Friday, May 3, 2013

Trabaho sa Pilipinas - Happy kaba?

Dear Kuya,

Alam mo nagtataka ako bakit sa Pilipinas pahirapan ang makahanap ng matinong trabaho na nagbibigay ng malaking sweldo at pang matagalan na trabaho. Kasi sa tagal kong namasukan dati hanggang 5-6 months ka lang sa isang kumpanya at need mo na ulit maghanap ng trabaho kasi end of contract. 

Wala bang permanateng trabaho na pwede pasukan? 
Tanong lang po? Kaya naman naisipan kong isulat ito para kung meron mang senador, congressman, at ibang pulitiko ang makabasa nito ehhh baguhin niya ang kasalukuyang batas. Wag kayong maingay ahhh sana mabasa ito ni Presidente Pnoy, Sana irevise nia ang rule sa Law natin na alisin ang 5-6 month contract para hindi mabahala ang isang empleyado. 


Kasi naman natatakot ako na lumaki ang mga anak ko na balang araw ay mamasukan sila sa maraming kumpanya at mararanasan ang dinanas ko. Please lord help us para na rin sa future ng mga kabataan. Marami sa kasalakuyan ay walang permaneteng trabaho kahit naka graduate kapa ng college eh hirap ding magkaroon ng maayos at magandang trabaho.

Bakit kasi nauso yang contructual employee sa ating bansa. Sino kaya ang nagpasa nito sa senado? Hindi ba inisip ng author ng batas na yan ang kapakanan ng maraming mamamayan na walang permanenteng trabaho.

Nakakainis talaga.....

Ikaw ba naiinis na rin? Samahan mo ako mag react nito baka sakali mapansin naman tayo ng kinauukulan at ayusin nila ang problema sa trabaho......

Basahin ninyo ang kaibahan ng Contructual Basis sa Regular na empleyado

Ito ang Link: http://www.gopinoy.com