatar pagdating sa mga ganitong bagay. Mula sa pagpasok ng sasakyan papuntang parking area ay napaka organized dahil may mga pulis na nakabantay dito.

May ilan lang na mga pasaway na ibang lahi at maging mga Pilipino na kumukuha ng litrato at video para siguro maging souvenir nila pero bago ka kasi pumasok sa loob ay may nakalagay na NO PICTURE, NO VIDEO ALLOWED. Kaya marami ang nakuha ang celphone at kinuha ang kanilang mga pangalan. Pero sa tingin ko naman ay pinapakawalan din matapos ma delete ang mga nakuha nilang larawan at video.

Pagpasok sa loob ng vaccine area ay may mga nakatalagang security at mga personel upang turan sa pila. Nakakatuwa lang kasi dahil kahit napakaraming tao ay napaka organized talaga nila lalo na yung iba't ibang klase ng vaccine ang gagawin. Bago ka kasi pumasok sa loob ay mga may staff na magsasabi kung saan ka dapat pumila kung ikaw ba ay first dose or second dose. Sasabihin din nila kung anung klaseng vaccine ang nasa pila kaya madali na para sayo. Kaya para sa akin ay 10/10 sila kung irarate ko ang kanilang pamamalakad.

Noong makapasok na ako sa pinaka huling part ng pila para sa Aztra Zeneca at nakapwesto na para sa aking shot. Nakakatuwa din dahil napakabait ng staff ng nag administer ng aking second dose. Tinanong niya ako kung anu ba ang naramdaman ko noong ako ay maturukan ng first dose, kaya ang sinabi ko na lang ay nilagnat ako ng isang araw at uminom ng paracetamol para bumaba ang lagnat. Nagulat na lang ako na tapos na niya pala akong turukan ng injection dahil habang kinakausap pala niya ako ay tinurukan na agad ako ng injection. Kaya ang ibibigay ko sa kanyang rate ay 10/10 din dahil magaling siya in terms of administer ng vaccine.


Noong palabas na kami para bumalik sa aming mga sasakyan ay may mga bus na nakaantay sa amin para ihatid kami sa aming mga sasakyan. Kaya isa din ito sa magaling na pamamalakad nila dahil hindi buhol buhol ang trapik at napaka organize po nila.

Kaya maraming salamat sa aking 2nd home na Qatar sa pagbibigay ng prioridad sa ganitong sitwasyon ng buhay sa ibang bansa. Kaya over all rate ko po sa Qatar 11/10 o mahigit sa 110% dahil sa magandang pamamalakad po ninyo sa Vaccination Center dito sa Qatar.

More blessing and more power Qatar...


Thank you for visiting my Blog to express my way of communication to all of you.... God Bless

Wednesday, April 7, 2021

Ang pagbabalik ni BuhayOFW - Alex Story





Ang pag babalik ko sa bansang Qatar, ngayong araw April 6, 2021. 

Ang araw ng flight ko patungo sa bansang Qatar. Pinabalik kasi ako ng boss ko sa Qatar, para muling magtrabaho sa aming kumpanya. Hindi ko mapigil ang kalungkutan ng mga oras na ito dahil aalis na ako ng bahay. Hindi kasi ako pwedeng ihatid ng mga anak ko sa airport dahil bawal sa ngayon. Kaya sa bahay lang sila nagpaalam sa akin. Isang panalangin ang Isinagawa namin at pagtapos nun ay isa isa ko silang niyakap at hinalikan. Mamiss miss ko kayong lahat mga anak kaya magpakabait kayo sa mama ninyo.

Mula sa aking panganay na anak na si AJ, Kay Leklek at bunso kong anak na si Axcel. Mahigpit ang yakap ko sa kanila pati na din sa aking asawa dahil taon ang bibilangin bago ako bumalik ng Pilipinas. Nakakalungkot pero kailangan kong gawin iyon para na rin sa kanilang kinabukasan dahil di hamak na mas malaki ang kikitain ko sa ibang bansa kumpara sa Pilipinas. 

Sa mga araw na ito ay nakalock down ang NCR at kalapit lugar dahil sa tumataas na kaso ng covid subalit hindi ito naging hadlang para hindi ako bumalik ng trabaho. Nakakalungkot dahil sa talaga namang mataas ang kaso ng covid sa mga araw na ito. Nagbabadya pa nga ng patuloy na pagtaas dahil sa mga nahahawaan ng sakit.


Nang makarating ako ng airport kasama ang asawa ko, may pumipigil sa aking sarili na hindi na tumuloy at hindi ko alam kung bakit. Pero syempre desisdido na akong umalis patungo sa aking 2nd home, ang bansang Qatar na bumago ng aming buhay. Napakalaki kasi ng tulong na nagawa nito sa akin at maging sa aking buong pamilya kaya wala na talagang atrasan.

Pagpasok ko pa lang sa loob ng airport ay sobra ang excited ko dahil after 2 years mahigit ay makakasakay na muli ako sa airplane. Sa mga araw na ito ay magkahalong kaba at saya ang nilalaman ng aking puso. Sa wakas after one year of pandemic ay nakalabas muli ako ng Pilipinas. 


Maaga kami dumating ng airport kasama ang isa kong kasamahan sa trabaho, dahil sabay kami binook ng boss namin. Napakahaba ng pila sa mga oras na iyon, dumating kami ng 2pm subalit napaka haba na ng pila sa Qatar Airways, nakakagulat talaga ang panahon na ito. Dati kasi hindi naman ganun ang sitwasyon. Pero ngayon kailangan maaga ka dadating sa Airport para hindi ka masyado matagalan sa check in counter. Halos 1 oras ata kami naka tayo sa labas bago kami nakapasok sa loob ng check in counter, sobrang tagal ng pinila namin talaga.


Etong pila na yan ay ang counter ng Qatar Airways sa Terminal 3, pumila ulet kami nang halos 1 hrs ulet kaya sobrang pagod na kami kakatayo sa pila. Pag nakapasok kana sa loob niyan ay inspection ng Visa mo papunta ng Qatar. Since na new Visa kami marami ang tanong ang kailangan naming sagutin at mga dokumento. Sa awa ng AMA ay kumpleto ang dokumento namin na kailangan ibigay kaya wala halos problema.




Pagtapos namin sa airline check in ay sa immigration naman kami pumila, dito sasalain ang mga dokumento mo kung legit ba ang pag alis mo, napakadaming problema sa part na ito dahil tatanungin ka at kapag kulang ang dokumento mo ay offload ang bagsak mo. Yung iba kasi kailangan maverify ang mga dokumento sa mga bansang papuntahan nila. Kung mapapasin ninyo sa litrato ang Ilan ay mga naka PPE pa na sout dahil sa mga bansang pupuntahan nila ay napaka higpit pagdating doon.

Kumpleto naman ang aking mga dokumento kaya mabilis akong na approved na lumabas ng bansa.


Nakalagpas kami sa immigration kaya nawala na ang kaba sa aming dibdib dahil ang inaalala namin ay baka hindi kami payagan dahil sa panibagong visa namin. Pero God is so good complete papers kami Kaya sa wakas tuloy na ang pag alis namin patungo sa bansang Qatar. 


Tuwang tuwa na lalo ang kalooban ko nang makita ko ang airplane na sasakyan namin. Sabi nga sa kasabihan when you see your airline It’s Time to Shine hehehe. Tandaan natin kapag may pagkakataon grab lang natin ng grab dahil hindi muna magagawa ang bagay na yan kung hindi mo muling susubukan. Aim High lagi para sa pamilya basta alam mo sa sarili mo na para sa pamilya mo ang ginagawa mo. 


Muli na naman sasabak si BuhayOFW sa ibang bansa kaya antabayan ninyo ang mga post ko kung paano ba mabuhay ang isang OFW sa ibang bansa...I will share my experience muli para sa panahon ng may pandemya tayo may mga bagay na dapat natin gawin, kaya tuloy lang ang laban mga kapatid and see you around in my next posting...

Ingat po tayong lahat lalo na sa mga lugar na may mataas na kaso ng Covid....God bless and always take care..

Thank you for visiting my Blog to express my way of communication to all of you.... God Bless

Thursday, October 4, 2018


Monday, September 3, 2018

Siemens Mobile TV - 65 inches



We made the 65 inches TV Rack Stand of Siemens Qatar
Client: Avant Garde Communications Qatar
Process: Top Printers Carpentry Divisions
Project: Alex Flores

Thank you for visiting my Blog to express my way of communication to all of you.... God Bless

Wednesday, August 22, 2018

Ginataang Alimasag with Kalabasa


Sponsor na mula sa mga mababait na kaibigan. Dinayo pa ang lugar ng Takira para makahuli ng mga sariwang alimasag. Maraming salamat po sa Sponsor na Alimasag. Nilagyan po namin ng kalabasa para gataan at super sarap tuloy kainin.

Thank you for visiting my Blog to express my way of communication to all of you.... God Bless

Wednesday, April 25, 2018

City Escape 2018 Qatar







City Escape Qatar 2018

Pumunta ako sa City Escape Qatar.
Dito ko nakita yung mga existing at bagong project ng Qatar tungkol sa landscaping.
May mga bagong building at shopping mall na itinatayo.

Thank you for visiting my Blog to express my way of communication to all of you.... God Bless

Friday, August 25, 2017