Showing posts with label awhistleoflife. Show all posts
Showing posts with label awhistleoflife. Show all posts

Thursday, February 26, 2026

A Good Judgement


Good judgment is seen as giving the same verdict to each team in a game of basketball.

When a referee has it, the game ends in a good fight; when he doesn't, it's like a series of arguments over bad judgment.​

Good and proper judgment isn't just about knowing the rulebook—it's about knowing the spirit in game of basketball 🏀. 

#awhistleoflife #BuhayArbitero #apflores03 #BuhayOFW #qbfrara2025

Monday, March 18, 2024

Power Communications - awhistleoflife


Powerful Communication - awhistleoflife

Ang pagkakaroon ng huddle habang break ang game ay isang tools para magkaroon ng magandang komunikasyon ang bawat referees. Hindi natin maikakaila na sa bawat pagpito ng mga violations at foul ay may kaakibat na puna yan ng bawat teams at manonood. Kaya marapat lang na magkaroon ng magandang komunikasyon ang bawat isa.

Maaaring magkaroon ng pagkakataon na magkasabay pumito ang mga referees at magkakaiba ng hatol. Sa pagkakataon na yan ay kailangan na mag usap ang lahat upang magkaroon ng isang positibong paghatol sa pangyayari. Ugaliin nating makinig sa opininyon ng iba para ng sa ganun ay maiwasan ang pagkakaroon ng maling paghatol.

A Powerful Communication will give us a good decisions at the end of the game and give high praised to everyone...keep balling guys....

#apflores03 #awhistleoflife 

Friday, March 15, 2024

The Game Judgement - A whistle of Life


Game Judgement

Naranasan muna na ba yung gustong gusto mong manalo pero hindi pumabor sayo ang judgement ng Referee? kung naranasan muna eto at ipapaliwanag ko sayo.

Ang mga referee na nagiging judge sa bawat game ay walang pinapaborang team kahit na kaibigan o kakilala pa nila ang naglalaro. Ang isang referee na tunay ay hindi natatakot sa kanyang judgement kahit na kaibigan pa niya ang mga manlalaro. Ang gusto lang ng mga referees ay matapos nila ng maayos ang kanilang trabaho sa gitna ng laban. Hindi din naman hangad ang isang referee na maging strikto or magpakitang gilas sa loob ng court. Marami na akong napituhang mga mabibigat na game at makukulit na players pero andun pa din ang respeto sa bawat isa. Sabi ko nga judgement is always not perfect mas madami pa ang Mali kaysa tama dahil sa bawat pagpito ng isang referee madami ang nalulungkot dahil may ginawang mali ang isang players. Sino ba namang referee ang pipito kung tama naman ang ginagawa ng mga players....diba 😅 kaya dapat alam ng players yan at natural lang na magkaroon ng pagtatanong at syempre sasagutin naman yan ng mga referees. 

Minsan nakakalungkot din kapag may nakikita tayong reklamo sa mga pituhan syempre andiyan yung contest sa mga call ng bawat referees wag lang natin masyadong I control ang mga feelings natin dahil sa totoo lang hindi madali ang maging referees sa gitna court. Minsan subukan din ninyo ang pumagitna sa mga laban ng maranasan ninyo ang bigat ng paghatol. Tandaan natin na ang nais lang ng mga referees ay matapos ng maayos at mabigyan ng maganda ng laban ang both Teams. Team Efforts and good plays ang nagpapanalo sa bawat games at hindi ang judgement ng mga referees.

Good Luck Guys at tandaan lagi maging masaya kung anuman ang magiging resulta ng laban. WIN OR LOSE dapat laging Happy...

#apflores03 #awhistleoflife #QBFRSBP