Uy May 16, 2013 na pala birthday na nang aking panganay na anak, ilang taon ko na ba siya hindi nakakasama mag Birthday mga 3 taon na. Tagal na pala nohhh...
Ganito talaga ang life ng isang OFW karamihan sa amin malayo sa piling nila, bihira magkasama sa katulad nang ganitong okasyon "Ang Birthday" nakakalungkot naman.....
Kuntento na sa mga picture or video na pinapakita sa amin pag tapos ng events. Long distance kasi ehhhh kaya ganun talaga!
Kaya gumawa na lang ako ng sulat para sa kanya!
Sulat ni Papa Alex
Ate AJ ko,
6 years old kana ngayong araw dati naalala ko pa noong last birthday mo nung 2 years old ka! May konting handa lang noon kasi konti lang ang sweldo ni Papa Alex. Itong naka pag abroad lang ako tsaka lang kita nahahandaan ng ganitong kabongga. Nitong last Birthday mo maganda ang cake mo galing yan kay Tito Abdul at siya ang bumili niyan. Dami mo pa nga ng Fans niyan ehhhhh.....
Akalain mo sumayaw pa ng walang kamatayang performance ang mga taga sa atin at sa gitna pa ng kalsada. Anu ba yun talagang may sumayaw ahhhhh big party. Ang pagkaka alam ko konti lang naman ang handa mo niyan dahil sabi ng mama mo konti lang ang bisita mo yun pala nag paparty pa kayo.
Alam kong tuwang tuwa ka sa mga regalo na natanggap mo at sa tingin ko ang saya saya mo nang time na yan dahil ang dami mong bisita. Alam ko din na kahit wala ako sa diyan sa birthday mo naaalala mo ako si Papa Alex mo na nasa Qatar. Nagwowork hard para sa inyo, masaya na ako kapag sinabihan mo ako ng thank you papa ko I love you.....
At ngayong 6 years old kana hays wala pa rin ako diyan. Anu ba yan magsisimula na naman ba ako ma homesick. Antayin ko na nga lang yung upload ninyong picture at video kung ano naman ang gagawin ninyo.
Basta......
Happy 6th Birthday na lang Ate AJ wish ko sayo na lumaki kang mabait kagaya ko at masunurin sa magulang. Wish ko rin na maging masipag ka para matulungan mo si Mama mo sa pag aalaga kanila Leklek at Axcel.
Wish you more birthday to come at lumaki kang may takot sa Diyos na katulad namin ni Mama Mona mo. Tandaan mo na mahal na mahal ka ni Papa Alex, Mama Mona, ni Leklek at syempre ni Bunsong Axcel kahit hindi tayo magkasama sa birthday mo kasama mo na rin ako kasi nasa picture tayong dalawa.....hehehehehe
Sa 7th birthday mo na lang ako babawi at malamang magkasama tayo kasi promise ko sayo yun diba....
Love,
Papa Alex
Search
Popular Posts
-
Congratulations to all casts and crews of Ritmo ng Pangarap from Ecclesiastical District of Batangas for winning the following catego...
-
January 01, 2025 3:35pm MY CUBICLE Office in Top Printers Qatar 🇶🇦 Sa pagpasok ng panibagong taon ay muli na naman tayong maglalakbay sa ...
-
Location: NU Building Mall of Asia Pasay City, Philippines Nagpunta kami para alamin ang proseso ng aking Visa. Almost mag one ...
-
Tamang Hinala - Ang katagang ito ay malimit natin nakikita sa mga taong makikitid ang utak. Sa mga bagay na madali siyang mapaniwala kahit w...
-
Reel Badges ID Pin Badges with logo Blue Color Alstom Qatar Link: www.alexfloresproject.blogspot.qa