Sila lang ba ang anak ng Diyos......
Ang bungad sa akin ng kasamahan ko sa marketing ng umagang iyon dahil nakatanggap kami ng isang mensahe tungkol sa pagbabago ng alintuntunin sa opisina lalo na sa departamento namin sa marketing.
"Alex you received the message?" Tanong niya sa akin
"Yes I received" sabi ko naman
Ang hindi niya alam kagabi ko pa natanggap ang mensahe mula sa aming operation manager. Ako ang unang nagreact tungkol dito dahil sa hindi patas ang salary ng mga marketing executive sa aming opisina.
"What to do now Alex?" Tanong ulit niya
"I already send my comments in email and I'm waiting for the responds what ever the answer" sagot ko sa kanya
"This is not fair" dugtong niya......
Ako naman ay napabugtong hininga na lang kung ano ba talaga ang mangyayari sa araw na iyon. Alam ko namang magrereact sila lalo yung mga dehado actually ako nga mas dehado dahil ako ang pinaka maliit na sweldo sa aming mga marketing.
Ang lamang ko lang marunong ako makuntento kung ano lang ang bigay ni Lord sa akin masaya na ako ang importante lang ay makuha ko ang nararapat na para sa akin syempre dagdag na yung kung minsan may natatanggap akong incentives.
Marami ang tumatakbo sa aking isip pero need kong maging relaxs dahil part yan ng growing up ng isang ahente at ng isang OFW. Kailangan mong harapin yan lalo na nasa group of company ka sa isang malaking kumpanya. Ang importante lang ay ang magawa mo ang ipinagagawa sayo ng inyong kumpanya.
Halos lahat sila ay gusto ako kausapin tungkol sa magiging reaksyon ko sa nasabing pagbabago. Well yan ako sa in ako wala kayong magagawa dahil ako nga ito si Alex. Need na lang natin ng focus sa mga goal natin at syempre need nating makipagbanat ng buto at humarap sa kanila na nakataas ang noo. Wag ibaba ang head kasi ibig sabihin nun sumuko ka sa isang laban na alam mo namang kayang kaya mo.
Self motivation and aim your goal ika nga.....