Wednesday, January 1, 2025

OFW Family Hour


January 01, 2025
3:35pm
MY CUBICLE Office in Top Printers Qatar 🇶🇦 

Sa pagpasok ng panibagong taon ay muli na naman tayong maglalakbay sa napakagulong kapaligiran. Maraming karahasan, awayan, digmaan, kalamidad at alalahanin sa mundo. Kita naman natin sa nagdaang taon na maraming problema ang ating naranasan. May iba pa nga na sa hindi inaasahan pagkakataon ay bigla na lang pumanaw dahil sa iba't ibang kadahilanan. Kaya naman sa papasok nang taon ay maging mas matatag po tayo. Maging matibay ang ating kalooban lalo na malayo tayo sa ating pamilya. 

Ako bilang isang OFW sa bansang Qatar ay danas ko ang kahirapan dahil sa mga pangyayaring hindi natin inaasahan. Kaya maging mabait, maunawain at masayahin lang tayo sa buhay. Gawin natin ang mga bagay na mag papasaya at hindi ang mag papalungkot. Marami pa tayong mararanasan dahil ang mundo ay wala ng katahimikan dahil na rin sa mga kaguluhan. Kaya palagi lang tayong nakahanda kung dumating sa atin ang problema ay meron agad tayong solusyon para malunasan ito.

Ang isa sa tanging paraan magagawa natin ay masubaybayan ang ating mga mahal sa buhay. Magkaroon tayo ng oras sa kanila para kamustahin natin sa araw araw at magkaroon tayo ng palagiang pag-kausap kahit na sa online lamang. Gaya nalang ng INC Family Hour sa Iglesia ni Cristo na ginagawa namin sa loob ng isang linggo. Ito'y pagkausap sa kanila isang beses sa loob ng isang linggo at may sama samang panalangin pagkatapos ng kamustahan.


Totoo na isa ito sa mabisang paraan upang hindi magkaroon ng problema ang isang pamilya. Maaaring ganitong paraan malalaman natin ang kalagayan at problema ng ating pamilya. Mahirap ang malayo sa kanila at mas lalong mahirap na hindi natin nakikita na lumalaki ang ating mga anak dahil sa busy tayo sa work. Kaya wag natin kakalimutan na kamustahin sila.

Ang Family Hour sa loob ng Iglesia ni Cristo ay isang paraan upang maging malapit ang bawat pamilya ito ay ginagawa upang malaman ang mga pangyayari sa araw araw. Kaya kung isa ka din INC na OFW ay isagawa po natin ito upang ma kamusta natin ang ating mga pamilya. 

Sa mga hindi naman po namin kaanib ay maisagawa din po ninyo ito sa inyong paraan upang magkaroon din po kayo ng panahon na makamusta ang kalagayan nang iyong mga pamilya. Maging masaya at matiwasay po ang sambahayan po ninyo sa taong darating.

Hanggang dito na lang at ingat po palagi...Happy New Year Everyone Welcome 2025
💚🤍❤️