Doha Qatar
Napakalakas ng balita tungkol sa batang ito na naglalaro ngayon sa KBL Korean Basketball League at nagsisilbing Asian Import sa koponan na Hyundai Mobis Phoebus. Matunog ang mga balita ang ating natatanggap dahil sa kanyang husay.
Nakapaglaro na din siya sa ating Gilas Pilipinas Team sa mga nakaraang laban at pinaka din niya ang kanyang husay.
Ngunit sino nga ba siya at paano ba siya nagsimula?
Si RJ ay kilala sa pangalang Rhon Jay Abarrientos na anak ng kapatid na babae ni Flying A Jhonny Abarrientos na isa sa pinaka mahusay na elite point guard ng bansang Pilipinas at PBA.
Nagsimula siyang maglaro sa Far Eastern University (FEU) Baby Tamaraws at dito niya pinakita ang kanyang husay sa point guard position. Marami din siya mga binitawan na tira na nagpamangha sa maraming tao.
Sa tulong at advised ng kanyang Uncle Jhonny A ay pinakita niya na karapatdapat siyang mapabilang sa Gilas Pilipinas Team. Sa totoo lang po may pressure sa akin dahil dala ko ang apelyido ng isa sa pinaka mahusay na manlalaro ng bansa "Abarrientos" ani niya RJ.
Totoong may pressure na nakakabit sa kanyang pangalan kaya naman nakatutok sa kanya ang mga mata ng manonood. Sa bawat laro niya ay binibigay niya ang lahat upang maipakita niya ang husay ng apelyidong Abarrientos. Marami na din siyang mga ups and down sa larong basketball at patuloy siyang nagsisikap na makilala ang kanyang pangalan.
Abangan pa natin ang mga nakakaexcite na laro ng ating kaibigan Rhon Jay Abarrientos at excited kami na panoorin ang mga laro mo sa iyong koponan sa Korea. More power idol at ingat lagi lalo na sa mga injury at hard contacts sa larong basketball.
Photo Credit: screen grab from GOOGLE