Middle East Conflicts - Day 5
Nagising ako ng maaga upang kumilos papasok ng Work. Sa paglabas ko ng bahay ay bumungad agar sa akin ang napakakulimlim na kalangitan na nagpapahiwatig ng pagbuhos ng ulan.
Tahimik ang kapaligiran at walang bakas na pagsabog ng missile kaya masaya akong naglakbay patungo sa aking trabaho. Habang binabagtas ko ang kahabaan ng aking daan papunta sa akin trabaho ay napansin ko na parang iiyak ang langit.
Mahirap talaga ang mga pagkakataon na may mga digmaan na nangyayari sa mga bansa. Kaya ang dalangin namin sana ay matigil na ang mga pag atake sa mga bansang hindi naman kasali.
Heal the World 🥰
#apflores03 #BuhayOFW