Gaano nga ba kahalaga na mabati mo ang iyong mahal sa buhay ng "Happy Mother's Day?"
Maraming bagay ang pwedeng magpasaya sa kanila kapag sumasapit ang araw na ito. Pwedeng bilhan mo siya ng regalo gaya ng roses, cake or iba pa, ang sweet naman diba! Maraming pang paraan kahit simple lang diba.
Pero sa katulad kong OFW paano ko ba magagawang mabati siya sa araw na iyon? tawagan ko kaya? ay always naman kami nag uusap. Ehh kung bigyan ko siya ng pera? para makabili siya ng gusto niya? ay wag na lang kasi wala na ako budget. Kababalik ko lang kasi ngayon dito sa Qatar.
Ahhhh alam ko na ganitong na lang.
Hindi ko na sinama yung kasunod na usapan dahil late na daw ako ng pagbati sa kanya pero alam ko naman na masaya siya bagama't huli na ako at mayroon ng nauna sa akin. Wish ko lang sana yung dalawang anak ko ang unang bumati sa kanya.
Kaya ang naisip ko, gumawa na lang ako ng tula para sa kanya...
"Mama kong Love Happy Mother Day"
Ang araw na ito ay araw mo
Wag sana uminit ang ulo mo
Sa mga makukulit na ate AJ at Leklek
at sa bunsong si Axcel ko.
Sa tiyaga at pag aalaga
Sa kanilang tatlo
Maraming salamat
Dahil ikaw ang asawa ko.
Maraming naging hadlang sa atin noon
hindi ka natinag kahit na malaking bagyo
Sa bawat pagsubok sa atin noon
Ikaw pa rin ang nasa tabi ko
Hindi ko kakalimutan ang bumati sayo
kahit late na gaya ng sabi mo
Inuulit ko pa ring sabihin sayo
Na walang hihigit sa pagiging nanay mo.
Maraming salamat sayo mahal ko
Ipinapangako kong hindi magbabago
At isisigaw ko ng malakas
"Ikaw ang Mama kong love sa buong Mundo".
Happy Mothers Day Mahal kong asawa
mula kay Papa mong Love
Happy mother's Day po sa lahat ng Mother's lalo na sa mga magulang namin kahit na pumanaw na hindi namin kayo makakalimutan. Sa mga kapatid kong si Ate Elvie at Emie. Sa mga kapatid ni Mama kong Love alam na ninyo yun kung sino kayo at sa mga kamag anak namin. Sa mga Kaibigan, Kaklase, Katrabaho, at sa lahat basta lahat ng nanay "Happy Mother's Day 2013"
Antok na ako sige na bye bye....