Thursday, December 23, 2021

Qatar and Philippines - Typhoon Odette

December 23, 2021
Doha, Qatar

Nagpasalamat si President Rodrigo Duterte kay Sheikh Tamim bin Hamad Al Thani, ang Emir ng Qatar sa tulong na ibinigay sa mga nasalanta ng bagyong Odette.

Photo from: PNA

Sa statement na nilabas ng office of the President sinabi ng pangulo na malaking pasasalamat niya kay Sheikh Tamim para sa pakikiramay at pagtulong sa ating mga kababayan "for the expression of sympathy and solidarity with the victims of Typhoon Rai (Odette) naganap ang kanilang phone conversation noong December 21, 2021. 

Sinabi din ng pangulo na ang mga tulong na matatanggap ay para sa mga lubhang naapektuhan sa Visayas at Northern Mindanao Regions. Kaya inutusan na nila ang kanill- kanilang mga secretary at Minister of Interior.

Nakakatuwang marinig kay Sheikh Tamim bin Hamad Al Thani na appreciated niya ang buong Filipino community na nagtatrabaho sa bansang Qatar. Salamat po sa mataas na respeto ninyo sa aming mga workers dito sa bansang Qatar.

Ito ang isang photo na nakita ko sa Internet habang wasak ang kanilang tahanan at habang humingi ng tulong.
Kaya sa mga kababayan nating may kakahayan na tumulong din ay magpaabot tayo tulong. GOD BLESS PHILIPPINES 🇵🇭