Monday, December 2, 2013

Masamang Panaginip ni Yolanda

Ang paghagupit ni bagyong Yolanda ang isa sa pinaka masamang panaginip ng ating mga mamamayan sa parte ng kabisayaan. Ang bagyong ito ang naging dahilan kung bakit marami ang lumuha dahil sa mga namatay nilang kaanak. Marami din ang nasirang ari arian at kabuhayan kaya halos hirap makabangon ang ating mga kababayan. Sinira din ng bagyong ito ang mga daan at pasyalan kaya naman buong Pilipinas ay nalulungkot sa pangyayaring ito.
Credit to the owner of this picture




Credit to: Julie Anne San Jose 

Akala ng marami ay isa lamang itong karaniwang bagyo na dadaan at mawawala lang ng madalian. Kahit ang ating gobyerno ay hindi inaasahan ang ganitong klaseng pinsala. Kaya nga ayon sa mga balita ay hindi handa ang ating mga LGU at ang ating pamahalaan sa mga ganitong klaseng kalamidad. Hindi natin sila masisi dahil wala naman talaga kasalanan ang ating gobyerno. Ika nga nila natural disaster at hindi natin inaasahan ang ganitong pangyayari.

Maging ang media ay dumanas din ang malaking pagsubok at ibinuwis pa ang kanilang buhay para lamang maipaabot s atin ang mga balita. Nakita naman natin kung paano nila ginampanan ang kanilang mga tungkulin bilang mga media. May mga ilan tayong provincial broadcaster ang namatay dahil sa kanilang dedikasyon sa trabaho. Ipagmalaki po natin silang lahat.

Maging  sa ating kasundaluhan ay maagap na tumulong sa mga nasanlata hindi nila inalintala ang kanilang pagod at puyat para lamang magbigay tulong sa ating mga kababayan. Halos 24hrs na nga sila kung magtrabaho kahit gutom at uhaw na sila ay patuloy pa rin ang kanilang pagsisilbi dahil sa kanilang mga tungkulin.

Ang hindi natin matatawaran ay ang mga doktor at nurses na kahit nasira ang kanilang mga gamit ay nagawa pa rin nilang manggamot ng ilan nating kababayan na nasugatan at napahamak sa nangyari bagyo. Sila din ang unang gumamot sa mga may sakit nating mga kababayan. Kaya naman dapat po natin silang pasalamatan.

Dumating ang napakaraming tulong ng ibang bansa na mula pa sa mga malalayong lugar. Sila ang unang nagbigay ng ayuda para maibigay ang mga pagkain at iba pang kailangan ng ating mga kababayan. Noong natapos ang bagyong yolanda at nakita ng buong mundo na talagang wasak ang mga lugar at kabuhayan. Dumating ang mga naglalakihang barko at eroplano na galing pa sa ibang bansa na may dalang iba't ibang pantulong sa mga mamamayan. Malaki ang naging bahagi ng kanilang humanitarian effort sa ating mga kababayan dahil sa hirap ang ating gobyerno sa pagpasok sa mga liblib na lugar kaya silang gumawa ng paraan.

Lumabas sa balita na ang ating gobyerno ay puro dahilan kung bakit naaantala ang mga tulong. Aminin man natin o hindi ito ay isang pagsubok na hindi natin kaya dahil sa laki ng pinsala. Kahit gustuhin man ng ating gobyerno na tulungan lahat ng ating mga kababayan ay hindi mangyayari iyon dahil na rin sa kakulangan ng kagamitan. Nagbagsakan ang mga puno, kuryente, bahay, sira din ang kalsada at marami pang dahilan. Pero dapat pa rin natin silang pasalamatan dahil sila ang unang umaksyon para mabigyan ng dagliang tulong ang ating mga kababayan. Kulang man ating kagamitan ay hindi pa rin matatawaran ang tulong na ibinigay nila lalo na ang mga nasa posisyon na tumulong. Ibinigay nila ang kanilang buong makakaya kahit hirap silang aksyunan ng madaliaan dahil nga sa hindi inaasahang delubyo na dala ni Yolanda.

Marami sa atin ang galit na galit sa ating pamahalaan subalit tayo din naman ang may kasalanan kung bakit sila nandyan. Tayo ang bumoto sa kanila kaya sila ang nasa pwesto. Iwasan na natin ang sisihan sa mga nangyari dahil kahit anong gawin natin ay wala tayong dapat sisihin sa kanila. Sila ang may kapangyarihan upang makatulong sa ating mga kababayan.

Kapit bisig tayong babangon mula sa masamang panaginip na ito at sa tulong ng bawat isa sa atin ay malalampasan natin ito. Muli tayong aahon sa hirap at ito ang magiging dahilan natin para muli tayo sumaya lalo na ang ating mga kababayang naapektuhan ng nasabing kalamidad.

Sa pagsisimula muli na ating mga kababayan sa kanilang kabuhayan.  Maging daan sana tayong lahat para sila ay matulungan. Walang kasing sarap ang tumulong sa kapwa kahit ito man ay sa materyal na bagay o espiritual. Kailangan natin maging huwaran sa lahat para ng ganun ang mga nabibigo sa kanilang buhay ay magkaroon ng pag asang umahon muli sa kahirapan na kanilang pinag dadaanan.

Ilang taon daw ang kailangan para makabalik sa normal na buhay ang ating mga kababayan. Naniniwala ako na kaya itong madalian kung ang bawat isa sa atin ay tutulong para maisaayos ang mga napinsala. Ilang milyon ang tao sa buong kabisayaan at alam ko na kaya nating magbayanihan upang magawa ng mabilisan ang mga nasirang daan, tulay at ibang gusali. Sa ating pagbabayanihan ay madali nating maaayos ang lahat, tayong mga Pilipino ay may ugaling matulungin kaya naman magagawa natin pabilisin ang pag rehabilitasyon sa mga lugar na nasalanta.

Sa tulong ng gobyerno ay muling babalik ang mga ngiti at saya ng mga naninirahan sa parteng bisaya kaya mag bayanihan po tayo para sa mga nasalanta ng bagyo. Muli po ito ang aking Inside my heart topic for today.

God Bless to all and alam ko na walang problema ang hindi nasosolusyunan.

-Alex-