Wednesday, August 28, 2024

Leklek 16th Birthday


August 28, 2024
12:22am
Doha Qatar πŸ‡ΆπŸ‡¦ 

Maraming bagay akong dapat ipagpasalamat at isa na ang pagsapit ng kanyang kaarawan. Labing anim na taon ang dumating sa buhay ng aming Special Baby Ate Leklek na patuloy na nagbibigay ng inspirasyon at LOVE sa aming buong pamilya. Palaging nagbibigay ng ngiti sa tuwing nakakausap kahit na hindi magkaintindihan. Labing anim na taon na puno ng pagmamahal ang ibinigay sa aming buong sambahayan. Kaya salamat po AMA sa lahat ng patnubay at pag gabay mo sa kanya. Walang ibang hiling ang bawat isa sa amin kundi ang magandang kalusugan at maayos na pagtrato sa kanyang kalagayan.

Happy Birthday πŸŽ‚ aming 2nd Princess Lis Alexandra nawa at patuloy kang gabayan ng ating AMA at patuloy na bigyan ng magandang kinabukasan. Andito lang kami na patuloy na susuporta sa lahat ng nais mong gawin at mga gagawin pa. Love you from the start of your Life and upto END. You are the GREATEST LOVE ❤️....Love you Lek

Love ❤️ 
- Papa Alex -