Showing posts with label My Family. Show all posts
Showing posts with label My Family. Show all posts

Wednesday, June 11, 2025

Muling pagsabak ni Papa Alex


June 10, 2025
NAIA Terminal 1
3:30am

Pamamaalam sa Pamilya, yan ang palagi naming ginagawa sa huli namin pagkikita tuwing babalik na ako sa work ko sa abroad. Isang taon na naman ang hihintayin ko para muli ko silang makasama. Nakakalungkot diba, akala siguro ng iba ay madali lang ang umalis papunta sa abroad pero ang hindi alam ng iba, lungkot at pag iisa na naman ang nararanasan namin. Ang bawat OFW na lilisan ng bansa ay iisa lang nais niyan kumita ng pera para may pang suporta sa pamilya. Malaki at maliit na sweldo ay parehas lang din ang nararamdaman dahil mag isa na naman sa ibang bansa.

Photo Link: Kuhang larawan

BuhayOFW - Masaya na malungkot ang nararamdaman ng bawat isang OFW na aalis ng bansa dahil sa kikita ng pera pero ang kapalit naman nito ay pangungulila nila sa mga mahal sa buhay. Minsan nga may mga OFW pa na pag alis ng bansa ay napaka daming iniwang utang dahil sa dami ng gastusin nila. Lakasan lang talaga ng loob kahit na maraming problema ang nag aantay basta ang pinaka importante lang ay makabawi para sa pagbalik ulit sa Pilipinas ay maging masaya kasama ang buong pamilya.

ME - Masaya ako dahil kahit papaano ay maayos naman ang kumpanya na napuntahan ko sa bansang Qatar. Nagpapasalamat din ako kahit papaano ay hindi nila ako pinababayaan sa mga panahon na kailangan ko din ang suporta nila. Kaya naman kahit na mabigat ang responsibility ko sa company ay hindi ko ina ayawan dahil yun lang din ang return ko sa kanila. Dami ko ng nahawakan na Posisyon at trabaho kahit nga hindi ko na trabaho ay ginagawa ko na din para additional knowledge at experiences.
Ang buhay sa abroad ay hindi madali dahil dito mararanasan mo ang pagiging matatag sa lahat ng bagay. Dito mo din matutuhan kung paano makisama at pakipagkapwa tao. May mga iilan pa nga na kahit na maganda na ang ginawa mo sa kanya ay ibabalik pa sayo ay depression at problema. Pero ganun talaga ang buhay need lang nang malawak na pang unawa para makayanan natin ang bawat hamon ng buhay. Sabi nga ni Tatay Bhoy sa akin, "Anak wag mong tingnan ang nagawa mo sa ibang tao ang importante maging masaya ka lang at sigurado ako na ibabalik lahat sayo ang lahat ng mga bagay na gusto mo marating." Totoo ang na sabi sa akin ng aking AMA dahil kahit gaano kabigat ang buhay may mga tao pa ding handang tumulong at umalalay. Ang BuhayOFW ay sadyang ma pag hamon sa buhay dahil hindi mo alam kung kelan at saan ka magiging masaya.


Biyahe - First Time kong sumakay ng eroplano gamit ang connecting flight ng OMAN papuntang Qatar. Medyo mura lang ang Fare nito kumpara sa Direct Flight na offer ng Philippine Airline at Qatar Airways. Sa mga OFW na nagtitipid ng expenses madalas ito ang ginagawa para makatipid ng konti. Pero ang karanasan na ito ay sa mga taong kailangan ng tiyaga dahil napakahaba ng paghihintay bago ka makapunta sa talagang bansang pupuntahan mo. Maraming OFW ang nakita ko na nasa transfer flight katulad ko dahil iba't ibang bansa din ang pupuntahan nga mga nakasabay kong OFW na gamit ang OMAN Air. Pero ang mahalaga ay nakarating kami ng maayos sa lugar na aming pupuntahan. Para sa akin ay ayos lang naman din ang karanasang ito dahil nakatapak ako sa lupain ng bansang OMAN.


Hanggang sa muling paglipad mga kaibigan at ingat tayo parati sa bawat hamon ng buhay bilang OFW. Salute to all of you sa mga nakasama ko sa Biyaheng OMAN Air.







Sunday, May 25, 2025

A Journey of AJ18th Birthday


May 16, 2025
Timing: 5:30pm - 10:00pm

A journey of AJ 18th Birthday 

"Eighteen years, a garden grown each season shaping who I've become. Now, petals brave the morning sun, ready for journeys just began".  -Alisa Flores

Nakakatuwang nakauwi ako ng bansa para makadalo sa 18th Birthday ng aking unang prinsesa na si Ate AJ my Love. 

Akala ko nga ay hindi ako matutuloy umuwi dahil sa kakauwi ko lang ng last year October. Tuwang tuwa ako dahil sa pinayagan naman ako ng aking boss at ng opisina pero syempre all expenses ay mula sa aking sariling bulsa. Actually napaka laki ng gastos ko dahil sa pamasahe pa lang ay nakakalula na ang presyo. Subalit hindi ko na inisip ang gastos basta makauwi na lang ako ng bansa para makadalo ng Birthday niya. Sabi nga ng mga matatanda, kahit madaming problema basta may paraan lahat magagawa.

Ang promise natin sa ating mga anak ay hindi dapat natin binabalewa dahil doon natin naipapakita sa kanila ang pagmamahal at pagsuporta sa kanila kahit na hindi natin sila nakakasama ng matagal dahil sa malayo tayo sa kanila. Ang pagiging OFW ay isang napakalaking sakripisyo na hindi matutumbasan ng kahit ano pang salapi. Ang bawat panahon na wala tayo sa ating bansa ay katumbas ng pangungulila natin sa kanila. Kaya dapat lang na gawin natin ang lahat upang kahit papaano ay nakakabawi tayo sa kanila sa mga panahon na hindi natin sila kapiling.

Malaking pasasalamat sa ating Diyos AMA na dakila sa patuloy na pag gabay niya sa ating lahat kahit na napakaraming problema basta palagi lang tayo manalangin at gumawa ng mabuti upang palagi niya tayo ilalayo sa mga kapahamakan.

Narito pala ang ilan sa mga memories sa birthday celebrations ni Ate AJ kong mahal

Click the link Preshoot: Preshoot ni Ate AJ
Click the Link Event: Photos ni Ate AJ
Click the Link: Photobooth1
Click the Link:  Photobooth 2
Click the Link: Event Highlights
Click the Link: Event Higlights

Maraming salamat sa lahat ng bumisita sa aking blog Ingat tayo parati.




Monday, April 14, 2025

Graduations of my two Kids Axcel and Leklek



Sobra akong natutuwa sa pagtatapos ng aking dalawang anak na si Alexandra at Axcel. Akala ko noon ay mahihirapan kami sa pag aaral niya dahil sa kailangan namin ng special school para maisama siya sa klase. Ngunit sa tulong ng RPCES School sa pangunguna ng butihing Prinsipal ng school na si Sir Bisco ay nagkaroon ng isang special education para sa mga batang may special needs. Nakakatuwa din ang huling taon nilang magkapatid dahil sa magkaklase silang dalawa. Marami nga ang nagsasabi sa amin na wag namin pagsamahin ang magkapatid dahil mawawala sa focus sa pag aaral si Axcel. Subalit hindi naman yun ang unang pakay namin mag-asawa. Ang kailangan kasi namin ay maturuan ng maayos si Alexandra kasabay na pag aaral din ni Axcel. 

Nagpapasalamat kami ng marami sa lahat ng naging mentors at mga kaklase nilang dalawa dahil sa walang sawang suporta lalo na sa aming anak na si Alexandra. Ito ang matagal na naming pangarap ang matapos niya ang kanyang elementary, at going na kami sa next step niya para mas lalong siya makasabay sa tao....

Thank you for visiting my Blog to express my way of communication to all of you.... God Bless

Monday, March 25, 2024

Happy 25th Year's Anniversary - Alemon 25


25th Anniversary of ALEMON 25

❣MAHALIN MO ANG IYONG ASAWA❣

Huwag mong sisigawan ang iyong asawa kapag kayo ay nag uusap, madaling masaktan ang damdamin lalo na ang kababaihan.

Huwag mong sisiraan ang iyong asawa sa harap ng ibang tao, dahil ang kapintasan nya ay higit na kasiraan para sa'yo.

Huwag mong hahatiin ang pagmamahal mo sa iyong asawa para sa ibang babae o lalaki, dahil yan ay pakikiapid.

Huwag mong ihahambing ang iyong asawa sa ibang tao, dahil walang taong mas higit kaysa isa.

Huwag kang magtatago ng lihim sa iyong asawa, dahil kayo ay pinagbuklod magkaisa na kayo sa lahat ng bagay.

Huwag mong pipintasan ang iyong asawa sa kanyang kahinaan dahil ikaw ang kanyang kalakasan kaya kayo ay magtulungan.

Huwag mong aawayin ang kanyang mga magulang o mga kapatid dahil sila ay mga magulang at kapatid mo na rin simula nung araw na kayo ay pinagbuklod.

Huwag mong iiwan ang iyong asawa dahil ang sinumang pinagbuklod ng Diyos ay hindi dapat paghiwalayin ninuman.

Huwag kang magsasawang ipahayag ang iyong pagmamahal sa iyong asawa, upang hindi sya mapagod sa paglilingkod sa'yo.

Colossians 3:19 "Husbands, love your wife and do not be harsh with them."

Happy 25th Year's Anniversary Mama Mona ko and Thank you for giving my life so Colorful....

Since: March 25, 1999
Kenny Rogers Roaster Baclaran Branch
💚🤍❤️

#apflores03