Sunday, July 18, 2021

Aztra Zeneca - Qatar Vaccine


Qatar Vaccination Center

Ngayon araw July 18, 2021, nabakunahan ako ng Aztra Zeneca na pangalawang dozes ko. Nagpapasalamat ako ng napakarami sapagkat isa ito sa pinaka mahalagang bagay ngayon dito sa Qatar. Napakaraming tao sa vaccine area pero nakakatuwa dahil napaka organized talaga ng Qatar pagdating sa mga ganitong bagay. Mula sa pagpasok ng sasakyan papuntang parking area ay napaka organized dahil may mga pulis na nakabantay dito.

May ilan lang na mga pasaway na ibang lahi at maging mga Pilipino na kumukuha ng litrato at video para siguro maging souvenir nila pero bago ka kasi pumasok sa loob ay may nakalagay na NO PICTURE, NO VIDEO ALLOWED. Kaya marami ang nakuha ang celphone at kinuha ang kanilang mga pangalan. Pero sa tingin ko naman ay pinapakawalan din matapos ma delete ang mga nakuha nilang larawan at video.

Pagpasok sa loob ng vaccine area ay may mga nakatalagang security at mga personel upang turan sa pila. Nakakatuwa lang kasi dahil kahit napakaraming tao ay napaka organized talaga nila lalo na yung iba't ibang klase ng vaccine ang gagawin. Bago ka kasi pumasok sa loob ay mga may staff na magsasabi kung saan ka dapat pumila kung ikaw ba ay first dose or second dose. Sasabihin din nila kung anung klaseng vaccine ang nasa pila kaya madali na para sayo. Kaya para sa akin ay 10/10 sila kung irarate ko ang kanilang pamamalakad.

Noong makapasok na ako sa pinaka huling part ng pila para sa Aztra Zeneca at nakapwesto na para sa aking shot. Nakakatuwa din dahil napakabait ng staff ng nag administer ng aking second dose. Tinanong niya ako kung anu ba ang naramdaman ko noong ako ay maturukan ng first dose, kaya ang sinabi ko na lang ay nilagnat ako ng isang araw at uminom ng paracetamol para bumaba ang lagnat. Nagulat na lang ako na tapos na niya pala akong turukan ng injection dahil habang kinakausap pala niya ako ay tinurukan na agad ako ng injection. Kaya ang ibibigay ko sa kanyang rate ay 10/10 din dahil magaling siya in terms of administer ng vaccine.


Noong palabas na kami para bumalik sa aming mga sasakyan ay may mga bus na nakaantay sa amin para ihatid kami sa aming mga sasakyan. Kaya isa din ito sa magaling na pamamalakad nila dahil hindi buhol buhol ang trapik at napaka organize po nila.

Kaya maraming salamat sa aking 2nd home na Qatar sa pagbibigay ng prioridad sa ganitong sitwasyon ng buhay sa ibang bansa. Kaya over all rate ko po sa Qatar 11/10 o mahigit sa 110% dahil sa magandang pamamalakad po ninyo sa Vaccination Center dito sa Qatar.

More blessing and more power Qatar...


Thank you for visiting my Blog to express my way of communication to all of you.... God Bless