Dati akong nagpupunta at tumatambay sa Isetan Recto noong nag aaral pa ako ng college sa Technological Institute of the Philippines (TIP Manila). Dati nang maraming tambay dito na nag aalok ng panandaliang kaligayan. Hindi lang sa mall na ito madalas tumabay ang mga ito meron sa mga gilid na nakapalibot sa buong university belt ng manila.
May mga kaklase pa nga ako dati nag niyaya akong sumama sa kanila sa ganitong kalokohan mabuti na lang at hindi ako mahilig sumama sa mga iyon. Kawawa nga ang mga babaeng ito dahil mga tambay at walang ibang pagkukunan ng pera para sa kanilang mga araw araw na gastusin.
Naaalala ko pa nga may isa akong classmate na nagkwento sa amin na meron daw siyang naidate na isang estudyante na ang aaral pa sa kilalang eskwelahan diyan sa recto. Natatawa nga ako dahil sinabihan ng isang naming kaklase na "Tol nagbihis lang yan ng uniform para sabihing student siya ng _ _ _ para malaki ang ibayad mo sa kanya pero Pokpok din yan sa tabi tabi." sabay tawa kaming lahat.
Nakakalungkot lang isipin na walang magawa ang ating gobyerno sa ganitong sitwasyon para mabago ang kanilang buhay. Halos lahat sa kanila ay walang trabaho at hindi nakatapos ng pag-aaral. Kailan kaya maiipapasa ang isang batas na makakasuhan ang ganitong mga talamak na bentahan ng laman.
Kawawa kasi lalo na ang mga menor de edad na nasasangkot dito. Kailangan magawan ng paraan ang mga ganitong klaseng aktibidad. Pustahan tayo makakawala na naman ang mga bugaw dahil makakapag pyansa ito.
Updated: March 2017 from Bitag Official
Looking for better place