Monday, April 13, 2020

OWWA Assistance to OFW COVID19

Hello mga kaibigan ngayong araw inilabas ng OWWA sa kanilang website kung paano ang step by step na pag aapply at paano makakakuha ng tulong pinansyal ang mga OFW na naapektuhan ng Covid19 Pandemic.

Narito po ang ilang instruction kung paano po kayo makakapag-register sa kanilang website.
Link: dole-akap.owwa.gov.ph

Note: gumamit ng internet explorer dahil doon ako natuloy nakapag register.


Fill up ninyo ang lahat ng kailangan lagyan dahil kung hindi ninyo malagyan ang kahit isang details ay hindi po yan mapaprocess. Ang ginamit kong browser ay internet explorer at doon lumabas ang lahat ng aking kailangan ifill up. Pagtapos ninyo matapos ang lahat ng kailangang mafill up ay proceed to next na po kayo. lalabas na ang upload documents.


Upload Documents
1. Photocopy of Valid Passport/Travel Document: Passport ang pinaka kailangan kaya need ninyo scan or photo ninyo ng malinaw ang inyong mga passport

2. Proof of overseas Employment (e.g., Valid Verified Employment Contract, OEC, Work Permit, Visa/Re-Entry): Scan ninyo lahat ng inyong mga document at ilagay sa PDF file para lahat ng hinahanap nila ay maibigay ninyo

3. Airline Ticket (For those in the Philippines) Date of Arrival: Sa Airline ticket kailangan maipasa ninyo ang inyong mga return ticket na nahold dahil sa Covid19 Lockdown. Sa mga bagong apply scan ninyo ang ticket na nacancel at iyong din ang magiging basehan ng OWWA.

4. Proof of loss of employment on the account of Covid-19: Kung meron kayong email mula sa inyong mga employer na hindi natuloy ang inyong flight ay isa na iyon sa katibayan na nawalan kayo ng trabaho dahil hindi kayo natuloy umalis ng bansa. Kung may iba pa kayong details na pwede ninyong ilagay or scan mas makakatulong po ito para hindi na mahirapan ang evaluator ng OWWA.

5. For Undocumented OFW - Proof that the OFW is currently involved in an ongoing case (e.g., case reference number, case endorsement stamped by POLO, copy of the decision with English Translation, etc.), coppies of contract, payslip, appropriate visa, or other proof of emplyoment. : Dito ay kailangan naka scan ang document to PDF para makita agad ng evaluator ng OWWA ang iyong kaso or ang pagiging undocumented OFW. Scan to PDF ang lahat ng kailangan para madali na nilang ma trace ang inyong details.

Note: Siguraduhing tama lahat ang inyong detalye dahil doon magbabase ang OWWA sa inyong applikasyon. Wag ninyong dadayain ang inyong dokumento dahil baka iyon pa ang dahilan ng inyong pagkakaso.

Kapag natapos na loading ng inyong aplikasyon ay mag sesend sa email ninyo ang OWWA gaya ng nasa ibabang litrato. Nakalagay diyan ang inyong reference number applikasyon. Hintayin lamang ang tawag or email ulet ng OWWA para sa susunod na hakbang


Hanggang dito muna po ang aking updates at sana makatulong sa inyong lahat.