July 25, 2025
QBFR - SBP
Muli na naman akong naisalang sa pag-rereferee dito sa Qatar. Halos mahigit na sa isang taon ata noong hindi ako nakapito dahil sa mga iba't ibang kadahilanan. Actually medyo humina nga ang katawan ko dahil matagal akong walang body exercise. Kailangan ko na muling tumakbo para gumanda muling gumanda ang heart beat natin. Totoong nakakatulong ito kapag nasa referee tayo lalo na sa running games dahil gumangada ang daloy at ikot ng dugo natin. Maging ang blood pressure ay magiging maganda din dahil pagtakbo natin sa court.
Sa unang game na naisalang sa akin ay may mga error akong nacommit dahil siguro sa naninibago ako pero syempre bilang referee kailangan natin gawin ang lahat para hindi na muling maulit pa ang error. Totoong ang judgement natin bilang referee ang magbibigay ng magandang laban sa mga laro. Hindi din maiiwasan ang reklamo ng bawat teams dahil andun pa din ang mga miss call natin. Pero syempre maiiwasan ang lahat ng iyan kung may teamwork ang magkakasama sa bawat game. Ang pagpito natin ay hudyat ng pag hatol sa mga nagagawang scenario ng bawat players. Kaya dapat maging maingat tayo lalo na sa mga mabibigat na laban. Para maiwasan ang mga buliglig sa mga laro.
Kaya nagpapasalamat ulit ako ng marami sa pagbibigay sa akin ng schedule ni Boss Homer Balbin na aming Founder sa QBFR at sa mga liga dito sa Qatar. Ang Pinoy Tambayan League ang unang liga na aking napituhan kasunod ang liga ng MetroRail (RKH - Qitarat Basketball League). Madaming adjustment ulit ang kailangan kong matutunan dahil sa haba ng panahon na hindi ako nakapag referee. Kaya sa mga players na mapipituhan ko sa mga susunod ay pagbigyan na muna po ninyo ako kung magkaka error (Nobodies Perfect) ika nga po.
Nakakatuwa dahil kahit papaano ay nakapag perform naman ako ng maayos kahit may mga iilan na error akong nagawa.
Hanggang sa muli mga kaibigan at see you in the next games....