Hamad Hospital (Red Cresent)
Industrial Area
"Sana Ganito sa Pilipinas kong Mahal"
Nagpunta ako kahapon sa isa sa Hospital ng Qatar para mag check up. First time ko ulet pumunta dahil need ko ipacheck ang mata ko dahil may tumubong Bukol(maybe Insect bite). Nag-aalala na kasi si Mona sa akin kaya sinabihan ko na pupunta na ako ng Hospital. Actually almost 4 days ko na yun nararamdaman na parang lumalabo ang mata ko.
So eto na nga at pumunta na ako sa Hospital para ipacheck up. Kapag sa Public Hospital ka talaga pumunta need mo sundin ang protocol dahil madaming mga workers ang nagpapacheck up. Pumila ako ng bandang 3pm dahil yun lang ang libre kong time dahil work on duty pa din ako kahit na may nararamdaman akong kakaiba. To be story short ilalagay ko na lang ang timelapse
Timelapse:
3:00pm: Pila at pagkuha ng stab for schedule
3:20pm: Nakakuha ako ng appointment
3:40pm: Nirecord yung Health Card at QID
4:00pm: Waiting for the available slot ng Doctor
4:30pm: Pinapasok ako sa loob ng facilities ward
5:00pm: 1st Check up sa Mata
5:20pm: 2nd Check up for consultation
5:30pm: Doctor Consultation
5:45pm: Result ng Doctor
5:50pm: Release ng Medical Certificates
6:00pm: Medical Fee at Gamot na kailangan ko Take(Phamacist Doctor Explain well).
6:15pm: Finish my Check up.
3 hours only with payment of 1 QRs (15 pesos sa Pilipinas) na Amaze ako sa Service ng Hamad (Red Cresent).
Actually first time ko ulet magpa check up dahil hindi naman ako madalas magpacheck ng mga nararamdaman ko dahil ayoko talaga pumunta sa mga Hospital dahil sa Trauma ko na din dahil ilang beses na ako na opera sa Pilipinas (PGH-Manila).
Nakakatuwa lang kasi mabilis ang service sa Qatar at wala silang pinipiling pasyente basta dala mo lang ang Health Card at QID. Madami akong nakasabay na mga workers dahil halos lahat ang nandun ay sa industrial nagtatarbaho. Yung iba nga nakita ko na halos pangtrabaho ang suot na damit para magpacheck up.
Nakakatuwa din dahil may nakausap akong isang Pilipino na Doctor or Staff siya ng Doctor na mabait kausap. Pero ibang section ang hawak niya. Nakwento niya sa akin na nagkaroon din daw siya ng sakit na katulad ng sa akin sa lower eye niya. Pero gumaling na. Tinuro pa nga niya sa akin kung paano siya gamutin pero ang sabi niya sundin daw yung Doctor na mag check up sa akin Thank you po kabayan Doctor.
Overall salute to the Qatar Government dahil hindi nila pinababayaan ang Health Sector na totoong kailangan sa isang bansa. I hope sana maging katulad ng Pilipinas ang serbisyo na ginagawa para sa mamamayan.
Gob Bless po 🙏