Sunday, May 12, 2013

Sana may Pagbabago - Eleksyon 2013


Bukas ng umaga magsisimula ang eleksyon sa Pilipinas, nakahanda na ba ang ating kapulisan sa posibleng mangyaring hindi maganda sa darating na eleksyon? Naka antabay ang lahat sa magiging resulta kung sino ang mahahalal na Senador at uupo ng anim na taong termino.

Ikaw ba ay may listahan na? maging mapanuri po tayo mga kapatid alam kong maraming pulitiko ang mag aaksaya at magwawaldas ng pera para manalo. Wag nating pairalin ang PERA mo BOTO ko system. Ito kasi ang isa sa pang akit ng mga Pulitiko para sila ang iboto mo. Naranasan ko na iyan dati pero hindi ko iyon tinanggap dahil isa ako sa BLOCK voting ng Makapangyarihang organisasyon.

Maraming tumatakbo sa ngayon ay Traditional Politician na halos dekada ang kanilang isinilbi sa ating bayan subalit parang wala pa rin pong nangyayari sa kabuhayan ng ating bansa. Huli pa rin tayo pagdating sa ekonomiya naunahan pa nga tayo ng bansang KOREA pagdating sa popularidad. 

Kailan ko kaya maririnig na ang bansang PILIPINAS naman ang magiging number 1 tiger economy sa buong Asia. Sana mangyari ito para hindi na umaasa ang buong sambayanan sa GOBYERNO.

Maraming pwedeng gawin ang ating GOBYERNO para maging tiger economy tayo. Ewan ko lang bakit palaging may balakid at hindi matuloy tuloy, Alam ba  ninyo kung bakit?

Hays tsaka ko na sasabihin kung may makita akong pwedeng pagkatiwalaang Pulitiko. Bakit nga ba hindi tayo umaangat at hindi mabawasan ang utang natin sa World Bank? Alam ba ninyo kung bakit?

Bibigyan ko po kayo ng isang dahilan take note ahhhh Isa lang po ito....

Alam ba ninyo na ang bansang Pilipinas ay walang kapangyarihan sa mga malalaking kumpanya na pagmamay ari ng Banyagang namumuhunan. Bakit? kasi po binenta ng ating Gobyerno ang ilang sa pagmamay ari nito. Kung ang malalaking kumpanya ba naman ng ating bansa ay nanatiling hawak ng gobyerno ehhh di may kapangyarihan silang diktahan ang presyo. Tama ba ako o Mali? ano sa palagay ninyo.

Isa lang yan sa nakikita kong dahilan kung bakit mahirap pa rin ang ating bansa. Alam ba ninyo na meron ulit gusto ibenta ang ating gobyerno! Hays sana at wish ko lang na hindi matuloy ang deal.

Mga kababayan samahan ninyo ang boses na pwedeng magpabago sa ating bansa. Malay ninyo makahabol pa tayo sa ibang bansa na nangunguna sa ekonomiya. Subukan natin ihatid ang mensahe itong sa mga Pulitiko na mananalo sa Eleksyon ngayong 2013.

So paano kita kits tayo ahhhh.. Sa finals malay ninyo merong maganap na pagbabago sa taon ito....

Yung listahan ng iboboto ko ITO: Link