Mabuti na lang at meron tayong pambansang kamao na nagbigay ng panibagong pag-asa sa ating mga kababayan. Ang kanyang pagkapanalo laban kay Brando Rios ay muling itinaas ni Manny Pacquiao ang ating bandila na naging inspirasyon ng ating mga kababayan nasalanta mula sa katatapos na bagyo.
Credit to the owner of this photo |
Si Manny Pacquiao ay laki sa hirap na katulad nang karamihan sa atin. Nagsikap at nagtiyaga bago niya narating ang estado ng kanyang buhay. Pareho lang natin siya dati na kumakain ng tatlong beses sa isang araw. Anak mahirap kaya may pusong pagkamahirap.
Nitong nakaraan araw, personal niyang dinalaw ang mga biktima ng bagyo, namahagi ng pagkain, pera at pagpapayo sa mga kababayan nating nasalanta. Nakita natin lahat at saksi tayong sa kabutihan ng kanyang puso. Sa kanyang pagdalaw doon ay dala niya ang bagong pag-asa para sa mga biktima at kinasasabikan nilang lahat. Siya lang ata ang nabubukod tanging namahagi ng isang libong piso sa bawat tao na kanyang bibisitahin. Kung ating napapanood sa telebisyon may dala din siya relief packs at ang isa sa nakakamangha ay ang pamamahagi niya ng bibliya na simbolo ng pananalig sa Diyos.
Nabalitaan din natin na natulog siya sa isang camp na kung saan doon din natutulog ang mga naging biktima ng bagyo. Sinamahan niya katulad ng karaniwang tao na natutulog sa tent. Namangha ako sa kanyang ginawa dahil ayon sa mga balitaan ko siya lang ata ang gumawa ng mga bagay na iyan.
Ito ang tunay na tao na handang tumulong sa abot na kanyang makakaya. Naniniwala ako sa kabutihang loob ni Ginoong Manny Pacquiao na sa kabila ng problema na kanyang hinaharap tungkol sa kanyang account at gumawa pa rin siya ng paraan para tumulong sa kapwa.
Mabuhay ka Manny at saludo kami sayong kabayanihan.
#mannypacquaio #bangonpilipinas