Monday, February 26, 2024

The True Happiness - apflores03


"You never find the True Happiness when you are away, instead put it on your wall to remembering the days you are Happy with Them." #apflores03 My Post

Isa ka din ba na OFW na malayo sa piling ng iyong pamilya? Ramdam mo din ba ang lungkot na katulad nang nadadama ko?

Ganyan kasi talaga ang Life natin, mas gugustuhin nating lumayo muna upang makapag trabaho at kumita ng pera kaysa sa problemado tayo sa dami ng bayarin sa bahay. Mahirap talaga ang maging mahirap kaya kung may pagkakataon tayo na kumita ng pera ay gugustuhin nating mag abroad. Masaya na tayo kung every month ay nakakapagpadala tayo ng pera para may panggastos sila sa Pilipinas. 

Paano naman kaya yung may mga problema kagaya ng ilan sa mga kakilala ko. Madami din kasi ang hindi nakakasweldo ng tama at ang iba pa ay walang trabaho. Double ang lungkot nun kaya kung may mga pagkakataon na makatulong tayo ay gawin na lang natin. Minsan talaga masaklap ang life ng iilan nating kababayan dahil sa iba't ibang mga dahilan na kanilang nararanasan sa kanilang pinapasukang company.

Ikaw kamusta naman ang kalagayan mo bilang isang OFW...share your story para naman magkaroon kami ng idea 💡