Sunday, March 3, 2024

Calibre 45 ni Alex


Calibre 45 

Marami ang nagsasabi na kapag nareach mo na ang age 40s ay simula na daw ng totoong hamon ng buhay. Maraming nagsasabi na itong age na ito ang pinaka masaya at masarap mamuhay (tignan natin). 

Nung time na sumapit ako sa age 40s ay maraming bagay akong natutunan at naimprove dahil lumawak ang pananaw ko. Dito rin sa age na ito nagsimula ng lumaki at maging independent ang aking mga anak. Kaya kailangan double ang pag-iingat sa kanila. Natatandaan ko pa nga noong 2019 my 40th birthday, ito yung taon na nagpasya akong bumalik ng Pilipinas (work break) para makasama sila ng matagal. Kaya nagpaalam ako sa aking kumpanya para pansamantalang makasama ang aking mga anak at asawa ng medyo mahabang panahon at wish granted naman nila. 

Masaya din ako noong panahon na iyon dahil kasama ko sila ng almost 2 years actually dapat 2020 ay pabalik na ako dahil may issue silang bagong visa sa akin pero dahil sa Covid Pandemic ay hindi iyon natuloy kaya almost 2 years talaga ang stay ko sa Pilipinas kasama na ang Pandemic(Covid) ERA (2020). Iba talaga ang pakiramdam kapag kasama mo ang pamilya. Nakikita mo na lumalaki sila at nalalaman ang kanilang mga gusto at maging ang kanilang ugali.

Nagwork nga din ako noon sa Property Management Servika Philippines (Supervisor) at naging grab driver as part timer sa gabi naman. Sinubukan ko din maging call center technical support (English) at the same time grab driver din sa umaga. Naalala ko pa nga na kapag gabi pagtapos kong mag grab inaantay ako ng mga anak ko para sumabay sila sa akin kumain palagi kasi akong may pasalubongsa kanila at sabay sabay kami kakain sa roof top namin. Nakakatuwa lang talaga na tumagal ang stay ko sa Pilipinas. Pero bumalik din ako sa work ko noong 2021 dahil sa pinabalik ako ng boss ko at may panibago na akong visa/contract na bigay sa akin ng aking kumpanya (Top Printers Qatar).

Totoong life's begin at 40s dahil dito na ang age na kailangan nating mag double ng work dahil sa dami ng gastusin sa bahay. Ito na rin ang age na lumalabas na ang iba't ibang uri sakit na nararamdaman natin. Siguro dahil na rin yun sa mga toxic na pagkain kaya humihina na ang ating immune system at digestion. Kaya need natin mag ingat sa lahat ng ating kinakain. 

Then ngayong taon 2024 at na nareach ko na ang age 45 dito na din nagsisimula ang iba't ibang thinking for the retirement. Masaya naman ako dahil kahit papaano ay meron naman tayong nainvest na property at may plano pa akong gawin para sa retirement age. Sana lang matupad ang lahat ng aking plano at mga pangarap sa buhay. Gusto ko kasi at the age 55 medyo settle na kami at sa bahay na lang kung maaari. Sana lang magkatotoo yung dream house ko with poultry/fish farming. Sabagay kapag ginusto naman ay pwedeng magkatotoo yan lalo na kung ang mind set natin ay to earn money and live in a peaceful life (province).

Masaya din ako dahil full intact kaming pamilya sa lahat ng bagay. Kahit na malayo ako sa piling nila ay patuloy ko silang nagagabayan ko sa kanilang pamumuhay dahil na rin sa mabait kong asawa (Mona).  Nakakamiss lang dahil almost half of our life ay magkakalayo kami. Mas maraming oras na magkahiwalay kasya sa magkakasama. No regret naman dahil kahit papaano ay naprovide ko naman ang kanilang mga gusto at kailangan. 


So paano napahaba na ang kwento ko at masyado na akong madrama sa buhay. I keep writing sa Blog ko para may mga memories akong babalikan sa pagbabasa ng mga writings ko about my self. Salamat sa pagbabasa at ingat tayong palagi....

#apflores03 #BuhayOFW