Dear Botante,
Isang mapagpalang araw sa inyong lahat
Ito na naman ang panahon para tayo ay bumoto sa mga tamang kandidato na sa alam naman nating makakatulong sa ating lahat. Marami kasi sa kanila puro na lang pangako ang sinasabi kapag nahalal na parang nawawala na ang kanilang ipinangako sa atin. Nakailang boto na ba ako hays maraming beses na pero ganun pa rin ang pamumuhay natin. Nakakalungkot lang talaga isipin kasi parang hindi pa rin nagbabago ang ating ekonomiya. Kaya dapat po pumili tayo ng karapat dapat na maglingkod sa ating bayan.
Naalala ko pa nga noong bumoto ako sa aking lugar, karamihan kasi sa mga nakapaligid doon ay kaibigan at kakilala ko mga watchers sa magkakaibang kandidato at sinasabihan ako na ito ang iboto ko. Naalala ko pa nga dati na binigyan ako ng sandwich at zesto juice na para bang gustong magpa impress ng kanilang iniidorsong kadidato.
Marami sa mga pulitiko sa kasalukuyan ay henerasyon ng nagsisilbi sa ating bayan ang kanilang pamilya ngunit parang ganun pa rin ang kalagayan ng ating bansa. Sa totoo lang paulit ulit na nilang sinasabi na "Kapag ako ang inyong ibinoto wala ng kahirapan at iaahon ko kayong lahat" Ilang beses ko na bang narinig ang katagang ito? ganun pa rin wala pa ring pagbabago sa buhay natin. Binoto at pinagkatiwalaan natin sila subalit pagtapos ng eleksyon wala parang wala pa rin.
Sino kaya sa mga Pulitikong ito ang magpapanukalang alisin ang SIN TAX sa ating bansa? Sino kaya sa mga Pulitikong ito ang hindi kukuha budget para sa kanilang opisina? Sino naman kaya ang gagawa ng batas na magpapanukala na kailangang magkaroon ng sariling pagkakakitaan ang ating gobyerno at ito ang gagamitin para sa pagpapabuti ng ating bayan at hindi ang TAX na kinukuha sa ating mamamayan. Sino kaya sa kanila?
Mahirap na ang ating mamamayan at lalo pa nilang pinahihirapan dahil sa mahal na bilihin, mahal na pamasahe, at mahal na gastusin sa pang araw araw. Akalain mo hindi bumababa ang presyo ng pangunahing kailangan nating lahat.
Naaalala ko pa nga dati noong nag-aaral pa ako ng college, kailangan ko pang magworking student para makapag aral ako sa isang eskwelahan. Paano ba naman mahal ang tuition fee dahil nasa semi private akong school akala ko kasi makakaya kong mabayaran ang tuition fee doon yun pala hindi dahil nawalan ako ng scholar dahil sa lagi akong late sa school. Ito naman ang dahilan ko kung bakit ayaw ko mag aaral sa public school, sandamukal na project naman ang kailangan ko para makapasa sa bawat unit na kailangan kong tapusin. Wala bang libreng school na mag proprovide lahat ng gastusin ng isang mag aaral? sana magkaroon tayo? wish ko lang
Tesda nga pala pero huli na ako nung nagsimula ito 1995 pa ako graduate ng High School...... Hays
Nanghihinayang talaga ako kasi hindi ako nakatapos ng pag aaral dahil kailangan ko ng magtrabaho para sa aming pamilya dahil ako na ang tumatayong Padre de Pamilya noong namatay ang aking tatay. Mahirap talaga maging mahirap hehehehe. Nakakalungkot talaga pero ganun talaga ang life.
Ang isa pa sa nakakainis na sistema sa ating bansa ay ang contractual basis na kanilang pinatutupad sa manggagawa. Biro mo 5-6 months ka lang sa kumpanya na pinapasukan mo at finish kana bye bye, hanap ulit ng trabaho.
Kasi kapag lumagpas ka ng 6 months kailangan ka na nilang irregular, kaya ang mga kumpanya kahit maganda ang trabaho mo mapililitan silang alisin ka "OUCCCHHH" hirap kaya mawalan ng trabaho. Parang niloloko nga nila ang mga workers dahil walang permanenteng trabaho tsugi kana. Kawawang empleyado dismiss.
Ito pa ang nakakainis san ka ba naman nakakita na kailangan mong mag bayad ng EXPRESS or OVERTIME PAY para lang mapabilis ang kailangan mong dokumento, Dito lang yan Only in the Philippines. Kumuha kasi ako ng NBI with red ribbon para sa pag alis ko dahil OFW nga ako, akalain mo may extra charge silang 100pesos para makuha mo agad ang papales mo. Nakakatawa talaga bakit kaya nila ginagawa yun kailangan mong pagbigay ng additional pay para sa mga RUSH. Hays buhay nga naman
Maraming dapat baguhin na sistema sa ating bansa pero ang mga pulitiko sa atin parang hindi nila nakikita "Mga BULAG". Ewan ko ba naman mga bulag ba talaga sila para hindi mapansin ang sistema sa ating bansa. Alam naman siguro nila na ito ang nagpapahirap sa ating mamamayan. Kita mo yung highway may BAYAD lahat ng express may BAYAD, kung naka goverment plate ka malamang wala ka BAYAD sa Highway pero kung ordinaryong tao ka lang at dadaan ka sa mga Highway natin palabas ng maynila hindi ka makakalusot sa mga express toll na may BAYAD.
Marami pa mga kababayan! Alam kong nakikita din ninyo ito at ito ang dapat nilang baguhin. Sino kaya sa mga tumatakbong Pulitiko ang magpapabago nito. Sana naman may makakita nito para naman makabalik na kaming mga OFW sa ating bansa at doon na muling magtrabaho kasama ang aming mga pamilya. Kaya vote wise mga kapatid hindi pa naman huli ang lahat at marami pa rin ang umaasa na balang araw giginhawa din ang karamihan sa ating mga kababayan.
Sana maging mapayapa ang darating na ELEKSYON 2013 at abangan na lang natin kung ano ang magiging resulta nito.
Salamat po,
Bro. Alex Flores
BuhayOFW
Search
Popular Posts
-
Panatang Sambahayan Ang bawat pamilya na Iglesia ni Cristo ay tinuturaan nila ang kanila sambahayan na gawin ang panalangin panatang pangsam...
-
I cover the event of our UNITY GAME here in middle east. We are very excited playing basketball. I played one quarter with my fellow friends...
-
Congratulations to all casts and crews of Ritmo ng Pangarap from Ecclesiastical District of Batangas for winning the following catego...
-
Tamang Hinala - Ang katagang ito ay malimit natin nakikita sa mga taong makikitid ang utak. Sa mga bagay na madali siyang mapaniwala kahit w...
-
Hardees Super Star Burger I went to one of the shop of Hardees here in Qatar and eat one of their best selling burger in town...