Thursday, November 21, 2013

Isang Maulang Araw sa Doha Qatar

November 20, 2013 Doha, Qatar - Maulan ang kalangitan ng Qatar ngayon araw. Bumaha sa ilang lugar lalo na sa Industrial Area na kung saan ako nakatira. Marami sa mga kalsada ang lubak kaya naman pahirapan ang pag bhaye ng mga sasakyan dahil halos baha ang lugar.
Ito nalang ulit bigla bumuhos ang ulan dito at sensyales para madama na namin ang taglamig. Halos buong maghapon ay panay ang ulan sa buong Doha kaya naman double ang ingat sa pagmamaneho dahil madulas ang kalsada. May nakita nga akong nagbanggaan kanina kaya siguro traffic sa dinaanan ko.

Iniwasan ko na rin lumabas patungo sa malayong lugar kaya hindi na ako lumabas ng opisina. Nakakatakot na kasi bumyahe dahil sa delikado na ang daan sa labas. Maaga na rin ako umuwi para makapag pahinga dahil halos 3 araw nang hindi maganda ang aking pakiramdaman dahil na rin sa ulan.

Nabalitaan ko rin ang pag apaw ng tubig sa isang sikat na Mall sa Qatar (sirang tubo daw ang dahilan), Bumahang lugar sa Al Ruwais at malakas na buhos ng ulan sa bandang Al Shamal. Kaya kailangan pong mag ingat ang mga kaibigan natin  na nandito sa bansang Qatar.

Narito po ang balita tungkol sa pagbuhos ng ulan sa Qatar....

Gulf Times - www.gulf-times.com