Thursday, August 21, 2014

Biak na Bato - San Miguel Bulacan

Minsan na akong nakarating sa Biak na bato sa San Miguel Bulacan kasama ang aking ex GF at ngayon ay asawa ko na. Naaalala ko pa nga noon na muntik na rin akong tangayin dahil sa lakas ng agos ng tubig Nagkayayaan kasi kaming magtampisaw sa ilog. Mabuti nalang nahawakan ako ng kaibigan namin at naalalayan ako ng maigi Malakas talaga ang current ng tubig sa ilog na yan kung hindi ako nakahawak malamang may masamang nangyari na sa akin.

Ang nabalitaan nating nangyari sa field trip ng BSU sa eksaktong lugar ding iyon ang naging laman ng balita sa mga oras na ito. May namatay na mga mag-aaral dahil biglang tumaas daw po ang tubig sa ilog na siyang naging dahilan nangpagkalunod ng mga estudyante.. Nakakapanghinayang ang ganitong sitwasyon sapagkat hindi natin inaaakala na ang masayang field trip ay mauuwi sa malungkot na pangyayari.

Basahin po natin ang kabuuan ng balita mula link ng GMAnews:
ito po ang link: http://www.gmanetwork.com