Thursday, April 9, 2020

National ID sa Pilipinas

National ID Philippines

April 09. 2020

Ang National ID ng Pilinas ay nilagdaan ni Pangulong Duterte noong August 06, 2018 na tinawag na Philippine Identification System act (R.A. 11055). Mapapadali ang mga transakyon ng gobyerno at maging sa mga pribadong kumpanya dahil madali na lang makilala ang taong may National ID. Nagtataka lang ako dahil medyo matagal na din siya at hindi ko pa rin nakikita ang aking National ID. 

Noong 2018 pa nagsagawa ng botohan ang kongreso sa House Bill no. 6221. Sa final at katlong pagdinig 142 na congressman ang bumoto na matuloy samantalang 7 ang hindi pabor dito. Kasunod nito ay nagsagawa din ang mga senador sa pamamagitan ng Senate Bill no. 1738 sa pangunguna ni Senator Panfilo Lacson. Ayon sa bill mandatory na magkaroon ang lahat ng Pilipinong nasa Pilipinas maging ang mga banyagang maninirahan dito. Ito ay upang mabilis na makapagtransaction sa government at private sector. Mababawasan din ang krimen para madaling maidentify ang mga gagawa ng kalokohan. Sa ikatlong pandinig sa senado halos lahat ng senador ay bumoto na pabor at tanging sila Senator Francis Pangilinan at Rissa Hontiveros ang hindi pumabor.

Narito ang ilan sa mga paggagamitan ng nasabing Identification Card.
  • Social Welfare and Benifits granted by the government
  • Passport, Driver license requirements
  • Tax Related Transactions
  • Admission in schools and government hospitals
  • Opening of bank accounts
  • Registration and voting purposes
  • Transactions for employment purposes
  • Criminal records and clearances
Ngayong panahon na mayroon tayong hinaharap na pandemic virus mas madali sana maibibigay ang mga ayuda ng gobyerno para sa mga mamamayan na lubhang apektado. Malalaman din agad ng gobyerno kung sino sino ba ang dapat unahin na mabigyan ng tulong.



Thank you for visiting my Blog to express my way of communication to all of you.... God Bless