9:25am
Doha Qatar
Ang bansang Israel at Iran ay kasalukuyang nagdidigmaan dito sa Middle East dahil sa kani kanilang mga pinaglalaban. Nakakatakot dahil sa mga sunod sunod na pagbagsak ng mga bomba sa kani kanilang lugar. Bagaman malayo naman ang aming kinaroroonan dahil nasa bansang Qatar ako syempre dama pa din namin ang pangamba dahil apektado lahat ng mga naninirahan sa Middle East. Marami mga OFW ang nasa bansang Israel at Iran na kasalukuyang nagtatago sa kani kanilang mga safe houses. Kaya sana po ay nasa mabuting kalagayan ang mga kaibigan natin na andun sa mga bansang nag-aaway.
Nag anunsyo na ang ilang mga bansa sa pansamantalang titigil sa pagbiyahe ng kanilang mga paliparan nasa ibaba po ang posting na mula sa GCC News ng Pilipino in Kuwait.
Nakakalungkot dahil sa walang katapusang hidwaan ang nangyayari dito sa Middle East. Ang digmaan ng mga bansa ang isa sa mga kinakatakutan naming mga OFW. Syempre bilang isang manggagawa sa Middle East takot din kami sa aming kaligtasan dahil baka madamay sa kaguluhan na nangyayari.
Tignan natin ang bilang mga OFW sa ilang bansa na nasa Middle East. Narito po sa baba ang kuhang larawan na mula sa website ng DFA Philippines.
Link: www.dfa.gov.ph
Sa kasalukuyang datos iyan po ay mula pa noong 2020 at marahil baka tumaas na po ang bilang ng mga OFW dahil sa marami na din ang may mga bagong kontrata sa kani-kanilang trabaho.
Kung sakaling sumiklab ang World War 3 sa Middle East paano makakauwi ang mga OFW na nasa gitna ng gulo? Sana po matulungan din ang mga OFW na mapapa-uwi mula sa pangyayaring ito. Sana din magkaroon agad ng mapayapang solusyon pa tungkol sa lumalalang sigalot dahil nag aalala ang bawat pamilyang nasa Pilipinas.
Narito ang ilan mga link nang pangyayari
Strait of Hormuz
Ang Strait of Hormuz ang isa sa pinaka importanteng daanan para sa kalakalan sa buong Middle East. Kaya sana wag maapektuhan ang pag block ng IRAN, para na rin sa kapakanan ng mga naninirahan sa Middle East. Mag antabay tayo sa mga kaganapan na mangyayari sa mga susunod pang mga araw kaya mag ingat po ang lahat lalo na ang mga bansang malapit po sa digmaan.
Hanggang dito na lang muna ulit at mag update ako sa mga susunod kapag nagkaroon ako ng panahon...hanggang sa muli mga ka BuhayOFW...