Thursday, April 8, 2021

RC143 contact tracing at Ehteraz

Eto yung sinabi ko sa Post ko dati pa nung nasa Pilipinas pa ako na dapat lahat ay magkaroon ng contact tracing kagaya ng Qatar (Ehteraz)


Ang Ehteraz ng Qatar ay isang apps na na kung saan naroon ang status mo sa covid. Nakalagay dito ang mga details ng nangyayari sa bansang Qatar. Napaka useful ng apps na ito dahil malalaman mo agad ang status mo maging ang mga nasa health department ay madali kang matrace. Sa unang pasok ko dito sa bansang Qatar ay hindi ka makakapasok kapag wala kang apps at kailangan naka register sa contact number mo para madali ka nila ma trace. Ohh diba napaka useful niya at isa ito sa mga recommended gamitin sa lahat ng establishment.

Sinubukan ko magdownload dati ng contact tracing ng Pilipinas nung andun pa ako at eto ang resulta.

Kun mapapasin natin napakakonti lang ang gumagamit sa atin sa Pilipinas, out of 100 million population 200k lang ang may apps. Alam ko na karamihan sa atin ay hindi afford ang magkaroon celphone pero hindi po kasi dahilan yun para hindi tayo makatulong sa bawat isa. Ang tanging solusyon po para hindi magkahawa hawa ang isang komunidad ay ang contact tracing sa bawat isa. Kung meron sana tayong pagkakaisa at malawak na kaisipan ay magtutulungan po tayo para masugpo ang lumalalang karamdaman. 

Meron naman tayo sa Pilipinas ito ang RC143 ng Redcross kaso hindi naman fully operated, Hindi pa siya kagaya ng Qatar na nag invest sa ganitong technology. Sir Dick Gordon please po make it happen naniniwala po ako na sa kapangyarihan (Dragonball Z) na meron ka sa ngayon ay magagawa po ninyo ito...naniniwala po ako sa inyong kakayahan sir Senator Dick Gordon

Ang nakakaasar lang magkakaiba ang contact tracing ng bawat city sa NCR. Naalala ko pa nga na Minsan nagpunta kami ng isang mall hindi ka makakapasok kung wala kang apps ng city nila. Pero nakapasok naman kami dahil may mga manual na contact tracing sila, yung sinusulatan ng ballpen at papel. Hindi mo tuloy alam kung sino sino ang positive, Malay mo Katabi muna pala ehh positive sa covid. Ang bawat mayor kasi sa atin pagalingan (No Unity) gusto nila na sila sila magkaroon ng contact tracing, mga Sir sana po ipush ninyo sa national government na magkaroon ng unify contact tracing hindi yung magkakaiba kayo ng apps...Hindi po yan ang solusyon ang magkakaiba ng contact tracing kailangan po ay unify apps para ng sa ganun po ay malamang agad natin ang resulta. Please po make it happen mga bossing namin na mayor sa lahat ng City.

Dito sa Qatar kapag wala kang Ehteraz hindi ka pede lumabas dahil kapag wala ka mapakita diretso ka sa police station at may katapat na multa na hindi mo magugustuhan.