April 1, 2025
"Every time we are sad don' feel mad, there is also a chance for us to be happy. Wait for the right time for the good opportunity that the Lord God will give us."
#apflores03 #BuhayOFW
#apflores03 #BuhayOFW
Minsan naiisip natin bakit ba kasi hindi nawawala ang lungkot kung pede naman palaging masaya. Sa dami ng kaguluhan sa mundo napapaisip tuloy tayo na mas maganda na siguro ang umuwi ng bansa. Kaysa sa patuloy na mahiwalay sa ating mga pamilya. Hindi nawawala sa isip ng bawat isa ang mag aalala kapag may mga nababalitaan tayong mga kakaibang pangyayari. Maraming balita ang napapanood natin araw araw tungkol sa kaguluhan at mga sakuna.
Kung bibigyan lang tayo ng magandang pagkakataon na medyo guminhawa bakit pa natin nanainisin na mahiwalay sa ating mga pamilya. Nakakamiss talaga ang ating mga pamilya lalo na kung matagal ka nang hindi nakakabalik ng bansa upang magbakasyon...Homesick na talaga, pero di bale sadyang ganyan talaga ang LIFE ng mga OFW (BuhayOFW).
#apflores03