April 09, 2020
Sinimulan na ng Department of Labor and Employment ang pagbibigay ng ayuda sa mga OFW na lubhang naapektuhan Covid19 global pandemic. Ang pinansyal na tulong 10,000 piso o 200 dollar ay mula sa 1.5 bilyong ayuda na pinirmahan ni Pangulong Duterte kabilang sa Bayanihan Act.
Ayon kay Secretery Bello ang Department of Labor and Employment - AKAP ay nagsimula ng mag prepare ng guidelines para maging maayos ang pagbibigay ng tulong sa lahat mga OFW na apektado na nasabing epidemya. Tinitiyak ng kalihim na gagawin nila ang lahat ng paraan para ito ay maibigay sa mga taong higit na nangangailan ngayong panahon ng krisis.
DOLE-AKAP ang siyang magsasaayos ng lahat base sa 2016 POEA rules ang regulations.
Ang mga OFW na makatatanggap ay kabilang sa mga bansang nagkaroon ng malubhang epidemya na total lockdown sa lahat ng gusali o hindi nakapag trabaho sa kanilang mga employer.
Ang mga bansa sa Middle East gaya ng Bahrain, Israel, Jordan, Kuwait, Lebanon, Oman, Qatar, Kingdom of Saudi Arabia at United Arab Emirates.
Para sa Asia at Pacifico mga OFW's sa Australia, Brunei, Hong Kong, Japan, South Korea, Macua, Singapore. Taiwan. Malaysia at New Zealand.
Europa at Amerika na mula sa bansang Canada, Cyprus, Italy, Germany, Greece, Spain, Switzerland, United Kingdom of Great Britain at United States of America.
Sinabi din ni Secretary Bello ang mga OFW na nawalan ng trabaho lalo na ang mga walang pinagkakakitaan sa kani-kanilang bansa ang makakatanggap ng tulong. Kailangan lang na makipag ugnayan sa kanila mga embahada kung paano sila makakakuha ng tulong pinansyal.
Ang mga OFW na hindi nakabalik sa kanilang mga trabaho dahil inabutan ng lockdown ay maaari ding makakuha ng tulong pinansyal na 10,000 piso na tulong sa mga OWWA Regional Welfare Offices (RWOs).
Upang makapag avail ng programa dapat magsumite ng mga sumusunod na dokumento ang mga OFWs sa kanilang mga embahada o kung paano nais isagawa ng embahada. Makipag ugnayan po kayo sa inyong mga embahada.
- Aplikasyon Form mula sa POLO OWWA or DOLE- AKAP
- Photocopy ng inyong mga pasaporte at Travel Documents
- Proof na OFW gaya ng mga valid OEC, Resident ID, Visa, Re entry-Visa etc.
- Proof of loss of employment sa panahon ng Covid19
- Kung ikaw ay Undocumented na OFW ay ibigay ang iyong Case Reference Number, Case Endorsement stamp ng POLO OWWA at iba pa.
Para naman sa mga Balik Manggagawa or repatriated OFW ang kailangan ma submit sa mga regional or local owwa offices.
- Aplikasyon form para sa special cash assistance na madownload sa www.dole-akap.owwa.gov.ph website.
- Kopya ng Passport o travel documents
- Proof of overseas employment, gaya ng valid OEC, Resident ID, Visa/Re-entry visa at iba pa
- Proof of loss of employment due to the Covid-19 disease.
From: Dole announcement
Sample only
If you need the original form email: apflores03@gmail.com
Thank you for visiting my Blog to express my way of communication to all of you....
God Bless