Sa in Pogi talaga dahil nadeport? Nabalitaan ko ito nung nakaraang buwan na isang Photographer at Actor ang nadeport dahil sa sobrang kagwapuhan. Aba akalain ninyo pede palang mapaalis ka sa bansang pinuntahan mo dahil sa hindi matatawarang ka pogian aba naman!
Nangyari ito nung nagkaroon ng festival na kung tawagin ay Janadriyah Festival. Kung saan nagpunta ang isang grupong kinabibilangan ni Omar Borkan Al Gala. Sinabing baka magkasala ang mga kababaihan dahil sa kakaibang aura na nakikita nila sa binata "Kita ninyo sa tingin pa lang magkakasala kana". Isa kasi sa pinakamahigpit na batas ay ang Saudi tungkol sa love affair. Marami kasing mga religious police in the conservative affair ang mahigpit na nagpapatupad sa bansang Saudi Arabia especially sa Riyadh.
Aba astig ito ahhh! Buti nalang at hindi ako naging gwapo na katulad niya malamang deported din ako kapag nakatutong ako ng Riyadh hehehehe joke lang. Pero sa totoo lang gwapo talaga ang binata at marami ang humahanga at walang masabi sa kanya dahil totoo naman.
Sana mameet ko ito ng personal tutal malapit lang naman kami! uy Omar punta ka dito sa Qatar para magkita tayo hehehehe....
Nice article mga brother..... Kaya yung mga sobrang gwapo diyan wag masyadong ilabas ang face at baka ma deport din kayo gaya ni Omar Borkan Al Gala. Mga KaBuhayOFW sa bansang Riyadh Saudi Arabia wag masyadong magpakagwapo at mawawalan kayo ng trabaho.
Antok na ako bahala na kayo kung ano ang masasabi ninyo dito.....